PLAYMATE

754 4 0
                                    

by: dess Share on Facebook

noong bata pa kame tuwing chrismas vacation ay napunta kame sa baguio kasama ang mga tita at pinsan ko

9-10 tears old ako noon ng mag punta kame sa baguio at ako ang pangalawa sa pinaka bata, tumigil kame ng hotel noon dood 3 kuwarto ang kinuha namen na magkakatabi, first time na sa isang hotel kame tumigil lage kase kamang kumukuha ng bahay doon,

pag dating na pagdating namen sa hotel kinausap na ako ng ate ko na huwag akong malikot, ako naman ay natakot dahil kapag tinignan mo ang lugar ay parang napaka dilim ng paligid kahit may ilaw pa,

pag dating namen lahat kame natulog muna dahil sa tagal ng biyahe. pagkagising namen lahat kame kumain muna bago kame habang nakain pinuntahan ako ng 2 kong kasing edad na pinsan itinuro nila saakin ang isang kuwarto sa tapat namen isang kuwarto na bukas yung pinto tapos parang walang tao pero naaakit ako na pumasok sa loob kaya lumapit ako sa pinto ng room na iyon pero tinawag ako ng ate ko at sinabihan na huwag na huwag lalapit sa pinto na iyon kasi daw babayadan namen yung room na iyon kapag hinawakan ko yung pinto at dahil bata ako natakot ako na magbayad kase wala naman akong pera

inabot kame ng gabe kakapasyal pag dating namen sa hotel nagkukulitan parin kame ng mga pinsan ko, binubuska kase nila ako lage nila sinasabi na walan akong dalang barbie sila nalang daw ang maglalaro, dahil hinde nila ako isinali sinabi ko sa ate ko na nag ayos ng gamit ko kung bakit hinde niya ako pinayagan mag dala ng barbie pero sumagot yung mama ako sinasabe na baka mawala ko yung barbie ko kapag dinala ko, dahil sa walang magagawa umupo ako sa sahig kung saan natatanaw ko yung dalawa kong pinsan na nag lalaro ng biglang my kumulbit saakin isang bata din


ang pangalan daw niya ay jean(hinde tunay na pangalan) doon siya sa tapat na kuwarto namen tunitigil at niyaya niya ako mag laro dahil bata nag pakilala din ako at naglaro kame ng lumapit yung dalawa kong pinsan sinabi nila saakin na gumising kame ng maaga bukas para sa fog at umalis na pag tingen ko kay jean ay wala na naisip ko baka tinawag na siya ng mama niya kaya pumasok na din ako ng kuwarto namen

kinabukas dahil may usapan kame na maaga kame gigising magpipinsan ay nagising ako ng umaga hanggang sa may narinig akong katok, naisip ko na baka mga pinsan ko iyon kaya nagpaalam na ako sa mama at papa ko na andoon na mga pinsan ko pupuntahan nanamen yung fog,

pero pag labas ko ng kuwarto ang nakita ko ay si jean sabe niya saakin gusto din niyang akiota ang fog alam daw niya kung saan magandanbg makikita ang fog at susunod nalang daw ang mga pinsan ko, kaya sumama ako sa kanya,

naglalaro na kame ni jean ng dumating doon yung dalawa kong pinsan nag tatampo sila saakin kase daw hinde ko sila inantay, nag laro kame ng naglorong magpipinsan hanggang sa tinawag kame ng isa ko pang nakakatandang pinsan para mag almusal na

tinawag ko si jean pero hinde ko na siya nakita,

tanghali na kame nakadating sa hotel gabe daw kame ulit aalis nalang, pag kakita ko sa entrance ng hotel andoon si jean kaya kinausap ko kasunod ko ang 2 kong pinsan nag kukuwentuhan kame ni jean tuwang tuwa ako sa kanya dahil pareho ang gusto namen, binigyan ko din siya ng chocolate dahil nakain kame ng chocolate mag pipinsan pero tumangi siya magagalit daw ang mommy niya.

kinabukasan paalis na kame hinahanap ko si jean para magpaalam pero hinde ko siya makita. kinatok ko yung room kung saan ko lage nakikita si jean pero naka lock yon, nakita ako ng isang bellboy sa hotel ang sabe niya saakin wag ko daw pag laruan yon kaya sumagot ako ang sabe ko yung kalaro ko doon nag iistay pero sabe nung attendant wala daw tao doon

kaya bumalik ako sa room namen iniisip ko na baka pinagalitan ng mommy niya si jean dahil kinakausap ako kaya umalis na sila,

bago kame umuwi nag punta muna kame sa isang pizza house para kumain ng tinanong ako ng pinsan ko..kung naloloka na daw ba ako dahil daw simula daw nung pag dating namen e natawa akong mag isa at nag sasalita

sinabe ko naman na hinde dahil may kalaro ako kasama pa nga namen kumain ng chocolate eee

pero pinagtawanan nila ako sabe nila 3 lang kame magkakasama kaya sino ang bibigyan ko ng chocolate

nag sumbong ako sa kapatid ko pero nagalit siya saakin sibi niya na bakit daw ako nakikipag laro sa batang yon, dapat daw napansin ko na sa araw na na naandoon kame e hindi nagpapalit ng damit yung bata


pag uwi namen ikinuwento saakin ng kapitid ko kung paano niya alam na may kalaro ako at yung mga pinsan ko hinde iyon nakikita


ang sabe saakin ng kapatid ko dati daw nakatira doon yung bata, pero hinde sa pinaka hotel, nadaganan daw yung bata ng madaming bato at lupa..dati na daw patay yung batang yon at siguro nalulungkot siya.


doon ko nalaman na kaya pala bigla ko nalang hinde makita yung bata ay isa na pala siyang multo,

doon din saakin sinabi ng kapatid ko na kapag daw nakakakita ng multo minsan nakikita din daw kung paano nawala ang isang tao.


Series:Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon