Spell BORING?
Andito kami ngayon sa CLC office (College Lower Council), tumatambay. Pano ba naman kasi 1:30 pa yung next subject ko. Di naman kami makapaglunch kasi ang aga-aga pa kaya nauwi sa tambay ang drama namin. Suki na nga kami dito eh, officer yung isa kong kabarkada kaya ok lang! ^_^
Ok. Halos nabilang ko na lahat ng puno at dahon sa paligid namin sa sobrang boring! Wala talagang magawa! Di ko naman makulit yung barkada ko kasing mukhang namomroblema sya dun s pag'audit ng kung anung chuchu ng college.
Busing-busy ako sa pagtunganga ng may umupo sa tabi ko.
Ohmehgoleh!
Si Luis!
"Ang boring no? Chess tayo?"
Takte, ako ba tinatanong nito?
"A-ako ba tinatanong mo?" with matching turo pa sa sarili ko.
Di sya sumagot. Instead tumayo sya at nanghiram ng chessboard sa isang officer tapos bumalik din sa upuan, katapat ko.
Ayun, binuksan nya yung board tapos inayos nya na ung peices nya.
Di naman ako slow kaya inayos ko na din yung sa akin.
Nagsimula na din yung game. Sya yung unang tumira.
I can’t believe it! Nakikipaglaro ako ngayon sa crush ko! Since first year kasi crush ko na to. Pano ba naman eh tahimik, may pagka-mysterious effect at saksakan ng talino! Consistent Dean's lister nga to eh! Gusto ko ng magwala! Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh! Ang swerte ko naman! kung araw-araw ba namang ganito ang mangyayari sa akin dito eh di lagi nalang akong tatambay!
Eto, umiinit na ang laban! Di naman ako ganun kagaling pero marunong din naman akong maglaro kahit papaano. Ayoko namang mapahiya sa harap ng crush ko!
"Check!" - si Luis yan.
Tinapalan ko naman ng knight yung king ko. Paimpress lang!
Maya-maya, nagsabi na naman ng "check" tong si Luis. Oo, sya na ang magaling.
Di ako maka-concentrate. Eh ikaw ba naman titigan ng crush mo makapag'isip ka kaya?!?
Tae yan, wala na kong lusot! Pahiya naman ako. Huhu
"Pano ba yan,ma-ma-mate ka na, isa nalang pupuntahan mo." sabay ngisi
ano ba yan,talo na ko kaagad! Mamaya isipin nyang ang bobita ko masyado!
Desperado na ko. Lunukin na ang pride, total sabi nya isa nalang pupuntahan ko,mabuti ng magtanong.
"Saan?" - ako
"Sa puso ko."
=============================================================================
Oha, ang korni ng banat ni kuya! Pero pramis tawa kami ng tawa nung sinabi ni “Luis” yan! (Nangyari kasi yan in real life) Classmate ko kasi si “Luis” at di namin ineexpect na babanat sya ng ganun eh super duper tahimik saka serious mode palagi yun.
Wala lang. naalala ko lang at gusto kong ishare! ^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/1288250-288-k939265.jpg)