The Psychologist's Bad Habit

34.1K 420 82
                                    

©️ 2012
--

PROLOGUE

"Love sees no gender" - Anonymous

Love: Sabi nila pwede sa lahat; Universal, pwedeng sa bata, sa matanda, sa may ngipin, bungi, may sakit, sa aso, sa pusa, sa babae at lalake. Minsan gxg at bxb. Basta pag nahanginan ka nitong sinasabi nilang 'LOVE' wala ka ng kawala.

May iba't ibang klase ng love; na ayon sa nabasa kong Theory, ito ay may tatlong konsepto: agape, philia at eros.

Agape; eto daw yung selfless love, yung kahit magkanda kuba ka na at mukha ka ng baliw mapatunayan mo lang na hindi ka humingi ng kapalit o nanlilimos na suklian ka sa ginagawa mo. AKA, Tanga.

Philia; pag-mamahal sa kaibigan. Yung tipong sa kanila ka na nakatira at halos hindi ka na umuwi sa bahay ninyo para lang maglaro kayo ng xbox at ayaw niyo magkahiwalay, dahil tropa mo siya.

Eros o yung tinatawag na sensual love, na may kasamang physical contact. AKA, manyak,

May dinagdag akong isa, at ito ay ang,

Narcissism; ito naman yung puro pansaraling kaligayahan mo lang at wala ka ng pakialam sa nararamdaman ng iba. Damot pakinggan no? AKA, Manhid.

Iba-iba man ang konsepto na alam natin tungkol sa pag ibig na yan, basta pag naramdaman mo ang mga sintomas nito, uulitin ko: WALA KA NG KAWALA.

Pero minsan ang love, mapaglaro. Kapag hinahanap mo, wala. Kapag hindi mo naman hinahanap, bigla na lang darating. Maiinlove ka na nga lang, sa maling panahon, sa maling lugar, at ang masama, sa maling tao pa.

Minsan sa hindi mo inaasahang pangyayari, nainlove ka, sa kapwa mo pang kasarian.

Pero may mga tao sa mundo na hindi natin alam kung mahina umintindi, di makaintindi o sarado lang ang utak sa mga ganitong bagay. Kesyo wala daw sa bible ang mga bakla at tomboy.

Ano naman kung lesbian, gay, o transgendered ka? Bakit? Para lang ba sa mga straight ang love? Babae ka naman, lalake ka naman, yun nga lang hindi straight. Hehe. Chos.

Ang sinasabi ko lang naman walang masama kung magmahal ka ng kapareho mo ng kasarian, eh kung sa iyan talaga ang nararamdaman mo? Hindi naman contagious illness yan para layuan ka ng iba, diba?

Hindi ka dapat matakot sa sasabihin ng ibang tao kung ganyan ka, be proud! Ano naman sa kanila ang pagkakaroon mo ng identity crisis?

Wala naman silang pakialam sa nararamdaman mo ang mahalaga doon ay ang pagapapaTOTOO mo sa sarili.

Tandaan mo, TAO ka, nagmahal ka lang, SA PARAAN NA HINDI KAGAYA NG IBA, SA PARAAN NA IKAW LANG ANG NAKAKAALAM. Love sees no gender.

---

"Mamili ka, ngingiti ka mag isa diyan habang nakatapat sa laptop mo o isasalba mo yung grade mo sa Genetics?"

Tiningnan ko ng masama si Marg.

"Pake mo ba? Nakakailang Drosophila melanogaster ka na?" Tanong ko sa kanya.

"100. Ikaw? Wala pa sa isangdaan yan. Uunahin mo pa kasi yang pag eemo mo!" Sungit naman nitong bestfriend ko.

Tutusukin ko siya kunwari gamit yung scalpel, "Leche ka talaga. Pasalamat ka wala tong blade kundi lagas taba mo."

"Isang taon na rin pala ang nakalipas..." Napahinto ako sa ginagawa ko.

"Mahal mo pa rin siya?" Tanong niya sakin, napaamang ako bigla pero agad ko namang nabawi ang ginawa ko.

Tsaka ako ngumiti, "Di naman mawawala yun." Sabi ko nalang.

"Gumagawa ng blog, check. Nag reminisce, check. Mukha mo, shrek! Confirmed!"

Sabay kaming natawang dalawa.

"At least ngumingiti ka na." Tiningnan ko siya at tsaka napagtanto na, marahil, tama siya sa lahat ng sinabi niya.

Bumalik ako sa ginagawa kong pagbibilang ng mumunting fruitflies hanggang mapansin ko, nakatulog na pala ang bestfriend ko.

Nilagyan ko siya ng kumot at tsaka ko tinuloy tong ginagawa ko.

We never stopped loving someone. Our feelings still remain deep within us for that one special person. Until we meet someone, who happens to be our saving grace.

Our feelings don't vanish fully, it's just that the fire of burning desire has lesser flame; especially now, you already met someone who will love every bit of you.

The Psychologist's Bad Habit (GxG Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon