A/N
Eto na ang huling gabi nila. Kung may maiiyak man, pasensya na. Kung meron lang naman. Hehe.
Para nga po pala kay ReyXD9 ang chapter na ito. Maraming salamat sa pag-appreciate ng kwento.
Yey! Let's proceed na. Again, medyo mahaba ito.
Paki-play na lang din po ang nasa media kung gusto n'yong mas dama ang mga eksena. (Song title: Malaya - By: Moira)
----> si Rigo po sa media.
----------
RIGO's POV
Mabilis na lumipas ang oras at ang tatlong araw na magtatagal kami sa resort na ito ay magtatapos na. Ang huling araw na makakasama ko ang pinakamamahal ko.
Masasabi kong sa loob ng tatlong araw na nanatili kami rito ay ang isa sa hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Bukod sa nasa tabi ko ang taong nagbigay ng dahilan sa akin para hindi ako makaramdam ng pangungulila, siya rin ang dahilan kung bakit ako naging masaya sa loob ng sampung taon ng buhay ko.
Naririto kami nakaupo sa tabi ng dalampasigan at pinapanood ang paglubog ng araw. Nakasandal siya sa aking balikat at pareho naming dinadama ang preskong hangin mula sa dagat na humahaplos sa aming mga mukha.
"Ang ganda, Rigz, 'no?" tanong n'ya sa akin habang pareho pa rin kaming nakatingin sa papalubog na araw.
"Mmm..." tanging naisagot ko lang.
Ito na yata ang unang beses ngayong araw na ito na magiging mahaba ang aming pag-uusap, dahil simula pa kaninang umaga ay pareho kaming tahimik at kahit ang tumingin sa isa't isa ng matagal ay hindi namin magawa.
Pareho kaya kami ng nararamdaman sa mga oras na ito? Iisa lang kaya ang tumatakbo sa isip naming pareho?
"Kailan ko kaya ulit makikita ang ganyan kagandang paglubog ng araw?" tanong niya sa akin.
Ilang segundo muna ang aking pinalipas bago ako nagsalita.
"Maraming pagkakataon pa para makita mo ulit 'yan, Liam. Basta gugustuhin mo lang." malambing kong sagot sa kanya at hinalikan s'ya sa kanyang ulo.
Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim bago siya muling nagsalita.
"E, 'yung kasabay kitang mapapanood ulit 'yan? Darating pa kaya ang oras na 'yon?" malungkot na niyang tanong ngayon.
Dahil sa katanungan niyang iyon ay hindi ako nakapagsalita. Kung gano'n, pareho nga kami ng iniisip ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit tahimik ako buong araw.
Iniisip ko kung mauulit pa ba ang pangyayaring ito sa aming dalawa. Sa huling pag-uusap namin bago kami natulog, alam ko, ramdam kong buo na ang desisyon niyang kalimutan na ako.
BINABASA MO ANG
NO STRINGS ATTACHED
General Fiction-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan nina Randy at Rigo na higit pa sa magkaibigan ngunit hindi nila mabigyan ng titulo? Si Randy Liam d...