Reminder: Ang istoryang ito ay naglalaman ng Romance, Comedy, Slice of Life at HEAVY DRAMA tulad ng nasa description na unang makikita bago simulan ang pagbabasa.
Isa pang paalala, may isang parte rito na medyo maselan. Kaya pasintabi lamang po sa mga kumakain diyan.
Hindi ko in-expect na nalalapit nang magtapos ito. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako sa mga sumubaybay rito. Maraming salamat sa inyo.
Para sa 'yo oziko_yuuri ang chapter na ito. Salamat sa patuloy na pagbabasa. ❤
Kung gusto n'yo pong makinig ulit ng music habang nagbabasa, paki-play na lang po ang nasa media. (Song title: I'll be there for you - By: Martin Nievera)
----> Surprise! Si Ar-Ar ang nasa media.
----------
RIGO's POV
"Tapos na. Halika rito, Liam." utos ko sa kanyang nakangiti.
Hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatingin pa rin ng tuwid at tulala.
Kinuha ko ang tuwalya na naririto sa loob ng aming paliguan at marahang ipinunas iyon sa kanyang basang buhok at katawan.
"Gusto mo bang 'wag munang magsuot ng bathrobe?" tanong ko pa ring nakangiti.
Pananahimik pa rin ang kanyang naitugon habang blangko ang kanyang ekspresyon.
"Itapis na lang natin sa katawan mo, gusto mo ba? Baka kasi pagalitan mo ako kapag nakikita ang dibdib mo, 'di ba?" muli kong tanong sa kanya at nagbitaw ako ng malakas na pagtawa. Bumabalik kasi sa aking ala-ala ang mga panahon na binibiro niya ako ng tulad nito sa tuwing matatapos kami sa pagligo. Sinasabi niyang ayaw niyang makikitaan siya ng dibdib dahil malaswa raw ito.
"Halika na rito para makapagbihis ka na." pagyaya ko naman sa kanya habang inaalalayan siyang makalabas mula sa banyong aming pinasukan.
Panibagong araw na naman. Isang araw na naman ang dumating sa amin ni Liam.
Lubos akong nagpapasalamat dahil isang buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin si Liam.
Isang buwan na pare-pareho ang mga kaganapan. Isang buwan na walang pinagbago simula nang dalhin ko siya rito para maalagaan.
Sa umaga ay kailangan kong maghanda ng kanyang agahan bago pa siya magising. At kung tapos na siyang kumain, magpapahinga lang siya sandali at kailangan ko naman siyang dalhin sa tabing-dagat para maglakad-lakad. Hawak ang isa niyang kamay ay hinahayaan ko siyang makalanghap ng sariwang hangin.
Kasunod nito ay babalik kami rito sa aming rest house para naman muli siyang makapagpahinga mula sa mahabang paglalakad naming dalawa. Kailangan ko rin tingnan maya't maya kung pinagpapawisan ba siya. Nagagawa ko rin idikit ang aking tenga sa kanyang dibdib para pakinggan kung mabilis ang tibok ng puso niya. Kailangan ko iyon gawin para malaman kung pagod na ba siya.
BINABASA MO ANG
NO STRINGS ATTACHED
General Fiction-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan nina Randy at Rigo na higit pa sa magkaibigan ngunit hindi nila mabigyan ng titulo? Si Randy Liam d...