CHAPTER 1: Tropa Peepz

32 0 0
                                    

Araw-araw ng gawain ni Rita at ng kanyang matalik na kaibigan, si Manuel, ang magsimba o dumaan sa simbahan bago pumasok sa eskuwela. Ito ay nakagawian na nila, bata pa lamang sila. Kahit sila ay nasa kolehiyo na ay ginagawa pa rin nila ito.

Para sa kanila ay hindi kumpleto ang araw ‘pag hindi siya nakapunta sa simbahan o ‘pag hindi makausap ang Diyos na itinuturing din nilang matalik na kaibigan.

Sa ekswela, ay may isang grupo ng mga lalaki, kung tawagin ay ‘tropa peepz’, ang laging lumalapit kay Manuel. Niyaya nila si Manuel na sumama sa kanila ngunit hindi niya magawang sumama dahil sa baka kung ano ang isipin ni Rita. Kilala kasi ang grupo sa pagiging magulo at pasaway.

Katunayan laging sinasabi ni Rita “Ba’t ba ganyan yang tropa peepz na yan kahit sa simbahan e ang kukulit?! Di na nahiya eh! Kainis! ”.

Lagi kasi nila nakakasabay ang mga ito sa pagsimba tuwing linggo ng gabi. Si Rita kasi ang tipo ng babae na relihiyoso at napakabait, kaya naman basta may makita na magulo sa simbahan ay agad itong naiinis dahil nakakabastos daw ang mga ito.

Araw-araw na nilalapitan ng grupong tropa peepz si Manuel at unti-unti rin siyang napalapit sa mga ito. Si Rita naman ay agad na napansin ito dahil sa madalas ay ito na ang mga kasabay ni Manuel sa pananghalian.

Dahil dito ay araw-araw ding pinagdasal ni Rita na tama sana ang sinamahang grupo ng matalik niyang kaibigan.

Madalas niyang idasal: “Panginoon ko, patawarin niyo po si Manuel sa pagsama niya sa mga iyon, Nawa’y gabayan Niyo po siya at ang kanyang desisyon na sumama sa grupo na kahit sa inyong tahanan ay talagang pasaway at di nahihiya. Salamat po”

✿◕‿◕✿  εїз  ❀◕‿◕❀  εїз  ✿◕‿◕✿  εїз  ❀◕‿◕❀ εїз  ✿◕‿◕✿  εїз  ❀◕‿◕❀ 

★ Vote

★ Comment 

★ Be a Fan 

Matalik na KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon