~•~
Sa mundong ginagalawan namin ay hindi kanais-nais. Kaya kung ayaw mong mapunta sa lugar na'to, mag-ingat ka. Dahil maraming taong gusto kang ibagsak.
"Huhuhu.. Ayokong umalis... Ayokong iwan ka'yo dito.. Sasaktan lang nila ka'yo." Maiiyak na sabi nang babaeng nasa harap namin ngayon. Siya si Mia De Guzman. Isa sa mga matatalik kong kaibigan at isa sa mga nagpo-protekta sa akin tuwing nasa pnganib kami.
Matapang babae wala siyang sinasanto. Pero. Dahil aalis na siya ay hindi niya naiwasang maiyak. Mahal niya kaya kami. At parang magkapatid narin ang turingan naming tatlo.
"Huwag kang mag-alala, besh. Magkikita pa naman tayo di'ba?" Sabi naman nang isa pang babae at tiningnan ako na parang maiiyak. Siya naman si Zia Kaye Warden. Siya ay isa ko pang kaibigan.
"Oo nga, kaya, 'wag ka nang mag-alala." Dugtong ko at medyo naiiyak narin. Naman! Ikaw ba naman yung iiwanan nang isang taong malapit sayo simula pagkabata!?
"Talaga? P-pero k-kung-" pinutol ko naman ang sasabihin niya.
"Stop playing what if's. Hindi bagay sayo. Matapang ka eh. Tsaka 'wag kang mag-alala dahil hindi pwedeng hindi tayo magkikita ulit, diba, Zia?" Sabi ko at tuluyan nang umagos ang baha sa mukha ko.
"Oo, talagang hindi pwedeng hindi tayo makikitang muli." Sabi naman ni Zia at naiyak nadin. Nagkayakapan lang kami at naghikbian.
"Oh, tama na ang dramahan. Baka bumaha padito, at baka magiging artista pa tayo." Biro naman ni Zia. Tumawa lang kami nang tumawa hanggang sa dumating na ang sundo ni Mia.
Nakakalungkot mang isipin na mawawala ang isa sa mga malapit sa akin. Pero, dapat maging matatag ako dahil dalawa nalang kami ang natitira.
~•~
Paglipas nang ilang araw ay hindi parin kami nakaka-move on kay Mia.
Lumabas na ako nang tent na gawa sa mga dayami at pumunta kay Zia. Nang malapit na ako, agad ko siyang natanaw sa loob nang tent niya. Nakatulala lang ito habang tinitingnan ang mga naiwang gamit ni Mia.
Nakakalungkot mang isipin pero dapat kaming maging malakas para kay Mia. At para magkitakita kaming muli.
Alam kong impossible dahil maari kaming mamatay sa sitwasyon namin ngayon. Pero dahil marami na kaming pinag-daanan dapat manalig lang kami at higpitin ang aming pinanghahawakan.
Alam kong naguguluhan na kayo. At alam ko ding hindi niyo naiintindihan ang dinaranas namin ni Zia ngayun.
"Zia," pagtawag pansin ko sa kanya. Agad naman siyang humarap at pinunasan ang mga luhang dumadaos-os sa kanyang pisngi.
"Lia, ba't ganun!? Ba't ang unfair nang mundo!?" sabi niya at humagolgol ulit sa pagiyak.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Dahil, 'yun din ang mga tanong sa isip ko. Bakit ganun. Kung hindi lang bapagbintangan ang mga magulang namin, wala sana kami sa lugar na'to.
Kung saan lahat ng sakit, pagdurusa, hinagpis, at kawalan ng pag-sa para mabuhay sa mundong ito. Kung pwede lang sanang tumakas sa lugar na'to. Pero hindi ko magawa. Dahil mas malaki ang pagpataw nang parusa ang ibibigay nang konseho sa mga nagbalak tumakas sa lugar na'to. Kung tawagin ay Prison's Village.

BINABASA MO ANG
Forbidden Eye
FantasyFight for Justice Fight for Democracy Fight for Friendship Fight for Fairness And fight for Love