An Open Letter to the First Man Who Broke My Walls

80 5 13
                                    

Bakit kailangan umabot sa punto na may dumating na iba, bago mo mapagtanto yung halaga ng tao sa buhay mo?

Bakit kung kailan may kaagaw ka na, dun mo nalalaman yung halaga ng taong binabalewala at tinataboy-taboy mo?

Bakit ba minahal pa kita? Mali. Bakit mahal pa rin kita. Tangina. Ilang buwan na e. Pero hanggang ngayon,

ikaw pa rin.

Ikaw pa rin.

Ikaw pa rin talaga.

Gusto kitang kalimutan pero ang hirap kasi araw araw kitang nakikita na masaya sa piling ng iba.

Pero nilalakasan ko na lang yung loob ko, kasi alam ko, hindi ata talaga tayo para sa isa't isa at kasi masayang masaya ka na.

Hindi ko pa rin makalimutan lahat ng espesyal na nangyayari sa dates natin.

Lahat ng signs na nagtulak sakin para tuluyang mahulog sa'yo kahit sinasabi mo na nasanay lang ako sa presensya mo.

Umabot pa nga sa punto na nagkagusto ka ng iba bago ko napagtanto yung halaga mo sa buhay ko.

Kaso wala.

Bumitaw ka.

Iniwan mo ako para maging masaya ka sa piling niya.

Akala ko may pag-asa pa.

Wala na pala.

Akala ko maayos ko pa.

Hindi na pala.

Nagmukha man akong tanga, pero tangina, mahal lang talaga kita.
Alam ko pag nabasa mo 'to ngayon, wala ka ng pakialam.

Ang tagal na e.

Kalahati na ng taon yung lumipas.

Masayang masaya ka na. Habang ako, pinipilit maging masaya ng wala ka.

Akala ko kaya ko na. Kaya ko na siguro na makita ang pagiging masaya mo, pero my heart is still longing for you.

ikaw pa rin.

Ikaw pa rin hanggang ngayon.

Pucha.

1st love kita e. First love never dies pa naman. Hahahaha

Ang dami kong ayaw sa'yo, pero nahulog pa rin ako. Kaso masaya ka na sa kaibigan ko e.

Ay.

Kaibigan noon.

NOON.

Alam ko hindi na darating yung panahon na magkakasundo tayo dahil lahat ginagawa mo para iwasan ako. Para ipakita sa mahal mo na siya lang at wala ng iba. Sobra sobra ka makaiwas sa'kin. Hahahaha.

May germs ba ko? Pangit ba ako? Kapalit-palit bako? Charing!

Masaya ako para sa'yo. Nakahanap ka ng taong mag-aalaga at magmamahal sa'yo na sobrang hindi ko magawa noon. Click nga daw kayo e, sabi niya.

Patawarin mo 'ko sa nagawa kong pangtataboy sa'yo noon. Siguro kasi, I really can't accept the fact na gusto mo ako at nagugustuhan na rin kita.

Natakot ako. Naduwag. Nawalan ng tiwala. Na baka kagaya ka rin ng ibang lalaki na bigla bigla akong iiwanan.

Sobra akong naging bad towards you.

I've shown you my worst attitude. Kala ko matatanggap mo kahit ganun ako. Hindi na pala. Sumobra na pala ako.

Iniwanan mo man ako, i admit, kasalanan ko rin naman. Kung pinahalagahan lang sana kita, hindi ka na naghanap ng iba. Hindi ka na sana nagkagusto sa kanya. Masaya sana tayong dalawa. Kung hindi kita tinitiis. Kung hindi kita tinataboy. Bagay na bagay pa naman tayo. Hahahahah!!

Hindi ko balak manggulo o ano.
Gusto ko lang ilabas to kasi sasabog na yung puso ko sa kakaisip kung paano ka mawawala sa puso't isip ko.

Gusto ko ng makawala sa pakiramdam na 'to.

Gusto ko ng maging masaya tulad mo.

Gusto ko ng makalimutan lahat. Kaso tangina. Ang hirap. Lalo kung araw-araw kitang nakikita na masaya sa feeling niya. Na minsan ramdam ko, pinapamukha mo talaga sa kin lahat ng sinayang ko.

Utang na loob please. Tama na. Ang sakit sakit na.

Mahal kita. Kahit huli na.

Mahal pa rin kita, kahit sobrang tagal na.

Minamahal pa rin kita, kahit ang sakit sakit na.

Maraming nagparamdam, pero tangina, kulong na kulong ako sa feelings ko sa'yo kaya hindi ko magawang magmahal ng ibang tao na ang gusto lang naman ay mahalin at alagaan ako.

Iniisip ko na lang, sooner or later, magiging masaya rin ako tulad mo. Makakalimutan rin kita. Malalagpasan ko 'to. Makakalimutan ko lahat. Matatabunan lahat ng espesyal na nangyari nung lumalabas labas tayo.

May hihigit rin sa'yo..

salamat sa lahat. ❤️

**IronWoman**

P.S.
Do you want me to tell you how this story started and ended? Show me, then. We'll see.

The Woman Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon