Chapter 5

9 0 0
                                    


Kinabukasan nagmamadali nanaman akong maligo dahil sa magaling kong kuya -_- 

"Saglit lang naman! ang aga aga pa nagmamadali ka na?"

"syempre! kailangan kong magpacute sa mga transferees palibhasa kasi MANANG ka kaya walang nagkakagusto sayo kasi pangit ka!"with matching kindat pa yaaak!

"Di ko na kailangan maging maganda! dahil kung mahal talaga nila ako mamahalin nila ako hindi lang sa panlabas na kaanyuan!"pagpoprotesta ko.

"aish! bilisan mo na nga! ang aga aga ang lalalim ng mga words mo" nag-pout pa ang mukhang pwet psh!

tumahimik na lamang ako dahil baka kung san pa mapunta ang pinag uusapan namin.Habang kami ay kumain,tumatalak nanaman ang lola kong mahilig mag speech -_-

"Iannie kung ganyan ka gumising araw araw eh lagi nalang tayong nag aaway.Lagi nalang tuwing umaga boses ko ang naririning. Ano bang plano mo sa buhay? pati ang kuya Drake mo nananawa na din" talak talak talak talak!! ugh!

"hindi ko naman po sinasadya, hindi ko naman po gi-"napatigil ako nang tumawa ng malakas si kuya.

"Hoy manang tignan mo yan medyas mo di magkaparehas hahah kelan naging magkakulay ang gray at white? hahahaha"juiceko!

Pati na rin si lola ay nakitawa na,malay ko ba minamadali ako eh.

"Hoy fyi perpekto ka ba? di ka ba nagkakamali? hindi ko naman napansin dahil sa kakamadali mo sakin!"ibinuhos ko sakanya ang juice na hawak ko at nagsimulang tumayo.

nagulat nalang ako ng papalapit na ang perfect kong kuya at hilahin ang maganda kong hair. Ang sakit! "BAKLA KA BA? IKAW ANG NAUNA KAYA DAPAT SAYO GANTUHIN!" sinipa ko ang gitna ng hita nya at namilipit naman ito sa sakit.

"IANNIE LAGOT KA SAKIN MAMAYA!"sigaw nya ng papalabas na ako ng bahay habang nakahawak doon sa.... toot toot haha

"aantayin koooo!"sabay belat ahah

papalabas na sana ako ng gate ng biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Sino ba to ang aga aga?Nagulat nalang ako ng ibaba nya ang salamin ng kanyang kotse. JOSHUA? pano nya nalaman na dito ako nakatira?

Bumalik nalang ang aking katinuan ng bigla nyang binusina ang sasakyan.

"sakay"luh? close ba tayo? pero bakit parang iba?

" at bakit naman ako sasakay jan? ni hindi nga kita kilala eh"pagsusungit ko 

"Ganun ka na ba katanda?nakalimutan mo agad kung sino ako? pangit ka na nga malilimutin ka pa" nakita kong nag-igting ang kanyang panga. Aba! sya pa may ganang magalit?

"oh? pangit naman pala ako eh bakit mo ko papasakayin jan sa kotse mong galing sa junk shop?"pang aasar ko.

At yon na nga may nangyaring hilahan pa bago ako sumakay.

"Alam mo sa lahat ng pinasakay ko dito ikaw lang ang pinilit ko ang pabebe mo kasi eh"huwaw!! sino ba kasi nagsabi na pasakayin nya ko dito?

"Pwede mo naman akong ibaba ngayon kung susumbatan mo lang ako"walang gana kong sabi.

Hindi sya nag abalang pansinin ako at nakatuon lang ang tingin sa daanan. Minsan napapansin kong sumusulyap sya sakin. omo! Kinikilig ako ah! bumalik lang ako sa katinuan ng biglang nagbukas sya ng pinto. Ang gentle gentleman nya talaga whoo!grabe di manlang ako pinagbukas ng pinto.

"oh? kala ko ba ayaw mo dyan sa kotse ko? bakit ngayon ayaw mo na atang umalis?"pagyayabang nya.

"oh! eto na mag antay ka ang gentleman mo kasi eh"pagtataray ko.

"WELCOME!"O_Oat kiniss nya ko sa chicks

anong nangyari? shiiitt! O-O 

Loving A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon