Hi! Gusto ko lang magkwento sa inyo. Wala kasi akung mapagkwentuhan ng mga gusto kong sabihin. Meron akong sinabihan pero wala naman siyang time parasakin hehe.
Hindi ko na lang sasabihin pangalan ko for my privacy. Hehehehe.
Ahm. First of all. I'm now 18 years old. I am not rich nor poor. I'm just in the middle of it. Hehe. Ngayon di ako nag aaral nag stop ako last year kasi andaming nangyari at nagkaron ng problema sa negosyo kaya ayun nagipit kami at di na kinaya pang isingit yung pang tuition ko.
When i was a child masaya kami. Sobra. Yung tipong parang walang pinoproblema? Ganun. Outing dito gala doon. Lahat. Ansaya saya namin NOON. Ewan ko anung nangyari ngayon.
Nung elementary ako nag aaral ako sa P. Villanueva Elementary School. Masaya oo. Sikat ang mama ko dun. Nung time na yun di ko pa alam kung bakit. Pero nung umalis ako sa school na yun nalaman ko kung bakit. Hahahaha. War freak ang nanay ko. At medto maraming beses na din siyang sumugod dun. Dahil dito nag aral ang mga kapatid ko. Hehe.
Nung grade 2 ako. May times na sinusundo pa ako nila mama kasi aalis kami or may pupuntahan or one time bumili siya ng bagong sasakyan. Hehehe. Sumikat na lang din ako dun sa school dahil nga akala nila mayaman kami. Pero may kaya lang. Hahaha.
So as i was saying. Sinundo ako nila mama one time. Tapos may jeep na nakaabang sa labas. Tapos may pangalan ko. Or pangalan nila mama yun. Hahahaha. Hati kasi ng pangalan ng mama at papa ko ang nakalagay eh yun din yun pangalan ko.
Naexcite ako nun kasi bago tapos sa amin yun. Hehehe. Syempre bata pa kaya sobrang babaw ng kaligayahan.
Naalala ko din nung Elementary ako. May libreng show ang school ko dun sa Cultural Centre of the Philippines. Mga ballet dancers ang sasayaw. Libre lang yun. Pero hindi ako pinayagan nila mama kasi daw aalis kami. Tssss. Kaya lang naman sila nag aya umalis nun kasi ayaw nila akong pasamahin eh. Nagtago pa ko nun sa may sapin sa higaan na nakasampay sa may bintana. Umiiyak na ko nun. Hahahaha. Ehbakit ba nalulungkot ako eh.
Habang nasa biyahe kami ansama sama ng loob ko. Hahahaha. Sayang kasi kapag hindi libre yun mag babayad ka ng 500 for the ticket pa lang. Wala pang food. Oh diba? Ang mahal. Huhu. Kaya nanghinayang ako. Nagpalista pa man din ako nun. Pinagalitan pa nga ako ng teacher ko nun kasi nagpalista lista daw ako tapos di naman daw ako sisipot. Huhu. Napahiya ako nun sa klase. Gusto ko na ngang umiyak nun eh. Nagulat ako nung pag uwi ko. Galit si mama. Tapos nalaman ko na sinumbong pala ni kuya yungsinabi sakin ng teacher ko.
Kinabukasan sinugod niya teacher ko tapos sabi niya babayaran na lang daw niya yung ticket 3 beses pa daw para wala na silang sabihin.
So parang natramdaman ko na nainsulto yung teacher ko. Kaya ayun. Namula siya sa galit at pagkapahiya.
Ang ginawa ni mama nilipat ako ng school. Kasamako si ate nanag aral sa Southeastern College. Ewan ko ngabakit kami dun inenroll ni mama. Pero sabi niya sakin nung nasa kalagitnaanna ng school year ko. Dun daw gusto ni ate. Kaya dun na kami nagpa enroll.
Ansaya dun palaging may mga events kada month. Hehehe. Tapos bongga pa ang preparations. Talagang pinag handaan.
Dun ko din namataan or nalaman na nakabukas third eye ko. Dati kasi akala ko namamalikmata lang ako parati. Pero hindi pala. Akala ko natural na tao lang sila. Pero hindi din pala. Akala ko din dati na may kaibigan akong bata pero hindi pala.
Naalala ko pa dati nung grade 3 ako. Nasa Southeastern College na kami nun nag aaral. Nasa hallway kami nun at madami dami din tao dun na nakatambay or kung ano pa ginagawa nila. Haha.
Maya maya may napansin akong nahulog dun sa may aircon na makikita ml sa dulo ng hallway kasi yung fire exit dun wala nang pader para mas mabilis sila makababa. Eh may katapat na aircon dun. May nakita akung nalalaglag. Nung una di ko muna siya pinansin pero maya maya nangmapansin ko na parangmay tatlong paa at isang kamay na nakalaylay nagulat ako. Hinanap ko yung ulo pero di ko makita. And then nagulat akp ng gumalaw yun. Natakot ako at napatakbo sa cr. Umiyak ako ng umiyak dun kahit madaming tao.