Highschool Part 1

0 1 1
                                    

Bago ako mag highschool nagtitinda ako sa palengke para daw makaipon ako ng pambili ko ng gamit pang school. Well nakaipon naman ako. Pero konti lang dahil di naman ganun kalaki ang sahod ko at hindi din ganun kadali magtrabaho sa palengke.

Dadating sa punto na masusugatan ka. Mahihiwa ka. Matitinik ka. Mapepekean ka ng pera. Maloloko ka.

Hahahaha. Hugot? Echos lang. Pero seryoso madaming manloloko lalo na sa palengke. Minsan sasabihin sayo nagbayad na sila. Minsan kukuha ng paninda mo na di naman kanila. Kumbaga mga ahas lang? Mang aagaw. Tapos akala mo kaibigan mo sila yun pala pinag chichismisan ka na pala habang nakatalikod ka. Haysss. Hahahahaha.

Nung mag eenroll na ko. Akala ko sa Pasay City West Highschool ako pag aaralin. Pero ayaw ni mama. Dahil madami daw siraulo dun at ayaw daw ni mama na mapahamak ako.

Kaya sa Arellano University ako pinag aral. Hahaha. Masaya dun. Promise. Kada buwan may events. Pinaka favorite ko dun yung Science at United Nations Month. Hehehehe. Ang gagaling kasi. Tapos kapag may event andaming booths. Andami mong pwedeng bilhan ng pagkain.

Malaki din yung canteen. Madami dami ka ding mabibili kaso kasi nakakaumay kapag paulit ulit. Diba? Diba boys?

Nung first day of school. Naligaw ako ng akyat. Hahahahaha. Kasi ang sabi nung sa emcee. 3rd floor daw ang mga freshmen. So umakyat ako dun. Hinanap ko pangalan ko dun sa mga papel. Pero wala. Huhuhu. Baka naman di ako naenroll dito? Enebeyen.

Lumapit ako sa isang teacher. Nagtanong ako kung saan pa yung ibang section kasi po hindi makita yung pangalan ko dito. Then tinuro niya sakin yung hallway na papasok sa baba. Sa tabi ng cr. Tignan ko daw dun kasi may dalawang section pa daw dun na napahiwalay.

Edi bumaba ako. Pag baba ko tinignan ko yung unang papel. Wala pa din. Yung last nag pray muna ako na sana andito na name ko. 4th section siya. Haysssss.

Nung pagharap ko dun nakapikit pa ko. Hahaha. Binuksan ko yung isang mata ko kasunod nung isa pa at hinanap ang aking pangalan. At sa wakas! Nahanap ko na siya! Omg! Hahahahahaha.

Pumasok na ko sa loob at halos kalahati na ng mga upuan ang laman nung classroom. Naghanap ako ng pwede kong maupuan. Tumabi ako sa isang babae. Mahaba ang baba niya pero ang ganda ng kutis niya. Tisay na tisay. Hahahaha. Maliit ang mata niya. Mahaba ang buhok.

Kinausap ko sabi ko " hi ate! " lumingon siya sakin at ngumiti. Nag hi din siya pabalik.

Tinanong ko anong pangalan niya at sinabi naman niya. Haha. Hanggang sa ayun. Tumabi na ako sa kanya at nag tanungan kaming dalawa. Pero dahil bago pa lang at medyo naiilang pa ako. Di ako masyado makapag tanong ng maayos. Hahahaha.

Nung dumating yung teacher namin. Mukhang Perfectionist at masungit. Pero ayos lang. Mukha siyang penguin kapag naglalakad. Hahaha.

Lalaki siya. Tapos may hawak siyang papel. At nag salita.

" yung mga matatawag tumayo. " nagsimula na siyang magtawag ng pangalan. Para san kaya yun? Matatawag kaya ako? Sa huli. Hindi ako natawag. " yung mga hindi natawag pila kayo dito sa labas. " what? Hays. Bahala na. Tumayo na lang ako at pumila. Kasama ko pa din pala yung babaeng kausap ko kanina. Buti naman.

Paglabas namin may mga nakapila din pala dun. Kapalitan pala namin ng section to. Hahaha. Hays nako talaga.

Pinalakad kami ni sir sa kabilang room. Katabi lang ng room namin kanina. Nalaman kong 5th section na pala to. Hays. At ang pangalan ng section ay Jacinto. At yung kanina ay Gomburza. Pinapasok na kami ni sir at sinabi sa teacher dun sa loob na kami daw ang additional students sa section nila.

Umupo ako dun sa may bandang gitna at humarap kay ma'am. Maya maya may kumalabit sakin. Paglingon ko dalawang pangit lang pala.

" ang pangit mo. Bawal ka dito. " tsss. Unang araw ng pasukan nambubully. Tsss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon