PROLOGUE

6 0 0
                                    

"Guys nakapaskil na yung results ng mock exam sa bulletin board!" Napatingin naman ako sa classmate kong nagsabi nun. Hala ang bilis naman!

"Jia tara tignan natin!" hinila ko naman itong seatmate slash best friend ko.

"Nako E, kahit di mo naman tignan alam naman natin na ikaw ang top 1." Jia said then rolled her eyes. Tss. Tignan mo itong babaitang to, nagrereklamo pero nagpapahila naman!

"Yngrid! Julia! Sabay na kami!" Sabay kaming napatingin ni Jia sa sumigaw sa likod namin. Si Mark pala, pati si Lyle.

LYLE. isipin ko palang pangalan niya, itong heart ko na to, ang bilis na agad ng tibok. Sigh. Siniko naman ako ni Jia at umakbay doon kay Mark... Kahit na maliit siya para mang-akbay. Tss.

"Leggo!" at nauna silang maglakad, ay takbo pala. Napatingin naman ako bigla kay Lyle na nagsimulang sumunod sa kanila.

"Lyle! Wait lang!" tumakbo ako para makasabay sa kanya pero...

"Ahh!!" ang sakit ng tuhod ko waaah may sugat pa! Kung bakit kasi ako nadapa eh, nakakahiya kay Lyle!

Pagtingin ko sa harap ko, nakahinto lang siya pero di lumilingon. Grabe ni di man lang ako tulungan tss. Tumayo naman ako at magpapaalam sana.

"Lyle wait lang ha, kukuha lang ako ng band-aid hin--" napahinto ako sa pagsasalita nung narealize ko kung bakit siya huminto kanina.

Si Gwen kasi, nasa harap niya at mukhang papunta sa room namin.

"Um.. Hintayin mo ako ha." Sinabi ko nalang at tumakbo pabalik sa room.

Assume pa kasi Yngrid! As if mag-aalala yun sayo! Huminto lang yun kay natulala kay Gwen! Hayy. Nung nasa room na ako, kumuha lang ako ng band-aid sa medicine kit ng class at tumakbo agad papunta kay Lyle pero pagdating ko..

Wala na siya.

Hah. Sayang effort kong tumakbo. Sayang effort kong magmadali. Sayang energy ko tumakbo.

Asa pa Yngrid. Di ka magugustuhan nun. Ni pasadahan ka nga lang ng tingin di ka mabigyan eh, hintayin ka pa kaya?

Ang sakit, nakakainis. Pero bakit ganun, umaasa pa rin ako?

Wag kang mag-alala Yngrid, magigising o mauuntog ka rin.

---

Hindi na ako pumunta sa bulletin board sa center ng school. Dumiretso nalang ako sa tambayan namin ni Jia sa likod ng Science building.

"Should i give up? Or should i just keep chasing pavements? even if it leads nowhere. " Well, binigkas ko lang to at di kinanta. Di ko feel eh.

"You should just give up." napatingin naman ako sa likod ko. Teka, sino to?

"Anong pangalan mo?"

"Vince. At ikaw, Yngrid?" Baliw ba to? Alam na niya pangalan ko eh.

"Baliw ka ba? Tsaka teka, bakit mo sinabing maggive up nalang ako?" Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Because you're hurting. And better end it while it's still early, or you'll have a hard time moving on later. "

"The problem is... Ngayon na yung later. Ang hirap magmove-on." napabuntong hininga nalang ako.

"Well, i can help you." Tinignan ko siya ng masama.

"I don't need your help. I don't even know you."

"But I do know you." He smiled at me.

"No thanks." tumayo na ako at aalis na sana dahil ang creepy niya pero napatigil ako nang may marealize.

"Teka, paano mo nalaman pangalan ko?"

"Secret." Then he laughed. Ang creepy niya! Tatakbo na sana ako nang magsalita ulit siya.

"Do you know redamancy? It's an act of loving someone in return. Beautiful word, isn't it? You deserve redamancy, Yngrid. but you keep on fighting for your unrequited feelings for him. Don't hurt yourself. You deserve to be happy. You deserve redamancy. "

"Who should I be with, then?"

"You should be with me."

RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon