CHAPTER ONE

6 0 0
                                    

"E!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ah, si Jia pala. Kumaway naman ako at pumunta sa kanya.

"Tara, tignan na natin yung section natin!" Pumunta naman kami sa may bulletin board. Pero sobrang dami pa ng tao dito so nagkwentuhan muna kami.

"Hala sana magkasection pa rin tayo! Waah sana mataas nakuha ko sa qualifying exam." she pouted and stomped her feet.

"Tiwala lang, Jia. Tsaka matalino ka naman for sure section A ka pa rin."

"Ikaw kamo! Nako eh hindi ko nga inayos yung qualifying exam ko kay may sakit ako nun. Waah di ko kaya na maghiwalay sayo E." at niyakap niya pa ako. Binatukan ko nga, oa nito.

"Drama mo. Tara na nga tignan na natin."At lumapit na kami sa board since medyo kumonti na yung tao doon.

Dito sa school namin, every year ay may qualifying exam. Doon madedetermine kung saang section ka mapupunta. Ang qualified score mo dapat para mapunta ka sa section A ay 92 and above. For section B, 89-91. For section C, 85-88. For section D, 80-84. Kapag di mo nareach kahit 80 man lang, di ka na tatanggapin ng school. Oo, medyo mataas standards nila.

Hinanap ko naman pangalan ko.

Section A Students
1. Yngrid Leigh Martinez - 98
2. Kyle Vincent Lopez- 97.5
3. Lyle Oliver Villareal- 97
4. Gwen Catherine Garcia- 96
5. Mark Lim- 95

Eh? Totoo ba itong nakikita ko? Si Lyle top 3?! Teka si Jia pala? Hinanap ko pangalan ni Jia pero wala siya sa section A. Seryoso?

"waaah E! Section B ako waah!" at niyakap na niya ako. Napayakap na rin ako sa kanya at napabuntong hininga.

"Bakit kasi nagkasakit ka pa nun! Nakakainis ka wala na akong kaclose sa room." Nakakainis! eh paano?! .5 lang, natanggal na siya sa section A!

Section B Students
1. Julianna Montez- 91.5.

Di ko na binasa yung iba sa section B dahil naiinis ako ngayon.  Bakit di nalang nila iconsider yun?!

--

Nakakainis wala akong close sa section ko kahit na halos lahat dito eh kasama ko na since middle school.

"Yngrid! Dito ka na." pinat ni Mark yung katabi niyang upuan sa right. Tumingin naman ako kay Lyle na nasa left side ni Mark. Pagkakataon ko na to para mas maging close kay Lyle! Ngumiti ako at tumango kay Mark.

Pero...

Umupo si Gwen doon. At sinabi pang, "Dito muna ako uupo ha? Thanks." at ngumiti kay Mark. Napasimangot naman ako.  Badtrip talaga itong si Gwen! Wala akong nagawa kundi sa likod nalang ni Mark umupo.

Nagtext naman ako kay Jia.

To: Jianggandaniya

Yung feeling na katabi ko na sana si Mark na katabi ni Lyle, pero itong echoserang si Gwen inagawan ako! Nako talaga!

From: Jianggandaniya

Abangan nga natin yan sa kanto mamaya! Panira ng love life mo eh!

"Patabi! Thanks!" napatingin naman ako sa kumausap sa akin para sana tumango pero..

"ikaw?!" sabay turo ko pa sa kanya. Eh yung Vince na yun yung kumausap sa akin eh, na ngayon ay nasa tabi ko na, na ang harap ay si Lyle.

"Hi Yngrid." at ngumiti siya. Tss mukha namang unggoy!

Joke lang, pogi siya pero unggoy siya dahil nasa likod siya ni Lyle!

"Old student ka ba?" Wala naman akong makausap dito dahil kinakausap ni Gwen si Mark at Lyle (bwisit siya!) kaya kinausap ko nalang itong si Vince kuno.

"Hindi, galing akong Seattle. Diba nga,  nung nag-usap tayo, nakacasual lang ako nun."

"Nung junior year pa yun ah? Edi mga 5 months ka nang nandito sa Philippines? "

"Yeah. Oh, by the way yung nasa harap ko ba-----" tinakpan ko yung bibig niya dahil ang lakas ng boses niya.  Bastos na to ah!

"Manahimik ka nga ang ingay mo!" sinamaan ko naman siya ng tingin.

Bigla namang dumating yung adviser namin kaya umayos na ako.

--

Lunch break na namin ngayon kaya naman naglalakad ako papuntang cafeteria kasama itong si Vince. Iba-iba kasi kami ng lunch break ng bawat section. 11-12pm lunch break ng section A from freshmen to senior year. Then 11:30-12:30pm section B. 12-1pm naman section C, then 12:30-1:30pm section D.

Si Vince lang ang medyo kaclose ko sa room namin at sabi niya ako lang daw kilala niya sa school kaya naman nagstick na kami sa isa't isa. Niyaya nga ako ni Mark na sumabay sa kanila ni Lyle kumain kaso pati pala si Gwen kasama nila so tumanggi na ako.

"Ang layo naman ng cafeteria!" tignan mo itong lalaking to,  reklamo agad!

"Palibhasa kasi rk. Tss.  Masanay ka na." bigla naman namin nakasalubong si Lyle na mukhang pabalik ng room.

"H-hi Lyle!" Ngumiti pa ako pero ni di man lang ako tinignan. Aray ko. May nalaglag naman siyang papel kaya naman dinampot ko. Mukhang letter to ah? Mabigay nga sa kanya.

Tumakbo naman ako papunta kay Lyle dahil ang layo na niya agad (Ang haba kasi ng legs kaya ang laki ng mga hakbang!) pero nung mga 2 meters away nalang ako kay Lyle ay bigla akong nadapa.

"Aray!"

"Yngrid!" tumakbo naman palapit sa akin si Vince at tinulungan akong tumayo, samantalang si Lyle ay naglakad lang.

"Ako na magbibigay." kinuha niya sa akin yung papel at pumunta kay Lyle na nasa room na.

Bumalik naman siya agad at nagbigay ng band-aid.

"Ayan, ilagay mo sa sugat mo." Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ba kasi ako laging nadadapa?!

"Ano nga pala sinabi ni Lyle?"

"Wala naman."

"Wala? As in wala talaga?"

"Oo. Tara na nga." hinila naman niya ako.

Asa pa, yngrid. Never magiging concern o magpapasalamat sayo yang si Lyle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon