[no title yet]

5 0 0
                                    

                          
A/a
HI GUYS!! Pede parequest? Tulungan nyokong magisip ng title nitong tulang to! Please po huhu T.T thank you!! ㅋㅋㅋ

-------------------------------------------------------

Ayokong aminin,
Ayokong aminin dahil alam kong ako ang masasaktan
Alam kong wala kang nararamdaman
Pero siguro may karapatan akong umiyak at masaktan.
Walang karapatang magreklamo
Kahit pansinin ka ay hindi ako obligado.
Walang karapatang mangealam sa buhay mo
Dahil alam kong ikaw, na ang sarili mo lang ang may karapatang magpatakbo nito.
Sobra sobra nako,
akala ko ay simpleng pagkagusto lamang ito
Pero siguro hindi talaga lahat ng akala natin ay totoo
Ang sakit na,
Pansinin mo naman ako oh
Paran akong tuod dito na naghihintay sayo
Naghihintay na suyuin mo
Naghihintay na lambingin mo
Pero alam kong imposible ang gusto ko
Dahil iba ang gusto mo at hindi iyon ako.
Tanggap ko,
Matagal ko ng tanggap na wala akong pagasa sayo
Pero heto ako
Tuloy tuloy ang pagpapaloko
Hindi sayo pero sa sarili ko
Niloloko ko lang ang sarili ko
Dahil sinasabi kong may katiting kang nararamdaman dyan sa puso mo
Na twing kausap moko
Ay hindi man katulad noong akin ang epekto
Pero sana ay kaunti manlang na "kilig" ang nadadama mo.
Ilang beses ko ng sinabing titigil nako
Pero bakit parang mas pinapahirap mo?
Sa twing iisipin kong tatapusin ko na to
Ay bigla bigla mo naman akong kakausapin sa hanggang makalimutan ko na ang plano ko.
Ang Plano kong kalimutan ka ng todo todo.
Ang plano kong limutin kana sa buhay ko.
Ang plano kong tapusin na ang pagpapakatanga ko sayo.
Pero ano nga ba ang tatapusin kung wala naman talagang tayo?
Na wala naman talaga akong halaga sayo.
Na wala sakin ang paningin mo
Dahil nasakanya na ito.
Na sakanya na ang lahat, pati na ang puso at atensyon mo.
Pero bat nga ba ganon?
Pareho lang naman tayong nagpapakatanga dito.
Ako na nagpapakatanga sayo,
At ikaw na nagpapakatanga sa taong gusto mo.
Pareho tayong hindi gusto ng ating mga gusto.
Ikaw na gusto ko, at sya na gusto mo.
Bakit hindi nalang kaya tayo? 😅
Sabi nila na ang dalawang tao na parehong sawi ay ang pinagtatagpo.
Pero bakit parang hindi naman ata totoo? 🙁
Ako na hindi nasuko sayo
At ikaw na hindi nasuko sa gusto mo.
Sabi ko sa sarili ko gusto ko ng mag "move-on"
Eh para san nga ba ang "move-on" kung wala naman talagang "tayo"?
Tayo na binubuo ng isang "ikaw at ako"
Tayo na ang mga "masasayang araw" natin ang bumubuo
Tayo na alam kong hindi magkakatotoo
At tayo na alam ko sa sarili kong parte lamang ng imahinasyon ko.
Sabi nila hindi na ako ito.
Oo,
Binabago ko ang sarili ko para sayo.
At oo alam ko ding, hindi tama to.
Pakiramdam ko din na hindi tama to
Kasi kelan nga ba naging tama ang pagpapakatanga ko sa isang taong katulad mo?
Sa tulad mong may ibang gusto?
Na alam kong sa kanya lamang lahat ng oras mo pero nakikihati pa'ko.
Bakit nga ba ako nakikihati kung alam kong darating ang taong ibibigay ng kusa ang lahat oras nya sa'kin?
Dito.
Dito sa tulang ito,
Sasabihin kong para sa respeto sa nararamdaman mo para sa gusto mo ay
Pipigilan ko,
Pipigilan kong lumalim tong nararamdaman ko.
Pipigilan kong makihati sa atensyon mo
Pipigilan kong magpapansin sayo
Pipigilan ko na magpakatanga sayo.
Pipigilan ko lahat ng pede kong maramdaman sayo.
Pipigilan ko at susubukan kong pigilan kahit sobrang lalim na nito.
Lahat naman ng taong magugustuhan natin ngayon at huhupa rin sa tamang panahon.
Pero wag kang magalala,
Kahit mawala na to hindi ko padin kakalimutan na minsang din akong nagkagusto sayo.
Hindi ko kakalimutang ikaw ung minsa'y naging kasiyahan ko.
Na minsan ikaw ang dahilan kung bat malakas ako.
Na minsan din kitang ginawang inspirasyon ko.
Na minsan din kitang ginawang dahilan para pumasok ako.
At minsan ko ding inilabas ang todo itong mga luha ko.
Kaya tama na.
Tama na ang lahat ng sakit nato.
Tama na ang pagasa ko sayo.
Tama na ang nararamdamang to.
Dahil para sa akin, ang pinakatamang gagawin ko,
Ay yung pigilan at kalimutan itong nararamdaman ko para sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaya pa kahit masakit naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon