Prologue

1.4K 26 21
                                    

Mahirap magkaroon ng crush

‘Pag tuminigin ka, iiwasan ka

Kikiligin ka naman, pero joke lang talaga niya ‘yun

Asa ka lang ng asa, pero wala pa rin

Minsan friend lang ‘yung tingin niya sa’yo

Ang tagal-tagal mo ng may gusto sa kanya, hindi parin niya alam

Snob siya sa’yo, Ikaw naman hindi ka parin sumusuko sa kanya

Kapag may nakita kang may kasama siyang iba, masasaktan ka

Mahirap din ang walang crush

Walang masyadong inspirasyon

Hindi mo alam ang feeling ng kikiligin

Iniisip mo minsan na tanga lang ang mga taong may gusto

Hindi mo alam ‘yung feeling na sana kasama mo ang gusto mo forever

Iniisip mong walang kwenta ang love

Iniisip mo na pareho lang ang mga tao sa paligid mo

At minsan takot kang ma-in love

Paano naman kaya kung mainlove ka sa taong alam mong hindi maiinlove sa'yo kahit anong gawin mo? Susuko ka ba o hindi?

At paano naman kung ang taong hate-na-hate mo at hate-na-hate ka ay mainlove sa'yo?

Anong gagawin mo?

May ipapabasa ako sa inyo! Ang kwento ng buhay ko, ito muna... para mamaya 'yung iba....

WAIT LANG!

Ang mga pwedeng magbasa lamang ng kwento na 'to ay ang mga...

-Cute

-Feeling Cute

-May crush o kaya nagka-crush

-May lablayp kahit "it's complicated"

-Hindi masyadong mabait

-May pagka-pilosopo

-'Yung mga hindi masyadong boring

-'Yung mga hindi masyadong seryoso sa kanilang buhay

At may mga iba pa! Nakakatamad silang isulat lahat eh, at kung kasali ka sa mga nabanggit... CONGRATULATIONS! Pwede mo ng basahin...

Flashback:

“Clea, bakit ka nakatulala diyan?” Tanong ng kaibigang kong si Amber.

“Alam mo kasi mamimiss niya si Kyle. ‘Yung crush niya” Hindi ako ang sumagot nun. Si Danica, kaibigan ko din.

“Ahhh, kaya pala. Last Day Of School na kasi eh” Sinabi ni Amber

“Oo nga. Hindi pa rin siya nakakaconfess sa kanya hanggang ngayon. Paano kaya kung, nung inamin ni Clea kay Kyle, may gusto rin pala ngay rin daw si Kyle sa kanya? AYYYIIIIEEEE.... Keleg much” Mapang-asar na sinabi ni Danica, isa rin siya sa mga best friends ko. Habang si Amber naman ay nakatulala lang, parang may malalim na iniisip...

"Tumigil ka nga, Danica. Ayaw ko ang laging umaasa" Pinatigil ko si Danica

Tumayo naman ako, “Aalis muna ako. Pupunta muna ako sa C.R”

“Ah, ok” Sinabi ni Danica

<><><><><><> 

Hindi talaga ako pupunta sa C.R. Hahanapin ko lang ‘yung si… Kyle. Kinakabahan na ako, parang hindi ko kaya. Pero kakayanin ko ‘to, tatlong minuto na ang nakalipas wala parin. At may nakita akong mukhang pamilyar… Si Kyle.

Kinuha ko na ‘yung letter at tinaas ko. Paparating na siya kinakabahan na talaga ako. Ayan nandyan na siya, kasama ang tatlong kaibigan niya. Pero–bakit hindi niya kinuha??? Nandito naman ako. Iniwasan lang ako na parang hangin. Parang wala siyang nakita. Tumingin ako sa paligid nakatingin lahat ng tao sa akin, habang si Kyle ay wala lang, nasa likod ko na siya… At napahiga ako sa sahig sa kakahiyan… Nakaka-paay...

-END OF THE FLASHBACK-

<><><>

Please follow my new account~> @candymystic

A Stupid Thing Called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon