Prank #0 - Past is Past, As They Said It
"What are you looking for?" She asked for the nth time. I just ignored her, "It's creepy in here, you know."
"Ano ba kasing hinahanap mo dyan?" Tanong naman ng isa. Ayos, tinagalog lang niya yung tanong ni Shienna eh, "at kailangan nakaluhod ka pa dyan sa sulok?"
Napansin din siguro na parehas sila ng tanong kaya dinagdagan niya.
"Shhh! Binubulabog niyo sila eh!" Pabulong kong sita sa kanila pagkaharap ko mula sa pagkakayuko dito sa gilid.
Bakas sa mukha nila ang pagkagulat.
"You--you mean, there are g-ghosts in here?" Garalgal na saad ni Shienna tsaka dahan-dahang lumapit sa may pintuan.
Mas lalong lumaki ang mata ni Raine ng marinig niya ang tanong ni Shienna at dahan-dahan din siyang humakbang palayo sa akin.
"Pffft." Nagpipigil ako ng tawa habang tinitignan ko sila na parang hindi mapakali sa kinatatayuan nila at in any moment na gulatin mo sila ay siguradong kakaripas na sila ng takbo dahil sa takot! Hahahaha!
Tumalikod ako sa kanila para hindi nila mapansin yung pagpipigil ko ng tawa. Nang makapagpakalma na ako ng sarili tsaka ko sinigaw ang..
"BOO!"
Dali-dali silang kumaripas ng takbo palabas ng pintuan habang sumisigaw. Nagtulakan pa sila habang nagmamadali lumabas. Shet! Ang epic! Haha!
Sa sobrang epic nila, hindi ko na napigilan ang hindi pagtawa ng malakas! As in tawa na may tumulo pang luha at hawak-hawak ang tiyan sa kakatawa. Laughtrip amputek!
*PAK*
"Aray! Sh!t!" Napasapo ako sa batok ko dahil sa malakas na pagkakabatok sakin ni Raine. Hindi ko napansin na nakabalik na siya dito sa loob ng janitor's room, siguro dahil sa busy ako sa pagtawa ng epic na pagkakalabas nila ng kwartong ito.
Napailing ako sa ginawa niya. Grabe, naalog ang utak ko.
"Lakas din ng trip mo eh 'no? Muntik na kaming atakihin dun sa puso tapos tatawanan mo lang kami?" Nakapameywang niyang sabi habang inaayos ang eyeglasses niya.
"Haha! Ang epic naman kasi ng conclusion niyo. Multo agad iniisip niyo eh, hindi naman talaga." I smiled sheepishly at her. She just glared at me. Uh oh.
"Okay! Okay," I raised both of my hands to show that I surrender to her, "I was just looking for--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang pagaspas ng pakpak nila at ang paglipad niya sa harapan namin.
Bingo!
Sinundan ko ng tingin kung saan ito dadapo, "Alcohol!" I shout-whispered at Raine while staying my focus on it and holding my breathe like I would disturb it if I try breathe.
BINABASA MO ANG
The Prank War
Roman pour AdolescentsPrepare yourself because a War of Pranks is coming on your way.