Extra Chap: After the last scene in COABB

499 14 5
                                    

Author's note : Dinagdagan ko lang yung scene nila para narin sa gustong makaalam nang huling nangyari. Kahit hindi ganun na kakakilig , I hope you like this chap.. happy reading!

===================================

Ann's POV

Ang awkward talaga nun! sinabi nya na gusto nya daw ako? pero bakit nya ako hinalikan? ay oo nga pala kasi dahil sa patunay na yan! pero di parin ako makapaniwala na may gusto sya sakin.... gusto..... gustoo....

hindi kaya pinagtritripan lang talaga ako? pasensya na guys kung hindi ako naniniwala ha. E kasi naman kilalang-kilala ko yan si shon kahit ilang months palang sa bahay namin yan, mahilig yan mangtrip jusko day. Halos ikamatay ko na nga pangtritrip nyan eh.

"Hoy Shon! Nag aaral ka ba ng drama skills mo kahapon? at ginawa mo nalang sakin yun?"

nandito kaming dalawa ni shon ngayon at nanunuod ng tv. Nandoon sya sa malaking sofa at ako naman dito sa maliit na sofa.

"I told you it's true that I like you." pa bore na sabi nya.

"Shon, kahit eto lang palampasin mo. Sa araw araw na kalokohang pinapakulo mo sa akin, sa tingin mo maniniwala ako? Shon naman, ayoko na ha. Ang sakit kasi alam mo yun?" Sawang sawa na kasi ako sa mga kalokohan nya. Sawang sawa na ako.

tumayo sya at lumapit sa akin.

Lumuhod sya sa harapan ko para makita nya maigi yung mukha ko.

"I'm so sorry.." diba? diba? kalokohan nya na naman ito.

Tumayo ako at lalakad na sana papunta sa kwarto ko ng bigla akong makaramdam ng yakap. yep, backhug.

"Let me finish first. I'm sorry because I hurt you that much. Nakalimutan kong maramdamin ka nga pala. Dinidibdib mo yung mga pinagsasa-sabi sayo, wala ka namang dibdib.."tama sya. dinidibdib ko lahat ng mga jokes nya sakin this past few months pero kailangan talaga may kasamang katotohanan? Seryoso kasi akong tao kaya masakit sakin kapag may nasasabi syang tumatagos talaga sa puso ko. Hindi ko nalang pinansin yung wala daw akong dibdib. Meron kaya!

"This is not a joke Kylin Ann. You know when we were a kid, I'm always looking at you. You look like an angel back then. You don't even remember me that much now.. but I want you to remember me. I'm that kid in the hospital. The one you kept on reading a children's book because he couldn't sleep, the one you always visits because you wanted to know if his condition is getting better, and the one you always making a paper airplane because he told you he wanted to be a pilot. Do you remember now? Stick-O?"

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Bakit ko sya nakalimutan? Oo naaalala ko na. Sya yung lagi kong pinupuntahan sa hospital dahil malubha yung kalagayan nya. Dahil wala syang makausap at that time, ako ang naging kalaro nya. araw araw kami nagkukulitan.

Nagkahiwalay kami no'n dahil kailangan ko nang umuwi. Bumisita lang naman kasi kami sa lugar na iyon. Nag promise kami na magkikita ulit kami. Sinabi nya pa nga na balang araw papakasalan nya ako haha.

Humarap ako sa kanya at niyakap sya.

"Brownies!" favoite naming food ang tawagan namin. favorite food ko kasi stick-o at sya naman brownies. Bata palang may endearment na no? 

tinanggal ko yung pagkakayakap ko sa kanya. Hmpp. galit ako noh.

"Bakit hindi mo man lang sinabi ito sakin ng mas maaga? at bakit kailangan mo muna akong inisin maigi bago aminin to?" inirapan ko nga sya.

"Because it's fun to tease you. haha" aba patawa-tawa pa ang lalakeng ito!

"I hate you. you know?" mukhang magaling na naman sya eh. hindi parin nagbabago. kahit kasi nung mga bata palang kami lagi nya na akong pinagtritripan. Lagi naman akong naiinis diba. hays

"No. You love me." makangisi ha wagas!

"Yes I lov-- I mean no! I hate you. I really do!" muntik na yon ha. safe haha.

"Pakipot pa tss." ano daw? ako pakipot? batukan ko sya!

"Utot! pangit mo brownies!" inagawan ko na sya doon sa malaking sofa haha. Ako naman dito ngayon.

"Yes I know i'm handsome." kapal! kailan kumapal ng ganito mukha neto?

tumabi sya sakin. " Stick-o tabi tayo ha? promise hindi na ulit kita tutuksuhin. Konti lang." konti lang daw? utot nya haha pero sweet nya ha.

"Maniwala naman sayo." kumuha ako ng tissue kasi pulang pula parin mata ko.

"Ako na magpupunas." yiie sweet nya. okay di ako sanay. pupunasan nya na dapat ng biglang dumating si mader.

agad agad naman kami umayos ng upo ni shon.

"Oh anak! bakit namumula yang mata mo? umiyak ka ba? Shon bakit to umiiyak? pinaiyak mo no?" na paparanoid na naman po ang aking ina.

"MA! hindi nya po ako pinaiyak , yung pinapanuod po kasi namin sa tv kanina eh.. drama yung genre. Ang lungkot kasi nung ending ma! grabe kung napanuod mo lang ma! iiyak ka ng isang dosenang luha." pagpapalusot ko na lamang.

"Talaga anak? sorry iho nasisi pa kita." daling maniwala haha.

"Ok lang yun tita." no emotion na sabi nya na naman.

"Anak ipanuod mo rin sakin yung napanuod nyo kanina ha! alam mo naman na mahilig ako sa ganyan." oo mahilig talaga si mama sa mga drama drama. Ilang drama na nga napanuod nyan eh buti hindi nauubusan yan ng luha kaya nga pati buhay nya dumadrama narin eh. hay

"Oh sige ma!" naka ngiting sabi ko kay mama.

"Osya at maiwan ko muna kayo dyan. Aakyat lang ako para magpalit na." nakita ko nag smirk si shon at alam kong may binabalak to!

"Ok po!" sabay naming sabi.

Pagkaalis ni mama, biglang humiga si shon sa lap ko.

"Hoy! may unan naman dun ha! dun ka nalang humiga." hindi ko na kailangang sabihin na ang bilis bilis ng tibok ng puso ko! automatic na yun at kasama na ang pamumula ng pisngi ko.

"Mas komportable ako na dito humiga keysa sa unan.... matutulog ako wag kang maingay. Kung dadating man si tita, ikaw na gumawa ng palusot." litsi talaga tong lalaking to.

bigla nyang pinikit ang mga mata nya.

mga limang minuto rin bago ako tumingin sa mukha nya... ang kinis ng mukha nya... ang tangos ng ilong nya ang mga pilikmata nyang mahahaba at ang napakagwapo nyang mukha.. waahh! pinagpapantasyan ko ba sya?

Hindi ko napansin na papalapit ng papalapit yung mukha ko sa kanya! gusto ko man i'alis pero hindi nakikipag cooperate yung ulo ko!

"Bakit hindi mo sinabi na gusto mo ng halik kanina? kailangan kung kailan tulog ako, dun mo ko gagawan ng damoves mo?" ang kapal ha! hindi ko naman sya gustong ha-ha-halikan eh!

"Tsk ang bagal mo. Ako na nga."

NINAKAWAN NYA NA NAMAN AKO NG HALIK! shempre okay lang hahaha.

"Nakakairita ka! ilang beses nayan ha!" enebe haha

"Pa deny kapa, gusto mo rin naman. Isa pa?" mesherep kesi haha oo isa pa isa pa! shempre padeny ulit.

"Tama na uy! nakakadami kana. manuod nalang muna tayo." sumandal ako sa balikat nya at hinawakan nya naman kamay ko. yiie sweet.

Wala akong pake kung masama man syang kumag, basta tanggap ko sya kahit sino pa sya.

At sa huli, nahuli kami ni mama -.-'' naliwanagan naman sya at grabe ang saya saya nya! akala ko pa naman magagalit pero parang mas masaya pa sya keysa sakin.





fin


---------------------------------------------------------------------------------------------


A/N: Thank you for reading this extra chapter guys. :D


Confession of a BAD BOY! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon