The Movesss

1K 27 12
                                    

[A/N]:Dahil sa kabordan dito sa bahay..... gumawa nalang ako ONE SHOT! Comment guys or vote if you like it ☺️ thanks!

======================================================

"Ann!! Halika bilis! may kaaway na naman si Shon!! " at eto na naman si Iza isasali na naman ako dun sa gulo ni shon.

"Naku wag mo ko isama dyan sa away na yan ikaw nalang pumunta. " kailangan talaga kasama ako? hindi naman ako chismosa! nako.

"Halika na sumama ka na!"  hinawakan nya yung kaliwang wrist ko tapos tumakbo kami doon—————->>> sa antartica haha de joke lang.

"O! ANO! pakipot ka na naman sa girlfriend ko! " sabi nung kaaway ni shon.

"hahaha sorry brad pero hindi ko sya inaagaw sayo, She's the one who keeps on trying to get my attention. Kasalanan ko ba na gwapo at sikat ako?"

ang yabang talaga! hindi ko nga alam kung paano ko yan nagustuhan eh. hindi ko lang inaamin kay iza dahil kukulitin na naman ako nun tyaka masyado syang madaldal kaya hard to say.

Si shon ang popular guy dito sa school namin dahil sa gwapo sya , bad boy , mayabang ,matangkad, at matalino.

Grabe hindi ko alam kung saan nya nakukuha katalinuhan nya ni hindi mo nga makikitang nag-aaral yan eh. 

Ewan ko ba bakit lagi nalang nakaka-akit ang mga lalaking gangster na gwapo bla bla! jusko ano bang meron sa mundo ngayon at bakit kasali ako sa mga yun?

"Gago ka ha! hindi porque sikat ka dito gaganyanin mo na kaming mga lalaki! " hoy lalaking to! kahit ganyan yan di yan gago! siguro.

"It's not my fault that I'm popular. But you know what? I did help you somehow.." he paused then smirk. "because a loyal girlfriend would never look into my way and chase me. " yup tama sya kasi naman kung loyal yung mga girlfriend nila, edi wala dapat silang pakialam kay shon.

"Loko to ha!"

"Accept it pare. Truth hurts nga diba?" at eto na naman ang nakakaloko nyang ngiti.

susuntukin na sana sya nung lalaki kaso biglang dumating yung prof.

"Ano na naman ito!? malapit na ang klase at bakit kayo nag kukumpulan dito?" shemay yung prof dumating.

"Ah! ma'am may kaaway na naman po kasi si shon." sabi nung isa sa mga chismosa.

"Si shon?Nanaman? Hoy tumigil na kayo dyan! mag start na ang klase!" yep! sabi ni ma'am tigil na daw!

nagsialisan na yung mga istudyante , hindi narin nabugbog si shon.

di rin sya pinapunta sa guidance nung teacher kasi may gusto rin ata sa kanya yun! lakas ng kamandag.

"Gwapo nya no? grabe kakainlab! sana sakin nalang sya." sabi ng mabait kong kaibigan na si iza.

"Nako kala mo lang talaga, sige mauna ka na!" gwapo? sya gwapo? HAHA oo gwapo na pero lagi ako iniinis sa bahay! tapos inuutus'utusan!

kasi naman nakatira si shon samin dahil pumunta ng Canada yung mga magulang nya kaya dun muna sya samin dahil close yung parents nya at parents ko.

3 months narin ang nakalipas nung lumipat sya , lagi nya akong kinukulit tapos tinutukso! lagi kaming nag sisigawan sa bahay! at nag pa-favor pa sya sakin na wag daw ipagsasabi kahit kay iza na mag kasama kami sa bahay. Ang sama talaga hays

Meron pa ngang time na tinanong ko sya kung anong type nya na babae at ang sakit malaman na ang type nya ay maganda, sexy, short hair, at medyo katangkaran.  Ni isa ata dyan wala ako!

Confession of a BAD BOY! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon