A Way To Love (One Shot Story)

185 13 5
                                    

By: symphRain

A/N: Pumasok lang sa isipan ko isang gabi ang sobrang maikling story na ito kaya isinulat ko na lang din. :) Sana magustuhan n'yo.

***********************************************************************

Anebey.. Alam n'yo, ang sarap talagang i-untog nitong dalawang to eh! Itong si Kate at Hance. May gusto sa isa't-isa, hindi na lang mag-aminan ng deretso. Pinapagod pa talaga nila akong maging tenga, bibig at kamay nilang dalawa. Haist.

Ito naman kasing si Hance masyadong torpe at hindi makapangligaw ng personal kay Kate. Nabansagan pa naman s'yang campus hearthrobe tapos tila walang mukhang ihaharap kay Kate.

Ito namang friend kong si Kate, kilig na kilig na nga, nagpapakipot pa. Hmmp! Kulang na nga lang eh utosan akong sabihin na Hance.. sinasagot ka na raw ni Kate..

Pero okay lang sana yun kung huwag muna maging sila pero sila na lang magligawan eh no? at umexit na ako ng bongga sa picture nila. Selos ako eh!

Ahm.. Eh kasi po, crush ko yung si Hance. Syempre ako lang may alam nun. Kahit malungkot at masakit din ng slight ay tanggap ko na na bridge lang ako sa pagmamahalan nila ni Kate. I'm happy for them na rin. Sana 'di na magpakatorpe itong Hance na ito at siya na ang personal na lumapit kay Kate nang matapos na rin ang kalbaryo ng puso ko.

Charing! Gumaganon ako eh no? XD

"Ahm.. Danzel.. Paki-bigay naman ito kay Kate please." As usual, magiging kamay na naman ako ni Hance nito.

I smiled at tinanggap yung inabot n'yang bouquet of flowers at chocolates. Uso talaga ito no? Sana may magbigay din sa'kin ng ganito one day. "Okay.. Right away, Mr. Torpeng Hearthrob, Hance Romualde," sabi ko tapos nginitian at kinindatan s'ya. Nag-blush naman s'ya, marahil dahil dun sa tinwag ko sa kanya. Hehe Ang pogi n'ya talaga.

"Oh sige, puntahan ko na si Kate!" I said as I waved goodbye.

"Wait," pigil n'ya sa'kin. Oh gosh.. hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Ano yun?" tanong ko.

"S-Salamat sa pagtulong sa'kin.. At.. At s'ya nga pala, bagay sayo ang hairpen mo. Mas lalo kang gumanda. Sige bye!" iyon ang sabi n'ya tapos tumakbo na palayo. Nag-init naman ang mukha ko sa compliment n'ya.

Omo! Maganda raw ako! Kyaaa!

But aishh.. Get a grip of yourself Danzel! Parang pinagkakanulo mo naman si Kate sa reaction mo. Tama na nga ang kilig. Kay Kate na si Hance no?

Kinabukasan, habang naglalakad ako pauwi may narinig akong nag-uusap. Kilala ko yung boses nung isa. Boses yun ni Hance.

"Ewan ko tol. Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko. Gusto ko si Kate.. Crush ko nga s'ya since first year highschool pa tayo 'di ba? Pero.. Pero ba't ganun? Bakit mas masaya akong nakikita si Danzel kaysa sa kanya? Tapos alam mo yung sobrang kinakabahan ako pag nariyan s'ya lalo na kapag ngumingiti s'ya sa'kin."

"Tol, isa lang ang ibig sabihin n'yan. Crush mo nga si Kate, pero ang mahal mo.... ay si Danzel. Akalain mo tol, na-inlove ka sa bridge n'yong dalawa ni Kate?"

Nakita kong napatulala si Hance tapos napangiti na rin after. "Tama ka nga tol. Na-inlove nga ako sa bridge. Inlove ako kay Danzel."

Napasinghap ako sa narinig ko. I-Inlove s-si H-Hance sa-sakin? Jusme! Pati utak ko nag-stu-stutter dahil sa narinig ko!

"Kung ganun, si Danzel na ang ligawan mo tol!" sabi nung kasama n'ya.

"Oo, gagawin ko yun." Kumikinang ang mga mata ni Hance habang sinasabi yun.

A Way To Love [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon