Ana's PoVNagising ako dahil sa kalabog sa aking pintuan. Tila ba ay nais itong sirain ng kung sino mang tao sa labas. Agad ko namang hinawi ang kumot na bumabalot sa aking sexy na katawan. Naka see through na sleeveless lang ako na puti ngayon at cotton short na above the knee. Naramdaman ko naman agad ang lamig na dumapi sa aking balat naka on pala ang aircon kaya napakalamig. Dumiretso nalang ako sa pintuan at binuksan ito. Laking gulat ko ng wala namang tao dito. Agad naman akong kinilabutan. Eh sa mas takot ako sa multo kesa sa mga tao eh.
"Hihihihi" nangilabot naman ako sa aking narinig. Tila ba hagikhik ito ng isang tao. Oh hagikhik talaga yun. Sinundan ko ang tinig at *blag*
"Aray naman Ana bat mo ko binatukan" sabi nya sabay himas sa kayang noo. Nung binatukan ko kasi sya nauntog sya sa kabinet kaya ayun.
"Eh bat mo ko tinakot. Pasalamat ka wala akong dalang baril nung lumabas ako edi tigok ka na ngayon" pahayag ko.
"Wag naman ngayon oh. Aalis kasi kami ni kuya pupuntahan namin yung demonyitang ampon. Ano sama ka?" sabi nya na habang may ngiti sa kanyang labi.
"Bat naman ako sasama? Kapatid mo ba ako?" pagtataray ko sa kanya
"Toh naman napaka ano. Sige na resbak narin. At para may pumigil sakin sa pagpatay sa demonyitang yun. Pleasee" sabi nya sabay puppy eyes.
"Aish matitiis ba kita Diane. Sige tanungin ko muna si ate" sabi ko sabay talikod.
"Nasa kotse na sya sa labas ikaw nalang hinihintay kaya please bilisan mo nandun din ang mga kaibigan ni kuya" tumango lang ako at pumasok sa room. Sinuot ko na rin ang aking black fitted sando na kitang kita ang curves ng aking katawan. Off course ang aking fitted black leggings. At ang aking black flat shoes.
Lumabas na ako at pumasok sa van
"Grr ang lamig" biglang sambit ko.
"Sino bang hindi lalamigin sa suot mo tsk" agad naman akong napalingon kay Kayzer na hinubad ang kanyang jacket ipinatong sakin.
Tinignan ko lang sya well nakatingin lang naman sya sa ibang direksyon kaya natulog nalang ako.
