Concern boyfriend act

115 3 18
                                    

**

"No, magpalit ka"

sabi ko ng nakitang ang iksi ng bandang dibdib ng suot mong damit.

"Pero pang sampung palit ko na to!"

sabi mo habang nakanguso.

"Wala akong pake, palitan mo"

"Pagood na akoo, ayoko na"

"Mag.pa.lit.ka"

"Haaay! Palibhasa di ikaw yung nahihirapan magpalit ng damit e!"

Dabog mo at pumasok na ulit sa kwarto mo at nagsimula nang magpalit.

"Jusme naman kevin, sana naman okay na tong suot ko diba? Malalate na tayo"

"Good, kung kanina mo pa yan sinuot edi sana tapos na tayo diba? Tara na."

Umalis na tayo sa dorm mo dahil sapat na sakin ang suot mong pantalon at blouse.

"Bat ako? Pinapakielaman ba kita sa suot mo? Di naman diba?"

"Bakit may mamboboso ba sakin? Wala naman diba?Sumunod ka nalang sakin, para rin sayo yon"

"Nyenyenye, para sakin my butt. Di nga ako natutuwa sa paulit ulit na pagpapalit"

Inis mong sabi saakin at hindi mo ako pinapansin hanggang makarating tayo sa sakayan.

Hinayaan nalang kitang magdabog dahil alam kong kasalanan ko din, wala e nag-aalala lang ako.

Dismissal

Agad kitang sinundo sa may room nyo upang ihatid sa dorm mo at bumalik sa school dahil may klase pa akong kasunod.

"Kevin, aalis kami ng mga kaibigan ko. Pupunta kami sa bahay ng kaklase namin, tatambay lang"

"Sino sino kasama?"

"Sila, magmomovie marathon lang kami para bonding naden"

ituro mo sa akin ang mga kasama mo at agad akong umiling.

"No, youre not going with them"

"Bakit naman? Maaga pa naman a."

"Iilan lang kayong mga babae, tatlo? Tapos limang lalaki?"

"Oo, mababait naman silang mga lalaki."

"Hindi ka nakakasigurado doon, hindi ka sasama."

"Pero kevin--"

"Hindi, tara na. Ihahatid na kita"

At umalis na, naramdaman ko namang sumunod ka sakin.

Hinawakan ko ang kamay mo ngunit nilalayo mo ito sa akin. Pati sa sasakyan ay hindi ka sakin tumabi, hindi mo din ako tinitingnan manlang.

At agad ka nalang pumara at bumaba hindi mo ako hinintay, hinabol kita pero sinarhan mo ako ng pinto.

Pero dahil may susi ako non, nabuksan ko din iyon at pumasok.

Nakita kitang umiiyak na nakaupo sa higaan mo.

Niyakap kita mula sa likod

"Sorry, kung ang higpit ko. Para sa kaligtasan mo lang yung iniisip ko e."

"Kaligtasan?! Wala namang mangyayari saking masama e?!"

Fanservice (One shot stories)Where stories live. Discover now