Naaalala pa ni Nestor yung mga nangyari kagabi. At gusto nyang makasiguro na di sya namamalik-mata lang. Kaya pumasok sya sa banyo.
Ngunit walang kababalaghang nangyari. Hindi bumukas nang kusa ang ilaw. At wala ring malamig na hangin. Kaya inisip nya na baka nga namamalikmata lang sya. Dala na rin ng kalasingan siguro.
Kinagabihan
Birthday naman daw ng FB friend nya kya nagkayayaan na naman ang barkada na mag-inuman.
At pag dating sa inuman hindi kayang tumanggi ni Nestor kaya hindi uli sya makakauwi nang maaga. Para syang limang taong gulang na pinapainan ng lolipop. Uto-uto kumbaga. Sya niyaya pero 99.99% ng gastos sa kanya.
Pagkatapos ng inuman
Gaya ng nangyari nung nakaraang gabi, lasing na naman sya pagdating sa bahay. Mga 1:37 am na ng madaling araw kaya sarap na nang tulog ni misis.
At gaya ng nangyari kagabi dumaan uli sya sa banyo para umihi.
At sa ikalawang pagkakataon ay naulit ang kababalaghan. Pagbukas nya ng pinto ng banyo ay biglang bumukas ang ilaw at muli ay dumampi sa katawan nya ang napakalamig at nakakakilabot na hangin.
Kahit na sya ay lasing ay nakaramdam pa rin sya ng takot. Kaya hindi na nya nagawa pang maihakbang ang kanyang inaalipungang paa. At doon nalang sya sa mismong pinto umihi. Pagkatapos ay napatakbo sya papunta sa kwarto. Mga tatlong hakbang yung layo ng pinto ng kwarto sa pinto ng CR.
next Chapter
Wakas
BINABASA MO ANG
Haunted CR
HorrorNaranasan mo na bang makapasok sa isang Haunted CR? Kung hindi pa ay dapat mong basahin ang kwentong ito. Siguradong marami kang matututunan. Nakakakilabot at nakakapanindig-balahibong storya mula sa malikot na imahinasyon ng inyong lingkod potm201...