Mga isang buwan ang lumipas na payapa ang buhay nilang mag-asawa. Wala anumang kababalaghang nangyari. Pumapasok sa trabaho si mister at naiiwan naman si misis para gawin ang mga gawaing bahay. Minsan maaga umuuwi si mister at madalas ay ginagabi. Ahm........ mga 6:13 pm.
Hanggang isang araw...
Nag-status update si mister. At nabasa naman agad ito ng kanyan misis na laging online (may wifi kasi sila).
Ang sabi sa post ni mister,
"Omg.. my bossing make aya-aya me to his party. It's his kaarawan pala. And we're going to make inum-inom daw later."
Agad naman itong ni-Like ni misis palatandaan ng kanyang pagpayag. At nag-iwan na rin sya ng comment,
"It's ok honey. Just make sure, You will not suka-suka later, ha!"
"Okidoki", sagot naman ni mister na abot hanggang tainga ang ngiti habang tina-type ang message.
Kinagabihan...
Ala-una bente tres na nang madaling araw nang makauwi si Nestor. Tulog na tulog na ang kanyang napakaganda, napakabait at napaseksing maybahay.
Bago dumeretso sa kwarto dumaan muna sya sa banyo para umihi. Ngunit laking gulat nya ng pagbukas nya ng pinto ng banyo...ay bigla na lang bumukas ng kusa ang ilaw.
"whoa!!, Oh my goodness", bulalas niya.
Kahit na nakainum ay nakaramdam pa rin sya ng kunting takot (mga 27%) lalo na nang maramdaman nya ang napakalamig at nakakapanindig balahibong hangin na dumampi sa kanyang katawan.
Dahil dito, di na nya nagawang pang ihakbang papasok sa loob ng CR ang kanyang mga paa na matagal nang may alipunga. At doon na lang sya umihi sa mismong pintuan nito. Ginaya nya yung gawain ng mga aso, asal baboy nga lang, tapos mukhang unggoy yung gumawa.
At pagkatapos ay patakbo syang nagpunta sa kwarto. Mga limang beses pa syang nadapa, nagkasugat tuloy sya sa tuhod. At dumugo na rin ang kanyang nguso matapos tumama sa doorknob.
next Chapter
Ikalawang Paramdam
BINABASA MO ANG
Haunted CR
HorrorNaranasan mo na bang makapasok sa isang Haunted CR? Kung hindi pa ay dapat mong basahin ang kwentong ito. Siguradong marami kang matututunan. Nakakakilabot at nakakapanindig-balahibong storya mula sa malikot na imahinasyon ng inyong lingkod potm201...