Babalik Pa Ba?

238 2 0
                                    

One-shot.. One-shot.. I am NOT a writer. Bentang-benta 'to sa'kin. HAHA. Read that mga authors.. :)) Mapa-sikat o hindi.. You really need to read that one.. :) Dedicated to @wallflowerjona.. Siya yung nag-sulat nung I am NOT a writer.. :))

Anyways.. Story na tayo? LEGGO!  :D

----------------------------------

CAST.

Kathryn Bernardo as ANDRHEA LUMANGLAS

Daniel Padilla as NHICO DELA CRUZ

Paul Salas as KAYVER PANGANIBAN

----------------------------------

RHEA's POV

"ANDRHEA LUMANGLAAAAS!" Sigaw ng bestfriend ko sa harap ng mukha ko. Wala sarap niyang sipain. Eh, nananahimik naman ako sa isang sulok bigla-bigla siyang maninigaw.

"Oh, Kayv! Problema mo? Makapanigaw ka ah? Parang wala ng bukas, tol!" Sagot ko sa kanya.

Ako nga pala si Andrhea Lumanglas. Tawagin niyo na lamang ako sa pangalang Rhea. Ako ay nasa ika-apat na antas na ng High School. Ehe-ehem. Lumalalim ang pagtatagalog ko. Paumanhin ay aking hinihingi. AH! Pweh. Ano baaa?

"Si Nhic ba nakita mo? Kelangan na kasi naming ma-rush yung sa-submit namin para sa school paper." Sabi ni Kayver. Kayver Panganiban, isa sa aking mga kaibigan. O yun bang matatawag kong aking mga bestfriend. May itinatago akong pagtingin sa kanya since.. Oh well. NEVERMIND. Grade 4 pa lang ata ako.. Crush ko na 'to. Si Nhic. Nhico Dela Cruz, ang aking dakilang sandalan sa panahon na nalalaman kong may bagong girlfriend si Kayv. Pssh. Ewan ko ba kay Nhic. Ayaw mag-girlfriend eh ke gwapong nilalang. Hay.

"Hindi niyo pa nasa-submit yung inyo? Antagal ko nang nakapag-submit ah? Sabi na kasing tapusin na agad yun eh." Sabi ko sa kanya.

"Hindi. Tapos na namin. Kaya ko nga hinahanap si Nhic diba? Para ma-rush na namin. At saka. HOY BABAE! Makapagyabang ka jan ah? Porket madali lang yung nabigay sa'yong assignment eh. Tss." Sabi niya sa'kin.

"Aba! Sabihin mo nga kelan pa naging mahirap ang pagfi-feature ng--" May sasabihin pa sana ako ng biglang.

"Oyy. Maghiwalay nga kayong dalawa! Nagseselos ako! De, joke!" Sigaw ni Nhic.

"Yow, pare! Sa'n ka ba galing?" Tanong ni Kayv sa kanya.

"Wala. Naligaw ako. HAHA. De, tinakbuhan ko yung mga officer sa may gate. Wala kasi akong ID. Grabe lang. INTENSE. Parang sumali lang ako sa Fun Run. :D" Sagot ni Nhic.

"Pare. May problema tayo. Hindi pa natin nasa-submit sa Ed. natin yung feature natin." Sabi ni Kayv. Problemadong-problemado.

Nang tumingin silang dalawa sa akin at lumuhod.

" Rhea naman maawa ka na sa dalawang gwapong nilalang sa harap mo oh. Kaw na magsubmit ne'to. Patapos na naman eh." Pagmamakaawa ni Nhic.

"Hala! Wag! Papahamak mo si Rhea." Sabi naman ni Kayv.

Wee. I'm in heaven. Pinagtatanggol ako ni Kayv oh!

"Gusto mo bang mapa-submit yan? O habulin ka mamaya ni Ed. hanggang CR? Umayos kaa!" Balik naman ni Nhic.

"Ay, oo nga. Rhea naman oh. Mahal mo naman ako diba? Mahal mo naman kami ni Nhic? Dalii naa! Kaw na lang mag-submit ne'to. Parang awa mo na!" Sabi ni Kayv with pleading eyes.

"May magagawa pa ba 'ko?" Sabi ko sa kanila.

"Wala. HAHA. Tara muna mag-breakfast sa cafeteria?" Sabi ni Kayv sabay tayo.

Babalik pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon