iii.

929 41 3
                                    

AL'S

Ilang araw din akong nakasimangot, hindi ko rin masyadong kinakausap ang mga kaibigan ko. Nakakairita kasi. Ang first kiss ko, nawala sa isang walang kwentang tao. Ang buong akala ko pa naman, magiging magical or something like that. Kahit naman kasi ganito ako, hindi ko hahayaang mawala iyon nang basta-basta!


Pero dahil mataas ang pride ko, napasubo ako sa isang laro na hindi ko aakalaing mapapasali ako. Damn! Bakit ba kasi nakinig pa ako? Pwede namang magbakod nalang ako nang hindi nila nakikita. Pero kasi, narinig ko yung pangalan ko. Malay ko ba naman kasi kung murder plan ko na pala 'yung inaasikaso nila?


"Hoy babae, kausapin mo nga kami. Hindi ko tuloy naichika yung huli kong boyfriend." Sabi ni Trish, and I glared at her. Nag-peace sign naman siya, and I just rolled my arms. Napatingin naman ako kay  Pia, na ngayon ay mukhang kinikilatis ang buong mukha ko.


"Damn, Pia. Am I too pretty to be stared at?" She puffed her cheeks in frustration, and placed her hand under her chin. Ano bang nangyari sa mga 'to? Atsaka, hindi na naman bago sa kanila kung hindi ko sila kinakausap kasi medyo sanay sila na madalas ay mute ako. 


"You really are too hard to read, Amber." I furrowed my eyebrows. "Pero kahit ganun, I can sense some changes on your behavior?" May lahing pagka-psychic 'tong gagang 'to. "Ano bang iniisip mo jan at mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa? Take note ha, not only today, but also these past few days. Ano ba talagang nangyari?" 


"Oo nga, after you cut class, which is usual naman. Natauhan ka na ba sa mga kalokohang pinaggagagawa mo?" Dagdag pa ni Trish. Aba, akalain mo nga naman. Kahit konti ay may pakialam naman pala sa akin 'tong mga 'to.


Dahil nasa garden naman kami at wala masyadong tao, I decided to tell them the truth. It won't hurt naman diba? And besides, I do trust them. "I lost my first kiss." They gasped. "At talagang sa tao pang hindi ko lubos kilala, at higit sa lahat, hindi ko gusto." 


Pia slapped her cheek, as if to confirm if she's dreaming. Kinurot-kurot naman ni Trish ang sarili niya, saka tumingin sa akin. "AT KAILAN PA NAGPAHALIK ANG AMING DAKILANG ICE QUEEN ABER!?" Malakas na sambit niya. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya, bago pa man may makarinig na iba.


"Can you keep your mouth shut for a good while?" I said, and looked at her sternly. She then nodded, and I turned my gaze to look at Pia. "Oh, mukha ka namang puffer fish jan." She's trying to inhale and exhale, and she gave me a thumbs up. Anyare don?


"Yeah, okay lang ako. Okay lang ako. Okay lang talaga." Maya-maya pa ay nanlaki na ang mga mata niya. "Tangna dude, sino ba kasi ;yang hinalikan mo? Atsaka, why all of a sudden? Akala ko ba hindi ka magpapahalik until we've gotten our own boyfriend before you." She chuckled amusingly, as I rolled my eyes. Childhood pact. Well, it's broken now. Damn that Raphael.


"With Trish's crush." Mahirap mang aminin, but I just have to. They deserve to know, and the truth will come out anyways. Ayoko lang na sa iba manggagaling, kaya ako na mismo ang nagsabi. Baka kasi ibang version ang marinig nila. Mahirap na, sila nalang ang totoo sakin sa panahong ito.

"ALA! I SHOULD'VE KISSED HIM FIRST!" Nanghihinayang na sabi ni Trish. "Pero infairness ha, sa crush ko pa. Atleast, di na sayang ang first kiss." I looked at her weirdly. Medyo bipolar talaga ang isang 'to. "Hayy, I need to find another crush na. Feel ko kasi, sooner or later, taken na sya." She pouted, as I hit her arm, causing her to flinch.


"Gaga! Asa ka pang magkagusto ako sa poker-faced na yun." I said. Totoo naman kasi. By his actions pa nga lang, naiirita na ako. Isama mo pa ang masama niyang itsura. Mataas ang standards ko, and for sure, hindi siya makakapasa rito. Ugali pa nga lang niya, nakakasura na.


"Huwag kang magsasalita nang tapos, Amber. Hindi natin mapi-predict ang future. Tanging si Madam Auring lang ang nakakagawa non." I rolled my eyes. Grabe, napapagod na ang eyeballs ko sa kakairap sa kanila. 


"Tara na nga, may kukunin pa ko sa locker ko. Baka malate pa tayo sa Science." Pag-iiba ko nang topic. Naha-hot seat na ako sa mga kaibigan ko. Nagsimula na kaming maglakad, at laking gulat ko nang makita ang maraming tao na nakapaligid sa locker ko. Anong nangyari?


Binilisan ko ang paglakad ko, at binunggo ang mga nakahara. Nang makarating na ako sa may locker ko, nakita ko ang isang Kurt na nakasandal rito, at may dalang isang piraso ng white rose. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanya, at tumigil sa harap niya nang nakapameywang.


"What the hell are you doing here?" I asked irritatedly, habang nagkantyawan naman ang mga tao sa paligid nang iniabot sa akin ni Kurt ang rosas. "I do not accept trash." Sabi ko, at itinulak sya sa tabi. Nakakainis! Kinuha ko ang libro ko sa Science, at pagkasara ko, ay nakita ang isang Kurt na nakangiti--I mean, naka-smirk sa akin.


"Pakipot pa talaga itong si Babe." Mas lalong lumakas ang pang-aasar ng mga estudyate sa paligid. I glared at them, causing them to be silent. Bumalik naman ang tingin ko kay Kurt. at nakita ang poker faced niyang mukha. Aba, ito pala ang gusto nya. Sorry nalang siya kasi mas magaling akong maglaro kaysa sa kaniya.


I smiled sweetly and took the rose. Bumalik na naman ang kantyawan ng mga tao. Tumingin naman ako sa kaniya, saka binali ang rose at tinapak-tapakan ito. Natahimik naman ang paligid, at alam kong nagulat sila sa ginawa ko. "Sorry babe, pero hindi ako tumatanggap ng puting rosas. Alam ko namang patay na patay ka sa kagandahan ko, pero sorry, you're not my type." 


I smirked and turned my back on him, when I heard him speak. "You're not my type too." Napatigil ako sa paglalakad, but I did not dare to look at him and see his oh-so-annoying face. Paalis na sana ako nang marinig syang magsalita muli. "Pero sorry ka nalang, nabihag mo ang puso ko. Kaya ngayon, sa ayaw at sa gusto mo, nanakawin ko ang puso at sisiguraduhin kong you'll fall for me, real hard."


I flinched at his words, pero ang kikiligin lang dito ay tanga. Alam kong pinaglalaruan lang niya ako. I then looked at him, and flashed him my million-dollar smile. "Oh really, sweetheart? Well, you better prepare your ass off because boy, I am hard to get."

Steal My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon