Prologue

6 0 0
                                    

Hindi ako makapaniwalang namatay ng sabay ang aking mga magulang noong ako'y apat na taong gulang palang. Iyak ako ng iyak noon sa harapan ng kanilang mga kabaong habang nakatayo sa upuan upang masilayan ang mga mukha nila.

Pinatahan lang ako ng aking tita Mars at sinabi nya samin ng kapatid kong si Kuya Miggy na sya na raw ang bahala at kukupkop saming dalawa at tumira sa kanilang bahay.

Hanggang sa inilibing na ang mga magulang ko sa huli nilang tuntunngan.

Ngunit hindi parin kami lumipat ni Kuya Miggy sa bahay nila Tita Mars kundi nagkulong lang sa mga kwarto namin at walang ginawa kundi umiyak lang ng umiyak ng limang araw. Madalang kung kumain at walang pang ganang maligo. Hindi na ata ako naligo ng limang araw dati.

Kaya sila Tita Mars at Tito Boy muna ang pumunta at natutulog sa bahay namin.

Kahit pumasok si Tita Mars at Tito Boy na asawa nya at kukuwentuhan ako ng kung ano ano ay hindi  parin ako nagsasalita at tulala lang ako.

Hanggang sa napagod kami ni Kuya na umiyak ng umiyak. Lumipat na kami sa bahay nila Tita Mars. Kasama namin duon ang tatlong pinsan ko na si Ate Mei, Ate Mela at Kuya Francisco. Naging mabait naman sila samin at ganun rin ang turing namin sa kanila ni kuya Miggy.

Naging maganda ang pamumuhay namin kila Tita Mars. Kaya wala akong problema sa Pagkupkop nya samin dahil mababait naman sila.

Less Than A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon