Chapter 1

8 0 0
                                    


DIANE's POV
  
"Eng behe nemen dete"

"Hoy! Manahimik ka nga! Ang dami daming tao dito, ang arte arte mo!" Sigaw ng mataray kong classmate na maingay na mataray ulit.

Hindi ko naman sya kinakausap pero kung makasigaw, wagas! Feeling close si Ate. Di naman maganda. Che.

"Adriaaaaaaaaaaan!!!" Narinig ko ang pangalan ko mula sa aking likuran. Kilala ko na kung sino sya dahil sa lakas ng boses nito kaya lumingon na ko sa likod.

"Anong kailangan mo sakin, bruha ka!
Tsaka ilang beses ko bang sabihin sayo na Diane ang name ko at hindi Adrian. Pwe. Nakakadiri ang pangalang Adrian."

"Diane ka diyan, Bakla ka ba? Ay, oo nga pala, bakla ka." Sabi ni Bebet. Elizabeth Landiko talaga ang pangalan nya pero dahil Chaka siya at buhaghag at kulot ang hair nya, bebet nalang ang itatawag ko sa kanya. Si Bebet ay kapitbahay namin at childhood bestfriend ko pa.

And Yes mga bes, tama ang narinig nyo kay bebet, na bakla ako. Nung 4 years old kasi ako, namatay ang mga magulang ko kaya kinukop ako ni Tita Mars at Tito Boy. Kasama pa nilang nag-alaga sa akin ay ang tatlo kong pinsan na sina Ate Mei, Ate Mela, at kuya Franciso.

Si Kuya Francisco, simula nung bata pa ko at hanggang ngayon, Kuya France na ang tawag ko sa kanya. Dahil hindi ko mabigkas ang pangalan nya. Para bang Pan-chish-cho, kaya France nalang ang naging tawag ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito, hindi ko alam kung bakit ako naging bakla. Ang pagkakaalam ko lang ay nung nasa tatlo o apat na taong gulang pa lamang ako ay alam ko na na may pusong pagkababae ako. May kapitbahay din kasi kami dati dun sa dati naming bahay na bakla at lagi ko siyang kalaro. Siguro nga dahil sa kanya ay kaya ako naging ganito. Hayss.

Ako si Adrian Sarsena, Nagaaral sa Binida Aspero Yaleco Abnidad Garbora Highschool in short BAYAG Highschool. 2nd year high school na ko and I'm a gay, yung Gay na babae manamit, kumilos, hair, maglakad at higit sa lahat, hinding hindi maiinlove sa babae. Yuck no. Never and ever. Pwe. Sa lalaki lang ako naiinlove no, at lalong lalo na kay bebHe Zayn. Hemeyges. Alabsyu bebHe Zayn pereber en eber eymen.

"Hayss. Ngayon mo lang ba nalaman na may kaibigan kang bakla pero napakaganda at napakasexy?" Sabi ko sa kanya with pa flips pa sa hair kong hanggang leeg habang nakapikit pero pagdilat ko wala na sya. Bastus yun ah. Che!

"Hoy! Ano? Mamumulot ka ba ng basura diyan o ipapakain ko nalang sayo?" Hay nako. Eto na naman si Klasmeyt kong mataray na maingay na mataray ulit. Napakafeeling Close, palibhasa ang upuan nya sa classroom namin ay sa pinakalikod at tabi ng basurahan. Che!

Namulot na lang nga ako ng mga kumalat na basurahan dito sa likod ng Math classroom namin. Nakakainis naman kasi, sabi ng teacher naming si Mrs. Caryl Tumamodtamod hindi na daw kami magkaklase ngayon at sa mga susunod na araw, mamumulot nalang daw kami ng mga kumalat na basura sa likod ng Classroom nya. Ewan ko ba kung bakit napakadaming kalat dito sa likod ng classroom nya. Nagsitalsikan siguro yung mga basura na galing sa napakaluwang at napakalaki nyang bunganga habang nagsasalita. Napakafeeling nya ha. Ipasok ko tong napkin na maraming dugo na hawak ko ngayon sa bunganga nyang napakaluwang na kasinglaki ng Philippine Arena eh. Che!

"Oo na! Ito na nga! Mamumulot na ko!" Sabi ko sa klasmeyt kong mataray na maingay na mataray ulit tapos inirapan ko sya.

Humaygad mga bessy. Ang hot talaga ng bebe ko. Maskuladong maskulado. Fit na fit pa sa kanya ang white T-shirt nya kaya bakat na bakat ang abs nya. Ay sayang Fit din sana ang suot nyang slacks. Hehehe.

"Hi bebe Zayn kHo. Mish nHa mish na kita. Hehehe" sabi ko sakanya. Nagpacute pa ko at nagbeautiful eyes na always naman na beautiful yun.

"Lumayo ka nga sakin at dumidilim ang paligid ko, pusit!" sigaw nya sakin. Ano daw mga bessy? Ang ganda ko raw? Hanubanaman. I know right.

Less Than A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon