Chapter 2

1 0 0
                                    

DIANE'S POV

      Si Kuya John Miggy Sarsena ay ang nakatatanda kong kapatid. Mas matanda sya sakin ng dalawang taon. Fourth year high school na sya at ewan ko kung bakit madaming nagkakagusto sa kanya dito sa BAYAG High at kasama na dun si bebet.

        Sabi ni bebet gwapo at super hot daw ng kapatid ko. Like duh. Ang pangit pangit kaya ng kuya ko, mukha siyang basura. At saka super hot daw? Eh kitang kita ko nga yung taba nya sa tiyan pag naghuhubad yan sa bahay eh. Mas hot pa si bebHe Zayn ko sa kanya. Wala ng laban si Kuya sa kanya.

        Hindi kami close ni kuya. As in super hindi talaga kami close. Mas super pa kay man. Mamatay na di nakagets. Kawawa naman kayo. Umuwi na kayo sa mga bahay bahay nyo. Che! HAHA.

       Okay yun na nga. Di kami close ni kuya Miggy. Di kami nag-uusap. Naalala ko kasi nung bata pa ako sinigawan nya ko nung naglalaro ako ng barbie dolls at chinese garter kahit di naman kami Chinese kasama ng mga kalaro kong bakla din.
Habang naglalaro kami ng chinese garter, bigla nalang akong hinila ni kuya Miggy papasok sa bahay habang hawak hawak ang braso ko. Ang higpit ng hawak nya sa braso ko dati at halos maiyak na ako sa sobrang sakit. Nang makapasok na kami sa bahay ay bigla nya akong itunulak at napaupo naman ako sa sahig sa aming sala.

      Sinabi nya sakin na itigil tigil ko daw ang paglaro ng mga larong pang bading at magpakalalaki daw ako. Sinabi nya ring diring diri daw sya sakin. Iyak nalang ng iyak ang ginawa ko dati habang binubulyawan ako ni kuya. Sinabi nya sakin na wala daw syang kapatid na bakla. At hindi pa tapos ang ginawa nyang yun sakin dahil sinuntok nya rin ang tiyan ko.

        Pumunta nalang ako sa kwarto namin nila ate Mei at dun umiyak ng umiyak. Sobrang sakit ng ginawa nya sakin. Pero hindi ko sinumbong si Kuya dati kila Tita Mars at Tito Boy dahil alam kong sa loob loob ni Kuya ay bituka at balun balunan ang laman. Chos. Alam kong sa loob loob ni kuya ay mahal nya parin ako bilang kapatid niya. Ngunit simula sa nangyaring yun ay di na nya ko kinausap at lagi na kong nilalayuan ni Kuya Miggy.

"Uy Diane. Okay ka lang? Kanina ka pa nakatulala diyan." sabi ni bebet. Hindi ko nalang sya sinagot, tumingin nalang ako dun sa may counter at nakita kong tapos ng mag order sila bebHe Zayn at papalapit sila sa tabing table namin at saka umupo.

Parang may iniisip si Zayn at bigla syang tumayo.

"Bebet yung plano." Mabilis kong sabi sa kanya at tumayo na kaming dalawa ni bebet.

Palakad na sana si bebHe Zayn ng sadya akong tinulak ni bebet sa harap ni bebHe Zayn at kunwaring madadapa ako sa kanya at hinawakan ko yung 'ano' nya pero natulak ko din sya. Hihihi. Infairness kay bebHe Zayn. Medyo matigas tigas. Hihihi.

"WHAT THE F**K!!" Sigaw ni bebHe Zayn samin ni bebet. Nagtinginan naman lahat ng estudyanteng kasalukuyan ding kumakain dito sa Canteen.

Tinitigan ko lang si bebHe Zayn ngunit wala na syang sinabing iba sakin at pumunta nalang ulit sa counter at bumili ng tubig saka lumipat ng ibang table.

Infairness din ulit kay bebHe Zayn ah. Manhid ba sya? Hindi nya ata naramdaman na hinawakan ko ang medyo matigas tigas nyang 'ano'.  Hihihihi.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain ni bebet.

"E di nasigawan tayo at napahiya." Bulong sakin ni Bebet. "Kahit kailan talaga pahamak ka." Dagdag nya pa.

"Okay lang yan bet. Atleast nahawakan ko ang 'ano' nya. Hihihi." Sabi ko sa kanya.

Natapos na ang pagkain namin ni bebet at pumasok na sa classrooms namin.
Magkaiba kami ng section ni Bebet.

Nang makapasok ako sa classroom namin, nakita ko yung klasmeyt kong mataray na maingay na mataray ulit na nagti teacher teacheran sa harapan ng blackboard at kung ano anong kadaldalan ang sinasabi. Ito namang mga kabarkada nyang mga babaitang mga panget ay nakikinig naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Less Than A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon