Chapter 1

22 2 0
                                    


CHAPTER 1

"This is the Laperal White House..."dada ng tourguide. Tss. Ang ingay nya masyado, wala namang nakikinig.

By the way, I'm Yvonne Torres, 17 years old. Currently living at Makati City and obviously nagbabakasyon sa Baguio. Unfortunately, dito ako sa Laperal White house napadpad. Hindi sa natatakot ako pero mukhang nakakakilabot nga ang bahay na ito.

Well, to tell you the truth, nagbabakasyon ako dito sa Baguio para makalimutan ang nakaraan. Ang nakaraan na kung saan niloko ako ng bwisit kong ex- boyfriend together with my bestfriend.

Oh diba? Sinong tanga ang mananatili sa Makati para magmove-on?! Sinong tanga makakatiis pa, kung Paglingon mo palang kahit saan, silang dalawa na ang makikita at makikita ng dalawang mata mo? Sino?! Tengeners lang!

Pinagkaisahan nila akong dalawa, sila pa naman 'tong natitirang tae—este tao sa buhay ko! Tss. Kung kayo ba ang nasa kalagayan ko, saan kayo pupunta para magmove-on?!

Hays...

"So guys follow me.."

Napansin kong sumunod  yung iba sa tour guide pero may dalawang magkasintahan na pumunta sa isang kwarto . Tss. Edi kayo na! Hindi rin kayo magtatagal. Walang forever!

"Miss, tawagin mo nga yung dalawa." Halos mapatalon ako sa gulat dahil biglang sumulpot ang tour guide sa harap ko.

Seryoso? Ako pa talaga?

Sinunod ko nalang ang sinabi nung tour guide kaysa magwala. Pumasok ako sa isa sa mga kwarto at doon ko nakita yung dalawang malanding magkasintahan na naghahalikan.

Tss. Paking tape naman! Naaalala ko yung dalawang bwisit sa mga malalanding ito eh! Psh. Kahit saan talaga ako pumunta yung dalawang bwisit talaga ang maaalala ko!

Hays. If you're asking kung ba't hindi ako umiiyak. Well I'm proud to say that yung mata ko nakamove-on na, pero ang puso ko hindi pa.

"Hoy! Kung gagawa kayo ng milagro, wag dito! Baka may magambala kayo eh!" Sabi ko sa kanila at umalis na.

Paglabas ko ng kwartong iyon, may nahagip ang mata ko na babaeng nakaputi sa harap ko. Tss. So what kung white lady pa sya! Wala akong pakialam! Naglakad nalang ako at hindi pinansin ang nakita.

Buzz.buzz.
Nagvibrate ang cellphone ko, it means may nag-text.

From: Amanda (Ex-Bestftiend)

Hoy babae ka! Ang kapal talaga ng mukha mo! Bakit mo kami sinisiraan ni Joshua?! Hindi mo ba talaga matanggap na matagal nang wala na kayo at ako ang pinila niya?! Tumigil ka na girl! Masyado ka nang ilusyunada! Hindi na babalik si Joshua sayo!

Hindi ko alam ang ire-reply. Masyado ng sobra ang sinabi ni Amanda. Hinding-hindi ko magagawa yun sa kanilang dalawa, dahil unang una, alam ko kung saan ako lulugar. Pangalawa, kahit—

Booogsh!

Aray naman! Pati pwet ko masakit na rin! Akala ko ba yung puso ko lang?

"Hala, sorry! Sorry, miss!" Sabi nung lalaki at tinignan ko lang siya.

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo?! Maibabalik ba ako ng sorry mo sa pagkakatayo?! Hindi ba ako maaasakatan ng sorry mo?!" Sigaw ko.

Hehehe. Charot lang! Hindi ko maisigaw yun noh! Kung pwede pa nga lang eh.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin, pero tinignan ko lang yun. "I can manage," sabi ko sa kanya at tumayo.

"Hindi ko naman hinihingi ang kamay mo eh. Gusto ko lang ipakuha yung folder sa tabi mo, nalaglag kasi," sabi niya.

Boom basag! Yan kasi Yvonne! Nagpapaka-assuming ka na naman eh!

"Kunin mo kaya, may kamay ka naman siguro diba?" Sabi ko sabay alis doon.

Tss. Ano ako sa tingin niya? Muchacha? Alalay? Kapal ng feslaks niya ha!

Bumalik na ako sa salas kung saan nandoon sila.

"The history of this house is blah blah..." Dumadada na ulit yung tour guide.

Tumingin ako sa paligid. Ngayon ko lang napansin na marami pa palang tao. Napatingin ako sa left side ko, may babaeng nakangiti at may dugo sa kamay at mukha. Tss. Bakit siya ngumingiti? Wala namang nakakatuwa eh. Parang tanga lang. Ang sarap lang sigawan ng, " Hoy! Nasa haunted house tayo! Dapat matakot ka!"

Napatingin naman ako sa tabi ko (right side). Halos mapatalon ako sa gulat sa lalaking naka-evil smile sa akin.

"Tss. Multo ka ba? Nakakatakot mukha mo. Pramis." Bulong ko sa kanya at tinignan niya lang ako ng masama.

"Sa gwapo kong ito?" Bulong niya pabalik. Mahangin din to eh.

"Seryoso? Saan banda? Sa pwet mo?"

"Talaga? Pinagnanasaan mo pala pwet ko ah!"

Kakaiba talaga mag-isip ang lalaking 'to.

"Uto-uto ka naman! Bakit ko naman pagnanasaan yang pwet mo?!" Sigaw ko.

"Kasi gwapo ako! Yun na yun!" Sabi niya at ibakbayan ako. Aba't-!

"Enough of that, lovers!" Sabi nung tourguide.

"Yieee!" Sigawan nila.

Teka? Ano daw? May multo ba? Teka, teka, teka! Bakit nakaakbay tong bwisit na 'to sa akin?

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya.

"Hoy! Ano ba, babe! Sorry na nga!" Sabi niya.

Dug.dug.dug.dug.

T-teka? Anyare sa heart ko? At ano yung...babe?!

"Hoy! Kapal mo ha! Hindi ako baboy!" Sabi ko at nagwalk-out.

Bwisit! Babe daw?! Kilala niya ba si babe?!

Naglalakad na ako palabas nang may kumalabit sa aking bata. Bata na may sugat sa ulo at may malaking hiwa sa kamay.

"A-ate," sambit nito.

Naman! Ang tanga-tanga ng batang 'to! Tss. Parang ako lang. Nawalan na nga, naghahap pa rin. Umupo ako na ka-level niya.

"Ano?! Nawawala ang nanay mo? Tss. Advice ko lang bata ah? Wag ka kasing tanga. Nasa tabi mo nga binitiwan mo pa," sabi ko at tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa akin at tumayo para maglakad ulit nang...






"BOO!"





-Itutuloy-

Ghost Bumps (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon