Chapter 1- The Beginning
Photo- Justin Mark Li --------------------->
Ann Garcia - Simple
Malayo ang bahay nila sa mga paaralan kaya ngayon mag-isa lang sya nakatira sa bahay na inuupahan nya sa Manila. Maliit lang ung bahay, parang isang kwarto nga lang eh. pero okay na rin kasi medyo malapit naman sa school.
Justin Mark Li - School's number one hottie.
Eto namang si Mark, lumayas sa kanilang mansion, bakit? kasi lagi silang nagaaway ng dad nya. Dad nya kasi lagi syang ipinagkukumpara sa nakakatanda nyang kapatid na todo sa pagaaral. Si Mark kasi, walang hilig sa libro, ang hilig nya ay kumanta. Pero kahit na naglayas si Mark, binibigyan parin sya ng allowance ng mum nya.
________________
Ann's Pov
*TOOOTOOOTOOTT* - tunog ng alarm clock ko haha
Umaga na, at araw na naman ng pasok. tumayo ako at binuksan ang ilang kurtina at naghilamos
Pagkatapos kong maghilamos, magpapalit na sana ako ng uniform, nakita kong bukas nga pala mga kurtina, at sinara ko.. kasi naman opposite ng aking bahay ay bahay ng ni Mark si Mr. Crush, ung crush ko for 2 years na.. and school's hottie pa. Impossible atang maging kami kaya hanggang crush lang ako.
"hay naku, tama na pagiisip, maisara na nga lang mga kurtina baka makita pa akong nagpapalit, nakakahiya naman.."
Pagkalabas ko ng bahay BOOM! sakto lumabas din si Mr.Crush,, napatingin ako sa mga ulap at mukhang uulan buti nalang lagi akong may dalang payong sa bag ko.
Nagsimula na akong maglakad papuntang school habang nakatingin sa likod ni Mr.Crush haha hindi naman kasi ako kinakausap! Ang sungit!
Pagkarating sa school gate.. ayun! takbuhan ang mga babae, kanino? edi sa school's hottie!
"FRIENDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD"
ayan naman si Mira, tumatakbo papunta sakin.. si Mira nga pala ang bestfriend ko.
"Oh ano?"
"Ano? anung ano? Ikaw ang ano!. Ano, may improvement ba kayo ni ano?? "
Parang baliw talaga itong si Mira. may pagka alien-ese minsan. Pero siya pa rin ang aking trustworthy and loyal friend.
"huh? ano ka ng ano dyan, sino ba?"
"alam mo na~ si Mark, ano may improvement ba?, nag usap ba kayo habang naglalakad papuntang school? "
napatawa ako "Alam mo nang impossible yun eh, hindi naman ako pinapansin kasi hindi niya ako kilala"
"friend, it just take time, maghintay ka lang, isang araw magiging kayo!! na-fefeel ko eh, malapit na, mahuhulog din siya para sayo! "
"ano ka ba Mira! manghuhula ka ba? kung totoo man yang sinabi mo e di matutuwa ako, kaso lang masyadong impossibleng mangyari yan eh, 2 years na kaming magkapitbahay ni hello nga lang or goodmorning wala eh" sabi ko sabay tawa
"Ah sige na nga hmpf, meron pa akong isang tanong"
"Ano?"
"pwede bang mangopya ng assignment?"
Si Mira talaga oh,Matalino yan, tamad lang gumawa ng assignment at para sa exam lang sya nagaaral.
*SCHOOOOOOOOOOL BELL RINGSS*
"Ah, tara na nga Mira, baka ma-late pa tayo sa klase copy ka na lang during lunchbreak"
"Okay" *wink*
BINABASA MO ANG
I'm still loving you
Teen FictionMark is the school's number one hottie. Si Ann isang simpleng babae na may little crush kay Mark, for how long?? 2 years lang naman!...After living under the same roof with each other because of an accident that caused Mark to move to Ann's small ho...