Unang Digmaang Pang-LLL (First Batch - Mekaniks)

71 6 0
                                    

Maligayang pagdating sa ikatlong yugto ng Guerra Literaria: Ang Pagdanak ng Tinta! Dito na masusubukan ang bagsik ng mga naggagalingang mga kalahok mula sa nakaraang dalawang yugto ng ating patimpalak.

Upang pormal nang simulan ang yugtong ito, narito na ang mekaniks para sa unang grupong maglalaban-laban ng Unang Digmaang Pang-LLL:

MEKANIKS

Nahahati sa dalawang grupo ang yugto ito: TULA at KUWENTO. Bawat grupo ay may isang tagapamahala na gagabay sa bawat manlalahok.

KUWENTO

× Tagapamahala: Charles Calunsag

× Magsulat ng isang maikling nobela o novelette.

× Ang akdang lilikhain ay nararapat na may bilang na 15,000 hanggang 20,000 salita at kapapalooban ng 13-15 kabanata.

× Wikang gagamitin: Filipino, English, FilLish

× Genre: Fantasy-Adventure

× Tema: "Sariling kagustuhan mo o kagustuhan ng pamilya, kaibigan, kakilala at ibang tao para sa iyo?"

× Ang pokus na dapat bigyang-pansin ay ang mga karakter, lugar/panahon, at gamit na POV.

TULA

× Tagapamahala: King Vincent Salazar

× Ang gagawing akda ay Spoken Word Poem.

× Wikang gagamitin: Filipino, English, FilLish

× Ang bilang ng saknong ay maaaring 15 pataas.

× Tema: "Wikang sariling atin o pang-dayuhan?"

× Ang pokus na kailangang bigyang-pansin ay ang pagiging tapat. Hindi mo kinakailangang mapamangha ang mga hurado dahil lang sa pumapanig ka sa dapat ay tama. Pumanig ka sa dapat panigan base sa kung ano talaga ang madalas mong gamiting wika.

HULING ARAW NG PASAHAN
Ika-13 ng Agosto, 2017

Mayroon kayong isang buwang paghahanda upang buuin ang inyong mga akda sa tulong ng mga tagapamahala. Gamitin ang oras na ito sa tama at huwag sayangin ang bawat araw.

Ang lahok na akda ay kinakailangang ipasa nang naka-document file. Ito ay ipapasa kay El Lit sa pamamagitan ng personal na mensahe.

PREMYO

✔ Unang Pwesto - P150 load + Sertipiko ng Pagkilala
✔ Ikalawang Pwesto - P120 load + Sertipiko ng Pagkilala
✔ Ikatlong Pwesto - P100 load + Sertipiko ng Pagkilala

Simulan na ang madugong digmaan sa pagitan ng mga panulat at kaisipan! Lumaban sa abot nang makakaya, at huwag sumuko sa gitna ng laban!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guerra Literaria: Ang Pagdanak ng TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon