Alliah's POV
“Ako nga si Prince, my name is Prince Kevinne Briones,” sagot niya
Mas lalo akong nahiwagaan, mas lalong gumulo ang aking isipan... Paulit- ulit na nag sink sa utak ko ang kanyang pangalan
Prince Kevinne Briones
Prince Kevinne Briones
Hindi ko na namalayan na kinakausap na pala ako ni Khatrien..
“Hoy! Liah kinakausap ka ni Prince, tinatanong niya kung ano daw name mo,” aniya niya
“M-my name is P-princess Aliyahh Rose Ferrer,” sagot ko habang inabot ang kamay kay Kevinne..
“hello Aliyahh!,”masayang sagot nito..kinamayan naman ako ni Kevinne , para bang may spark at halos mabuhay ang kaninang natutulog kong sistema .
Biglang may dumating na lalaki sa likod ni Prince
“oh wait, Liah and Khatrien right? Ito pala yung kapatid ko si Clarke, Clarke this is Khatrien and Liah,”aniya sabay pakilala sa amin at itinuro ang bawat isa.
Clarke pala ang pangalan niya, kamukha niya ang kapatid niya, they had the same height, pareho din silang wangis ng mukha, pero nag kakaiba lang sila sa kulay ng kanilang mga mata.. brown ang kulay ng mata ni Prince samantalang kay Clarke naman ay medyo blue...
Para silang artista na kakagaling sa shoot ng isang pelikula..“Hi guys!,mauna na kami ha, may importante kasi kaming lalakaran ni Prince, sorry for interrupting your day,”ani ng kapatid ni Prince. .
“Ah it's okay, salamat nga pala prince dito sa book,” matipid na sagot ng bestfriend ko..
“Welcome,”maikling sagot ni prince
Lumabas na ang dalawang lalaki sa bookstore at wala man lamang nabili na libro ..
“bes!! ang gwapo, Prince yung isa, yung isa naman Clarke... mala fictional characters ang dating... Tapos nahawakan mo pa yung kamay ni Prince, ang daya mo talaga .. ako dapat yun eh,”aniya nito habang kinikilig sa sobrang gwapo ng dalawa..
“paano nga kung natupad ang hiling ko 'no, my daydream guy,” sagot ko habang nag iimagine
“nanjan ka nanaman Liah ha, may daydream daydream ka pang nalalaman dyan, ito bayaran mo na at baka mamaya mawala ka na sa sarili mo!,”sabi niya at inabot sa akin ang libro ..
Agad ko naman itong binayaran sa counter .. tuwang tuwa ako dahil meron na akong libro ng the “Twin Brothers Slayer”, plus nakilala ko pa si Prince at Clarke..
“sana makita ulit natin sila,”ani ni Khatrien habang papalabas ng bookstore kasama si Liah..
Pumasok na kami sa isang restaurant
“yeah, sana nga, kain muna tayo,”sagot ko habang pumapasok sa isang restaurant..
Simple lang ang aming kinainan.. hindi kasi afford ng budget kapag sa mamahaling restaurant pa kami kakain,t'saka hindi naman mapili ang kasama ko pag dating sa pagkain..
Natapos na din kaming kumain, napag pasyahan na namin na umuwi..
“Mag kano po?,”sambit ko habang bababa ng tricycle..
“12 pesos lang isa,”sagot ng driver
“Ito po,”ani ng aking kaibigan habang inabot ang barya..
Minsan lang ako mag commute dahil madalas kong gamitin ang kotse namin, pero ngayon hindi ako pinayagan si mama dahil malapit lang daw kami sa mall.. Gabi na rin kami nakadating sa bahay at patay na rin ang ilaw, kaya binuksan ko ito at tinawag si mama..
“Ma, nandito na po kami,” sagot ko habang binubuksan ang pintuan ngunit walang sumasagot..
“Natulog na yata yun, napagod sa kahihintay sa atin,”ani ni Khatrien
Pumunta na kami sa kwarto ko at doon nag usap..
“Dito na lang ako matutulog, mahirap na kasi ang tricycle dito,” Sabi ni Khatrien..
“baka naman hindi ka niya makatulog liah niya ha, iniisip mo nanaman si Clarke,”
“Hindi ah, ikaw kaya iniisip mo si Clarke eh, ayyiie yan tayo eh sige syo na si Clarke Akin na lang si Prince,”biro ko..
“Pero bagay talaga kayo,”sabat ni khatrien
Kung pwede lang saktan to kanina ko pa nagawa .. hayyy
"bes ang gwapo talaga nila dalawa kyah! My gosh di pa rin ako maka get-over tapos nakakainis ka nahawakan mo ang malambot at mahiwagang kamay ni Prince,” tili ni Khatrien habang hinampas naman ng malakas ang balikat ko.
“Ano bang feeling?,”sabat pa niya.
Hindi ko naman masagot ang Tanong niya, hindi ko namalayan na nag-bublush na pala ako, halos manga-matis na ang mukha ko..
“Ahhhh,ehh, w-wala,”maikli kong sagot
“yiiieeee,wag ka nga kilala na kita aliyahh,” halos nahulog na ako sa kama sa pag katulak niya sa akin.
Halos linggo- linggo nag oover night dito si khatrien, maliban na lang kung marami talaga siyang project or assignments, minsan sa akin siya nag papaturo ng mga assignments niya, actually siya 2 honor tapos ako 1 honor, pero mag kaiba kami ng section, si khatrien ay section 2 samantalang ako naman ay section 1...
“Anak tulog na kayo,Gabi na,” sigaw ni mama, kanina lang ay mahimbing ang tulog..
“Ayan ang ingay mo kasi,” bulong ko
“Opo tita matutulog na po, may pinag uusapan lang po kami,” sambit ng aking bestfriend..
Ganyan talaga si mama, ayaw niyang napapabayaan ako, lalo na kapag may Kasama akong iba, dapat sundin lahat ng gusto, nako nung hindi ko yan sinunod halos mag ka world war 5 sa bahay..
“By the way, liah nasaan nga pala yung book na binili natin?,”Tanong niya
“Ay wait, nasa baba yata kunin ko muna,”aniya ko
Binuksan ko muna ang ilaw bago hinanap ang aming biniling libro kanina.Tiningna ko ang lamesa sa sofa , Kala ko ay doon ko nilagay, akto naman mag lalakad ako papunta sa taas,may narinig akong kaluskos sa gilid ng gate.. may nakita akong lalaki na nag lalakad papunta sa aming gate, mabilis akong nag tago sa kusina at sinipat kung nasaan na siya, malapit na siya sa kalagitnaan ng akin itong naitsurahan.. matangkad, matangos ang ilong... Mabagal siyang mag lakad at para bang may planong mag nakaw sa aming bahay.... Mabilis akong kumilos at kinuha ko ang throw pillow sa sofa, hindi naman ako pwedeng sumugaw o umakyat sa taas kasi mahahalata ako nun, eh di sana naka takas na siya, sayang lang ang effort ko, kailangan ko siyang mahuli.. sabi ko na nga ba kay mama kailangan na nilang mag palagay ng CCTV dito..
Nawala na ako sa aking isip, naka pasok na pala siya sa aming gate, isa na lang ang kailangan kong gawin, isa -isa naman akong nag biglang ...
1
2
3
Saktong papalapit na ang magnanakaw sa pinto ay ako din ay napa takbo .. agad ko siyang hinampas ng throw pillow..
“AHHHHH!,”
_________________________________________ _______
BINABASA MO ANG
My Daydream Guy
Fantasypaano kung isa sa mga fictional characters ay naging totoo ? Isa lang ba itong sa ating imahinasyon o pwede ring maging totoo sa tunay na buhay ? magiging masaya nga ba si princess sa lahat ng iyon? pero paano kung sa isang iglap ay biglang nag ba...