"Bes!," sambit ng bestfriend ko na si khatrien.
Ang tagal naman gumising ni liah. halos mag tatanghali na ay hindi pa siya gumigising. Kung kailan naman Siya kailangan dun tumutulog, hindi naman Siya ganun dati eh.. nag bago na talaga siya ,” sambit ng aking bestfriend.
"Nako nandyan nanaman yang babaeng yan, siguro may magandang balita yang sasabihin, hindi naman siya ganyan eh, puro masasamang balita ang dala niyan, tska nakalimutan pa niyang mag door bell, excited lang siguro," sambit ko habang kinakausap ang aking sarili
"Liah! Kanina pa nag hihintay yang bestfriend mo, pagbuksan mo muna at ako'y pagluluto pa," aniya ng aking ina habang nag luluto ng paboritong kong ulam na minudo.
Halos Kilala na ng aking ina ang mga kaibigan ko , lalo na ang bestfriend kong si khatrien, sa totoo lang ay hindi marunong mag luto si khatrien kaya lagi itong tinuturuan ng mama, ang aking nanay. nakasanayan na rin nilang mag luto. Parang bonding time na rin nila iyon, at lagi naman sumasakto na Wala ako, o di kaya pag katapos kong mamalengke, galak na galak ang aking puso at may lalantakan nanaman akong pagkain pag uwi.
"Opo ma ako na po ang bahala, pag patuloy niyo na po ang pag luluto niyo para ako'y kakain na mamaya maya .. hahahah ," natatawa kong sambit
"Ikaw talagang bata ka! Puro pag Kain yang nasaisip mo, bumangon ka na nga diyan at gawin mo na yung sinasabi ko sayo, nako magagalit nanaman yan si khatrien, mainipin pa naman yang batang yan," sita sa akin ni mama.
"hehehe.. bababa na po," sambit niya.
Binaybay ko ang hagdanan at agad kong pinagbuksan si khatrien ng pinto. Tumambad naman sa akin ang abot langgit na ngiti nito, ngayon ko lang napansin ang kakaibang ngiti, para bang nanalo sa lotto na mahigit limang milyong ang pa premyo .. nag tataka rin ako kung ano ang tinatago nito sa likod, para bang gusto kong kunin agad ito sa kanya.
"Ang sarap sarap ng tulog ko binulabog mo pa, nako khatrien minsan lang nga matulog yung Tao eh.. Ano bang pinunta mo Dito at tsaka ano yang tinatago mo sa likod m-"
Nanlaki ang aking mata ng nilabasan ako ng libro ni khatrien,ang librong nasa likod nito kanina.. librong matagal ko na nang n gustong bilhin, halos sumuko na ako pag hahanap ng bookstore na bibilhan, pero sa bestfriend ko lang pala niya ito matatagpuan.
"Sabi ko na sayo liah diba? Maganda lagi ang balitang ihahatid ko sayo, at tsaka hindi naman kita pupuntahan Dito kung hindi good ne-"
"Shut up, sa dami rami ba naman ng Tao sa pilipinas bes, bakit Ikaw pa !? Bakit ikaw pa ang may librong ganya- " sagot ko ng may pagkahalong drama.
"Drama mo bes, ano ka ba naman, kaya nga kita pinuntahan Dito para sabihin sayo na bumili ka na sa bookstore at sasamahan kita, tsaka may book signing yata na magaganap mamaya!," maagap nitong pag puputol na may halong excitement.
BINABASA MO ANG
My Daydream Guy
Fantasíapaano kung isa sa mga fictional characters ay naging totoo ? Isa lang ba itong sa ating imahinasyon o pwede ring maging totoo sa tunay na buhay ? magiging masaya nga ba si princess sa lahat ng iyon? pero paano kung sa isang iglap ay biglang nag ba...