Chapter 1

36 1 2
                                    

CHAPTER ONE

Read first before voting.

========================================================

Bago umalis ng bahay, siniguro muna ni Gabbi na maayos ang lagay  ng gitara nya sa lalagyan nito.

Nagpaalam sya sa nanay nya bago umalis at sumakay na ng jeep.

Nagsa-soundtrip si Gabbi habang nakasakay sa jeep. Maaga pa pero hayun at nasa byahe na siya. Sabado na nga at lahat pero nasa labas siya.

May praktis kasi ang banda nila. At kailangan nyang pumunta kung hindi lagot sya sa mga kabanda nya.

Tumingin siya sa mga kasakay nya at nalukot ang mukha nya. Halos mapuno na ang jeep pero ano? Sige at pasakay ng pasakay parin ang driver na yun.

Para na silang sardinas! Bakit ba ganun dito sa Pilipinas? 

Malayo pa ang destinasyon nya kaya pumikit nalang muna sya at hinigpitan ang hawak sa dalang gitara sa kamay nya. Huminto ang jeep at alam nyang may sumakay na naman.

Sa kasamaang palad, sa tabi nya umupo ang bagong sakay kaya kailangan nyang magmulat ng mata.

Ano ba naman to?! Pag minamalas ka nga naman... Naisip nya. Huminga ng malalim at tiningnan ang katabi at saka sya natigilan. Teka, kilala nya to! 

Dug dug... dug dug... dug dug... dug dug... 

Si Mr. Heart! Kumakabog ng malakas! Aaaaah!! Ba't nya nararamdaman un?! Gwapo ang bagong sakay, oo.

Pero hindi ito ung tipo na sa unang tingin makikita mong gwapo. May iba sa lalaking to... Nang marealize nya na tinititigan nya ang lalaki, umiwas agad sya ng tingin bago pa sya mahuli.

Hay nako Gabbi, kulang ka lang sa tulog. Napuyat kasi siya sa paggwa ng kanta kagabi kaya heto sya, sabaw na sabaw ang utak. Pumikit ulit sya at nakinig na lang hanggang maalala nya na hindi pa sya nagbabayad.

Kinuha nya ang wallet nya at kukuha na sana sya ng pamasahe ng makita nya na kulang ang barya sa wallet nya. Huh? Paano nangyari iyon? Eh kakarefill ko lang nito kanina ah... Nako po! Malliban sa 7.50 na nasa loob, isang libo na ang andun. 

At sino namang matinong driver ang merong barya sa isang libo sa ganito kaagang umaga?! Nako talaga! Tinapik nya ang noo nya dahil sa kagagahan nya. Ano ba yan? Paano na sya magbabayad?

Kinuha nya ang 7.50 na barya sa wallet nya at itinago na ulit iyon. Inilagay nya ang barya sa palad nya at tinitigan ito, na parang bang madadagdagan iyon ng piso ano mang oras.

Bakit ba kasi nagmahal na ang pamasahe? Dati syete pesos lang ah. Ngayon 8.50 na?! Wagas talaga eh nu! 

Ano ng gagawin nya ngayon? Ilang kanto na lang at bababa na siya. Ayaw naman nyang mag-123 dahil hindy nya ugali un.

Bumuga sya ng hangin, walang pakialam sa mga taong kasakay nya.

"Manong para po!" May isang babaeng nagpara kaya kahit paano, nadelay ang pagdating nya sa babaan.

"Diyos ko po, kulang ng piso ang pera ko. Ano ng gagawin ko?!" Hindi nya namalayan na bumubulong na pala sya.

Grabe na to! Sa susunod magiipon na talaga sya ng maraming barya sa wallet nya!

Hala! Tatlong kanto nalang! Nagiinit na ang puwet nya dahil hindi nya alam ang gagawin nya. Hindi na nya alam kung ano ba ang tugtug sa earphones nya dahil wala doon ang pansin nya.

"Oh God..." Nausal nya dahil malapit na talaga syang bumaba. Sa pagkagulat nya, may naglagay ng piso sa palad nya. 

Pagtingin nya kung sino ang nagbigay, yun yung gwapong lalaking katabi nya. 

Project: Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon