Chapter 2

11 0 0
                                    

CHAPTER TWO

Read first po muna before voting. 

==========================================================

Nang makarating sa studio ay nalaman nya na siya na lang pala ang hinihintay ng mga kasama nya. Ha? Ang bilis naman nila!

"Sorry guys. Ang aga pa ah." Inilapag nya ang gitara sa upuan at tumingin muli sa mga kasamahan nya.

"Ano ba naman Gabbi! May praktis tayo tapos late ka?!" Sabing bakla nilang tumatayo as manager nila. Pinandilatan pa sya nito ng mga mata.

"Pasensya naman. May epal kasi kanina sa daan eh." Bakit na naman nya naisip un? Ano ba naman yan Gabbi!  Umayos ka nga!

"Oo na. Oo na. Tara na. Let's do this na." Sabi niya, readying her guitar for the rehearsal. 

"Ay ateng, teka lang. Hintayin natin ung anak ng may-ari ng studio. Makikinig daw sya." Mukha pa itong kinikilig. "AAAAYYYY! Nabalitaan kong gwapo ang anak nung may-ari! Baka magustuhan ako!" 

Tumawa nalang sya, hindi alam kung anong iisipin. Tumingin sya sa mga kasamahan nya at nakitawa nalang din ang mga ito. Maya maya pa ay pumwesto na sila. Siya sa gitna dahil siya ang lead singer. Ang iba ay sa drums, at dalawang gitara. Pero sya ay may gitara rin, nakikitulong sa tunog. 

Teka, wala pa ba ang may-ari? Ang tagal naman!

"Tara! Start na tayo." Tumingin sya sa baklitang 'manager' nila na nasa kabilang part. Bubog ang nakapagitan sa kanilang lahat. "Zach? Ok na?" Tanong nya dito.

Nagthumbs up naman ito sa kanya kahit wala syang makitang ibang kasama nito. Sa tingin nya ay malapit na ring dumating ang anak ng may-ari pero kailangan na talaga nilang magsimula. 

Paimportante naman kasi kung sino man un!

Lumingon sya sa mga kasamahan nya. "Uuuy guys! Sa Isang Sulyap Mo ang kanta natin." Sabi nya, excited na! Naintindihan naman  ng mga ito ang sinasabi nya. Ginagawan nila ng female version ang kantang yun dahil male band ang kumanta ng song. 

"Ready?" 

Nagsimula ng tumugtog ang mga gitara kasama sya, medyo mellow ang kanta kaya gustong-gusto nya ang kanta. 

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,

Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko

Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

Pumikit sya para mafeel nya ng husto ang kanta. Tiwala sya sa boses nya dahil ilang taon na rin naman siyang kumakanta eh. Simula pa noong 2nd year high school sya. At ngayon nga ay first year college na sya kaya matagal tagal na rin ang experience nya.

Dahil nakapikit siya, hindi nya napansin ang taong dumating na lumapit kay Zach.

Gustong gusto nya kasi talaga ang kanta kaya wala syang pakialam sa paligid nya. Nasa isip nya ang lalaking antipatiko kanina kaya mas lalo pa nyang nafeel.

Sa isang sulyap lang kasi ng lalaking iyon, bumibilis ang tibok ng puso nya.

Mayroong something sa sulyap nito, sa tingin ng lalaking iyon na para bang nakikita nito ang pinatagong parte ng pagkatao nya.

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo

Bakit kapag nandito ka nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Malapit na sya sa chorus at iyong ang pinakafavorite part nya. Para kasing... tugmang-tugma sa nararamdaman nya ngayon. 

Project: Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon