►Chapter 2: The Friend Who Was Named After Some Fruits◄

31 2 1
                                    

►Chapter 2: The  Friend Who Was Named After Some Fruits◄

Okay, since medyo kilala niyo na ako, ipapakilala ko naman sa inyo ang best friend kong si Strawberry Lychee Dela Cruz a.k.a. Berry. Kung ako, ipinangalan sa stars, sya naman ipninangalan sa mga prutas XD. Parehas kaming may topak yung mga magulang pagdating sa pagpapangalan ng anak. Magbest friend nga talaga kami. 

Speaking of Berry, nakalimutan na ata ako ng loka-lokang un! Hindi man lang ako tinatawagan. Tss. Kasi naman iba kasi yung courses na kinuha namin, kaya naman nagkahiwalay kami L.  Matawagan nga.

*KRRRRIIIIINNGGGG! KRRRRIIIIINNGGGG! KRRRRIIIIINNGGGG! KRRRRIIIIINNGGGG!*

Ang tagal sagutin ng bruha! (>.<)

Hello?” Hay salamat sumagot din.

“BEEEERRRRYYY!!!” Ang laki pala ng epekto pag matagal na kayong hindi nag-uusap. Sa sobrang pagka-miss ko sa pag-uusap naming, sinigawan ko sya. Haha.

GAGA KA! Muntik na akong mabingi!

“Sana nga nabingi ka na lang eh.”

Oo, sana talaga nabingi ako para hindi ko marinig ang panget mong boses!” Barado ako.

“Alam ko namang panget boses ko eh. Tanggap ko na yon. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa. Eh ikaw, nag-improve na ba Math skills mo?” Haha. Madalas kasing nagpapaturo si Berry sa akin at sa kung sinu sino nung high school pa kami. Kapag ‘di ko rin keribels, hina-hunting naming ung mga kaklase naming magagaling sa math. Magpapaawa effect kami tapos tuturuan na kami. *\(^_^)/*

Umm… Actually, oo. Paano ba naman kasi, niligawan ako nitong si Marvin na flat 1 sa Math. Tapos napa-oo naman niya ako. Haha” Tsk tsk tsk. Labag yan sa batas ko.

“Sana ganun din katalino si Ceph. Para namang magiging kami. Penge nga ng sampal. Teka, anu nangyari sa inyo ni Marvin, pagkatapos?”

Bakit ka humihingi ng sampal? Ako kaya itong lumalandi. Abnormal ka ba?!”

“Forget the slap. Teka, alam na ba ito ng parents mo?” ‘Pag hindi ang sagot nitong lokang ‘to, susugurin ko talaga ‘’to eh (>.<).

Hindi eh.” Naku! Mahahampas ko talaga ‘tong bruhang ito eh.

“P****** KA!!! Bakit hindi mo pinaalam sa parents mo?!”

Hindi ako makachempo eh. May balak na nga akong sabihin eh.”

“BRUHA KA TALAGA!!! Ano bang iniisip mo?! Bahala ka nga sa buhay mo! Basta hindi kita tutularan.”

Che! Mag-slurpee na lang tayo para lumamig yang ulo mo. Puhrees?” Ay loka. May purees pang nalalaman (>.<)

“Ayoko! Gusto ko pumunta sa M.O.A. mamayang 2 pm.” Choosy pa ako XD.

Whatever you want. *sigh*.”

“Libre mo ako sa Shakey’s. Bili ka ng malaking pizza ha! Purees!” Haha sana pumayag siya.

*sigh* Sige na nga.” YESSS! PUMAYAG SIYA. Galante talaga siya. Hahaha. Sasamantalahin ko na ‘tong pagkakataon na ‘to >:].

“Isama mo na rin yang Marvin mo. Aawayin ko. Pag ‘di siya pumasa sa test ko, makipag-break ka na!!! I mean it.” Bwahaha ang sama ko. Pero ganun talaga, concerned lang ako para sa best friend ko.

Ang sama mo naman. Huhuhu. Ganyan ka ba talaga?”

“Drama on teh? Ganun talaga. Concerned lang ako sayo noh! Atsaka bakit hindi ka mag-artista? Kapag sumikat ka na at may nag-offer sayo ng trabaho sa Canada, ISAMA MO AKO HA!!!” Hahaha.

Opo mam.” AW YEAH!

“Good. Sige na, maghahanda na ako ha. Teka, may sasabihin ako sayong secret. Atin atin lang ‘to ha.”

Ano yun? Bilis na! Sabihin mo na!”

“Hindi na ako…”

*gasp* Hindi ka na?!!!”

“Gaga! Hindi na ako magsho-shower. Iyon na ‘yon. Ano akala mo?! GM ka talaga!”

Eew! Magshower ka nga! Sabihin pa ni Marvin walang proper hygiene yung best friend ko. Kaderder.”

“Bruha! Malamang joke lang yon. Bahala ka na nga diyan!”

Ah ganon?! Bahala na ako dito?! Talaga! At ‘wag kang kukuha sa pizza namin ha!”

“Ito naman hindi mabiro eh. Ang sensitive! (>.<). PEACE!!!” (^_^)V

*sigh* Oh sige na. marami pa akong ihahanda. Mamayang 2 pm ha, sunduin kita diyan. Babush!”

*Toot! Toot! Toot!*

Ay bastos! Babaan ba naman daw ako! ‘Di ko na nga siya aawayin. Baka mamaya mawala pa yung pizza ko. Haha. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa mga estudyanteng ang aga-aga magkaroon ng nobyo / nobya. Hindi naman sa bitter ako, pero bakit ganun? Naiirita talaga ako sa kanila. Siguro dahil binigyan sila ng chance mag-aral tapos magfe-flirt lang sila, samantalang yung iba, nagpapakamatay magtrabaho makapag-aral lang. Hay, buhay. Bakit ko nga ba sila pinroproblema?! Basta alam ko ang tama at susundin ko ang tama, aasenso ako. Bahala nga sila! (>.<)

AY NAKU!!! Hindi pa pala ako nagsho-shower! Tsk tsk tsk. Pati pa kasi problema ng ibang tao, pinroproblema ko. *sigh* 1 pm pa lang pala. No need to rush. Haha. Ano kaya isusuot ko? Ewan XD. Bahala na. Shower na muna me.

*Shower* *Bihis* *Suot ng favorite converse pair* *Ayos ng gamit*

Paano kaya ayos ng buhok ko? Ladlad ko na lang kaya ‘to. Ayan ok na ako! Yehey! Ready na ako umalis (^_^). Kaso may 25 minutes pa. Ano kayang gagawin ko? Eh kung mauna na lang kaya ako? Kaso wala namang gasolina kotse namin. Atsaka hindi ako pwedeng mag-drive (kahit marunong na ako XD). Mahal naman pamasahe. ‘Wag na nga lang. Mag-hihintay na nga lang ako (-.-).

Tapos biglang napadaan sa tapat ng kwarto ko si Mama. Naalala ko, hindi pa pala ako nagpapaalam! Hindi pa kasi ako 18 para malayang gumala. Edi yon, pinuntahan ko siya at nagpaalam. Sinabi ko kasama naman si Berry eh. Thank goodness pumayag siya. Haha.

May 10 minutes pa ako. Iche-check ko na lang muna yung schedule ni Ceph XD. Nagbabakasakali kasi ako kung may mall tour siya. I mean sila. Alangan namang mag-mall tour siya nang mag-isa diba?! Haha. Ayan, bukas na ang desktop, naka-connect na ang modem sa internet, nakabukas na rin ang Google Chrome, at nagload na ang website na pinagkukuhanan ko ng updates tungkol sa kanya at… wala pa ring mall tour dito sa Pinas *sigh*.

Naka-close na ang lahat ng running programs at iki-click ko na sana ang shut down nang marinig ko na may nagrotate ng door knob. Napatitig ako sa pinto. Dahan-dahan na siyang nagbubukas. Sino kaya ‘to? Sigurado akong hindi tagarito sa bahay na ‘to kasi lagi kaming kumakatok bago pumasok sa mga kwarto (syempre except sa C.R.). Hindi siya tagarito?! Humaygudnes! Sino ‘to?!

Half-open pa lang yung pinto at hawak ko na yung kutsilyo na nakatago sa drawer sa tabi ng P.C. (in case of emergency lang). Ang bagal naman nito magbukas ng pinto. Grabe slow motion pa talaga (>.<). Bilis na para mahagis ko na sayo ‘tong hawak ko! Nakaangat na yung kamay ko! Naka-aim na rin yung kutsilyo. Ano ba yan, bilis na, magpakita ka na! Medyo nangangawit na rin ako rito.

Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa akin ang isang lalaking hindi ko namumukhaan.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla kong naihagis yung kutsilyo.

~~~~~

Author’s note: sana po medyo nagustuhan ninyo. Sorry po kung walang thrill. Sa bandang huli pa po kasi yon eh. Kaoag close na si Cass at Ceph. Sorry po sa mga typo at grammar errors. Sorry po sa kakornihan at kabaduyan ko. Peace po! (^_^)V

@sora: pasensya na kung medyo parehas yung concept. Sorry talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being a Simple Fan is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon