☼ Chapter 1: The Girl Who Was Named After Some Stars ☼

32 1 0
                                    

Epal note from the author:

Hi guysss!!! First time ko pong gumawa ng story :D. Sana po magustuhan niyo.  Yung ibang part jan true story, pero karamihan ay imahinasyon ng utak kong puro Dev. ang laman. JOKE lang po. Syempre may ibang laman din ang utak ko. Si God, family ko, at pag-aaral din. Haha. Yung mga characters po ay pawang kathang isip lamang. O sya, sisimulan ko na po yung kwento. Sana po magustuhan ninyo.

sincerely, Sharmaine G.

~~~~~

☼ Chapter 1: The Girl Who Was Named After Some Stars ☼

Okay, let me introduce myself first. I am Cassiopeiae Lynx Vela Ramos. You can call me whatever you want but I prefer being called as Cass. Kung mapapansin niyo, yung first three names ko ay pangalan ng mga stars. Ewan ko ba sa parents ko kung bakit ganoon naisipan nilang ipangalan sa akin. Ngayon ko lang din napansin, kung gaano pala kahaba yung pangalan ko, ganon naman kaiksi ung apelyido ko. Haha. Pagtripan ba naman daw yung sariling pangalan? Tsk tsk tsk.

Sorry po baliw lang. Baliw kay  Phoenix Cepheus Harris. Isang gwapo at sikat na Canadian actor na may libo-libong fans na nagkakandarapa sa kanya. At isa na ako sa mga fans na iyon . Pero hindi naman ako ganun ka-desperada para mapasakin siya. Alam ko naman kasing imposible yun eh. Pwera na lang kung kami talaga ang nlaan ni God para sa isa't isa :D.

 Anu ba yan?! Magco-college pa lang ako, lumalandi na!!! Dapat ka munang grumaduate Cass!!! Haaay. Yun kasi yung policy ko eh: "Graduate before Flirt!". (-_-*)

Mamaya ko na sasabihin yung mga detalye tungkol kay Ceph. Idedescribe ko pa sarili ko eh (XD). Ako ay labinlimang taong gulang pa lamang pero magcocollege na ako next school year. Excited na akooo!!! \(^_^)/ haha.  Gusto ko pong maging surgeon at pagkagraduate ko, gusto kong magpakayaman sa Canada ;). Kaya nga lagi ko itong ipinagdarasal eh: "Lord, I pray po na payagan Niyo po akong magtrabaho sa Canada bilang isang surgeon at nawa po'y hindi ito maging labag sa kalooban Mo, salamat po. In the Name of Christ, Amen." Nga pala, Born Again Christian po ako at ang pamilya ko. Naku! bakit hindi ko inuna itong description na 'to?! (>.<) Sorry po Lord. :(

Hindi ako magaling kumanta, at hindi ako masyadong marunong tumugtog ng kahit anong instrument; therefore, hindi ako magaling pagdating sa musika. Gayunpaman, proud pa rin ako at ganito ang pagkakalikha sa akin ni God.

Sabi nila, "NERD" daw ako. Marahil totoo nga iyong kasabihan na iyon dahil hilig ko talaga ang pag-aaral at konti na lang ang oras ko para sa sarili. Ngunit, iyong konting oras na iyon ay sapat na para ako ay kumain at ayusin ang sarili, kaya wala sa itsura ko ang pagiging nerd :P. Wala akong salamin, 20/40 pa kasi yung vision acuity ko eh. At maayos din ako manamit. Yung tipong "astig" tignan. Haha. Lagi akong nagsusuot ng mga cool na shirts and pants. Bihirang bihira ako magsuot ng dresses at shorts. May koleksyon din ako ng Converse shoes, gusto mo isang pares? Bili ka! (XD). JOKE. 'Wag niyo na pansinin yon. Basta, may alam na kayo tungkol sa akin. Okay na siguro yon haha.

~~~~~

a/n: sorry po kung baduy, boring, at baduy. First time pa lang 'to eh. btw, salamat nga po pla sa pagbabasa

Being a Simple Fan is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon