Vacation

113 6 0
                                    

Normal POV:

"Bilisan nyo dali, malelate na tayo! Kumpleto ba dala nyong gamit?" tanong ng manager sa EXO.

"Ne hyung." sabay -sabay na sagot nila.

"O sya sakay na sa van dali na."

Alas singko palang ng umaga pero ginising na ng bawat manager ang grupong hawak nila. Mula sa solo artist hanggang sa groups.

Pupunta sila sa isang resthouse for one week vacation. Nauna ang Reunion Ball, tapos nagkaroon ng two days off. Tapos ngayon naman one week vacation.

Mga manager lang ang may alam na magbabakasyon ulit sila. Si Mr Soo Man ang may idea nitong paggagala nila. Wala lang dahil gusto lang nya na marelax lalo ang hawak nyang artists.

*f(x)'s van

"San ba tayo pupunta? May appearance ba kami sa isang show?" tanong ni Victoria.

"Basta, wag na kayong magulo. Matulog kayo diyan at mahaba pa ang byahe." sabi ng manager nila.

*SuJu's van

"Ang aga naman nating umalis. San ba show natin?" tanong ni Ryeowook.

"Zzzzzzzzzz." nagkunwaring tulog ang manager.

*EXO-K's van

Chanyeol nagbebeatbox. Nagrarap si Baekhyun. Si Kai natutulog, tumutulo pa yung laway. Si Sehun nagsasight-seeing kahit madilim pa.  Si D.O mulat na mulat yung malaking mata. Si Suho nakapikit lang.

*EXO-M's van

"Manong driver, pupunta ba tayo sa lola ni Baekhyun?" tanong ni Yixing.

"Ay hindi ko ho pwedeng sabihin."

"Manong pakigising nalang kami kapag nakarating na ha. " cool na sabi ni Kris.

Yung iba, tulog parin.

*After one and a half hour

"Nandito na tayo!!!" sigaw ng manager ng bawat groups. Isang malaking building agad ang tumambad sa mga artist. Malaki at maganda ang lugar. Pumasok sila sa loob ng building.

Nandoon na si Mr. Soo Man.

"Welcome sa resthouse/ hotel/ resort!! Ininvite tayo ni Mr. Raymond Song dito. Solo natin ang lugar kaya feel free to scoot around. Get your buddy for room sharing. Male with male, female with female.

You are going to meet Mr. Raymond Song, our sponsor ngayon na. So tara, sumunod kayo saken." masayang sabi ni Mr. Soo Man.

Lumakad sila sa loob ng hotel papunta sa kabilang dulo. At napa-WOW sila dahil sa laki ng pools at sa ganda ng dagat. Buong lugar ay maganda. Nakakarelax talaga.

Natanaw nila sa ilalim ng malaking puno ang isang katandaang lalaki na nakaupo. May hawak siyang baston. May kasama syang lalaki na nasa 40's ang edad (si Kim Tan).

"Raymond!"

Lumingon ang lalaking nakaupo na si Raymond Song.

Nagbow ang artist kay Raymond at ganun din naman si Raymond sa kanila. Ipinakilala ni Soo Man ang mga artists sa company nya. Si Raymond naman ay nag-Welcome sa mga bisita nya.

KM's POV:

"Argh. Bakit parang ang init?" iminulat ko yung mata ko. Nakita ko ulit ang kisame na lagi kong tinititigan.

"Bakit nakasara yung aircon?" bumangon ako at chineck yung aircon dahil hindi tumatalab yung remote nya na ginagamit ko.

Hindi nagbubukas. Pumunta kong banyo. Pinindot ko yung on switch. Nyeta. Bakit walang ilaw?

Binuksan ko yung gripo para maghilamos ako. Nyeta. Bakit walang tubig?

Lumabas ako sa banyo habang tinatanggal yung muta ko sa mata. Wala nga palang bintana tong kwarto ko. Paano magkakahangin?

Pangatlong araw ko na ngayon dito sa resthouse/hotel / resort ko. Pinagpahinga ako ni Raymond dito. Hindi pa ko lumalabas ng kwarto simula nun.

Si Baek naman inutusan syang magbantay muna sa EXO habang nagpapahinga ako.

Maayos na yung pakiramdam ko. Yung mga pasa ko mahahalata mo pa pero hindi na ganoon kasakit. Pawala na nga ata yung itsura kasi nagfefade na.

"Hays, ang init na ang dilim pa! Makakuha nga ng damit at dun ako maliligo sa shower room."

Kinuha ko yung phone ko para may silbing ilaw. Binuksan ko yung cabinet at.....

"DAMN! Nasaan mga damit ko?!" Binuksan ko pati drawers, wala yung mga gamit ko.

Walang electricity. Walang tubig. Walang damit. Ibig sabihin, kailangan kong lumabas ng kwarto. Waaah!!!! Tinatamad pa ko. This is so not me!

Pinagpapawisan na ko dito sa kwarto ko. Ang lagkit ko na. Ayokong lumabas. Tinatamad ako. Pero......Huhuhu.

Nanahimik ako bigla. Then bigla nalang akong napatayo. Hindi ko na talaga kaya ang init!

Isa lang ang may pakana nitong pagtanggal ng kuryente,tubig at pagkuha ng mga damit ko. Lumabas ako ng kwarto. Mainit naman ulo ko ngayon.

"RAYMOND SONG!"

Her Life is ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon