1

7 1 0
                                    

1

Boarder

"Kuya Jess! 2 hours promo! Anim kame!" Sigaw ni Mel na sa counter ng computer shop na paglalaruan namin. Kanya kanya kaming bukas ng PC sabay upo at naghihintay na lamang na magload ang system.

Isang matinding laro na naman ito. Napangisi ako dahil sigurado panalo na naman ang magiging kakampi ko.

"Tungunu! Ngiting aso na naman ang gago. Pustahan tayo, matatalo kayo!" Ani ni Ron, napatawa na lang ako sa sinabi niya. Sa halos mula pagkabata naming magkasama, kaming anim, ay kilala na namin ang isa't-isa. Kapatid ang turingan, walang talo-talo.

"Ipunin mo na lang yang pusta mo. Baka bukas wala ka pang baon eh." Napatawa ako nung nagkantyawan na ang iba.

"Tama na satsat mga abno. Gagawa pa 'kong project." Entrada ni Wilson, napatawa kami lalo dahil don.

"G na! Nagmamadali si genius." Ani Bersel.

3v3 ang labanan. League of Legends ang laro. Ang magkakampi ay ako, si Wilson at Bersel. Ang kalaban namin ay sina Mel, Ron at Rafael. Nagumpisa na ang laro. Inenjoy ko na lang at nanahimik habang ang iba ay ilang beses ng nagmumura. Hindi ko namalayan na mauubos na pala ang tore nila nang hindi man lang ako napapatay. Panghuli na ang tinitira ko at napangisi ako dahil don. Sigurado ako sila na ang magbabayad ng renta ng PC namin dahil talo na sila.

At sa isang tira lang, narinig ko na ang salitang...

"VICTORY!"

Napangiti ako lalo at natawa nang makita ang pagmumukha ng tatlo na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Tara na! Maglilinis pa tayo ng dorm. Magagalit na naman si Mama niyan pag naabutan yung mga kalat niyo dun." Nag-inat ako at tumayo.

Pag-mamay-ari namin ang dorm na tinutuluyan naming anim, si Mama ang namamahala no'n. Sakto lang ang laki no'n at may apat na kwarto, dalawa sa babae, ganun din sa lalaki. Sa isang kwarto ay kasya ang apat na tao. Sa ngayon ay kaming anim na lalaki at tatlong babae pa lamang ang nandoon.

Ang boarding house na 'yon ay binili ni Mama para may matuluyan kami malapit sa University at para hindi na magpabalik-balik pa sa lugar namin. Tatlong oras kasi ang byahe mula roon hanggang dito.

Ilang minutong lakad lang ay nandito na kami. Linggo ngayon, ibig sabihin ay araw ng pahinga at linis. Mapapatay kami ni Mama 'pag hindi nalinis ito linggo-linggo.

Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa~

Sinimulan na namin ang paglilinis para makatapos na kami sa oras ng tanghalian, ako ang taga-pagluto kapag wala si Mama. Umuuwi siya 'pag linggo. Tahimik lang kaming naglilinis at nagsa-soundtrip. Walang nag-iingay.

At ang galing galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Chacha~

Nagwawalis ako ng kalat habang ang iba ay inaayos ang kani-kanilang gamit.

"Ngunit ang paborito, ay pagsayaw mo ng El Bimbo, nakaka-indak, nakakaaliw, nakakatindig balahi---" natigil ako sa pagsabay sa kanta ng may kumatok.

Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ko, may bitbit na dalawang maleta, na sa palagay ko ay naghahanap ng matutuluyan. Ang mukha niya ay natatakpan ng kanyang buhok, payat na pangangatawan at nakasuot ng itim na bonnet, itim na jeans, itim na chucks at longsleeve na puti.

Mukhang malamig sa pinanggalingan nito ah? Napangisi ako sa naisip ko. Kung hindi lang dahil sa puti niyang damit ay matatanong ko ito ng kung saan ang burol?

"Ano pong kailangan nila?" Ani ko habang pinapasadahan siya tingin. At ng dumako ang paningin ko sa mata ko sa kanya, nagulat ako sa sobrang talim ng titig nito.

If looks could kill, malamang kanina pa ako nakaburol.

May inabot siya sa akin na flyer. "Mag-iinquire ako."

Wew. Ang lamig. Babae ba 'to?

"Sige, tuloy ka." Nilakihan ko ang pagkabukas sa pinto at pinatuloy siya. "Upo ka muna." Sabay turo ko sa sofa na sa sala. Wala na doon ang mga tropa. Mukhang tapos ng maglinis. "1500 ang upa dito. 1 month advance, 1 month deposit. Libre ang tubig, kuryente, wifi, at may stove na rin jan kung gusto mong magluto, may water dispenser jan para sa drinking water. Nakainclude na rin don ang unan, bed sheets at kumot. May tatlong banyo, dalawang showers, may sink at may mga gamit na rin pangl---"

"Nasan yung may-ari?" Di ko maiwasang mabadtrip. Bastos! Nag-iispeech ako. Minsan ko lang magawa to dahil si Mama ang kumakausap sa mga nag-iinquire.

"Uhm. Ako yung anak ng may-ari." Nagpipigil kong sabi. Konti na lang uupakan ko na 'to. Pero syempre joke lang. Di ako nananakit ng babae. "Gusto mo bang icheck yung place?"

"Hindi na. Gusto ko lang malaman kung may isang bakanteng kwarto pa. Yung wala pang tao." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hmmm. Meron pa namang isa. Bakit?" Wag mong sabihing sakin na uupahan mo yung isang kwarto na yun?

"Good. Ilang tao kasya dun?" Malamig pa din ang boses niya.

"Apat."

At nabigla ako sa sagot niya. "Kunin ko na. Ngayon na. Magkano lahat?" Seryoso? Nagpapatawa ata si ate.

"No joke?" Duda ko pa ring tanong.

"Muka ba kong nagbibiro?" Ayun na naman yung mata niya. Nakakamatay.

"Sabi ko nga hindi, 12000 pesos lahat. 6000 advance, 6000 deposit." Nakangiti kong sabi. Matutuwa si Mama ne'to.

Nakitang kong inilabas niya ang wallet niya at naglabas ng lilibuhin. Naks RK. Matapos niyang iabot sa'kin ang bayad, nilibot ko muna sa siya sa buong bahay at hinatid sa kwarto na tutuluyan niya. Binigyan ko na rin ng unan, kumot at bed sheets. Pati ang duplicate ng susi ay inabot ko na rin. Nagulat pa ako ng kinuha niya ang dalawang maleta at isang traveler's bag sa pintuan bago ko siya ilibot.

"Uhm. Siya nga pala, baka gusto mo ding makishare sa amin ng pagkain. Contribute ka na lang." Sabi ko pagkahatid ko sa kanya sa kwarto. Tinignan lang niya ko ng malamig.

"Sanay akong magluto, salamat na lang." At ngumiti siya na parang nang-aasar.

Yabang. Tch.

Umalis na ako dun bago pa ako mapikon ng babaeng 'yun. Nagugutom na rin ako.

Teka. Ano nga palang pangalan niya? Nakalimutan kong itanong. Hayaan mo na nga, gutom na ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon