--"TAMA na! Tigilan mo na ako!"
Pilit kong tinatakpan ang tainga ko kasabay ng pagtakbo ko sa kung sinumang humahabol saakin.
"Wala kang tatakbuhan~"
Muli kong diniinan ang pagtakip sa tainga at binilisan ang takbo. Nakakatakot ang boses nya, kikilabutan hanggang buto ang sinumang makakadinig nito. Boses ng isang batang may malademonyong tawa.
"Ayan na ko~"
Tumatakbo lang ako kahit paulit ulit na lugar lamang ang dinaraanan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito.
"Stop! Please, please!"
Naiiyak na ako sa sobrang takot. Pinagpapawisan na ako ng malamig habang patuloy na tumatakbo. Pero walang nangyayari! Paulit ulit pa din ang batang 'yon!
"Malapit na ko~"
Bigla akong napahinto sa biglaang pagdilim ng paligid. Mas lalo akong natakot. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa aking bibig. Napaupo na lang ako at pinikit ang mata upang maibsan ang takot.
Ang tahimik ng paligid, mas kinikilabutan ako. Walang ibang maririnig kung hindi ang malalim kong paghinga at malakas na tibok ng puso ko.
Natatakot ako. Butil butil na ang pawis ko. Tulungan niyo ko, please!
Napatakip ako ng tainga ng magsimula na naman ang boses na iyon! At hindi lang siya nag-iisa! Ang dami nila!
"Wala kang kwenta!"
"Inutil!"
"Tama na! Ayoko na!" Pilit kong tinatakpan ang tainga ko. Hindi ko na kaya. Sobrang natatakot na ako!
"Manang-mana ka sa magulang mo!"
"Wala ka ng pupuntahan!"
"Mag-isa ka na lang!"
"Please, tulungan niyo ako!" Tumayo ako at tumakbo ng tumakbo ng walang patutunguhan. Gagawin ko ang lahat, matakasan ko lang sila!
"Wala ka ng kawala, papatayin ka namin!"
"Papatayin ka namin!"
"Papatayin kita!"
"Huwag!"
Huli na at nagdilim na ang paningin ko.
--
A/N: Hi guys. I got bored and... this is the result. Hope you support 'till the end. This is a probably 20-30 chapter story only. A typical short one when it comes to series. :)
BINABASA MO ANG
Baliw
Misterio / SuspensoHanda ka na bang mabaliw? *** Baliw Written By: iamkyla101 Started: 07/16/2017 Finished: --/--/----