Isang subject nalang at uwian na. Yes! Nagkayayaan kasi kaming magpunta sa bahay nina Marian kasama sina July, Andrew, Hanah, Mendie, Shella, Ako, and Marian herself.
"Okay class.. wag ninyong kalimutan sa Lunes. Ang Research na inyong ipapasa ha? Class dismiss." Sabi ni Sir Hermoso, ang aming practical research teacher.
"Psst! Mga besh! Gora na?" Tanong ni Mendie nang makaalis si Sir.
Lumapit kami lahat sa kanya. Dala-dala ang aming mga bag, di naman gaanong kabigatan, infact ang liit lang ng bag ko. Uy! Kahit maliit yan! Di kami stupidyante no!
"Nasaan ba si Marian?" Tanong ni Andrew.
Napalingon-lingin kami sa paligid. Kami nalang ang tao sa classroom.
Nasaan ba ang bruhang yun?
"Ay guys! Hehehe sorry nagtelebabad lang sa labas. Okay ang bahay namin, may lakad kasi sina mommy at daddy." Sabi ni Marian na biglang pumasok from nowhere.
Yep, mayaman ang bruha. Pero di yan madamot infact namimigay pa yan or nanglilibre.
"So, let's go?" Tanong ni Marian nang tumunganga lang kami sa sinabi niya kanina.
Bigla-biglaan bang magsalita. Nakakaano lang.
Lumabas na kami sa school campus at nag jeep papunta sa kanila. Ang ingay-ingay nga namin sa jeep kasi halos kami lang ang pasajero hahaha.
"Dito na tayo." Nakangiting sabi ni Marian kaya kinatok ni Andrew ang kisame ng jeep.
Syempre, nagbayad na kami no.
Medyo, may kahabaan ng konti ang nilakad namin mula sa pinagbabaan namin. Mayaman talaga ang babaeng to, kita naman sa bahay eh. Nasa isang pribadong village kami where punong-puno ng mga naglalakihang bahay or mansions.
Binuksan ni Marian ang isang Malaking itim na gate. Pumasok kaming lahat sa bahay nang mabuksan din ito ni Marian.
4:30 pm kaming nakarating sa bahay ng bruha. Ang traffic ba naman sa Osmeña Circle eh.
"Kain muna kayo, i'm sure gutom na kayo." Si Marian while may dalang tray na naglalaman ng mga pagkain.
Nilapag niya ito sa center table. Nakahilata yung iba sa sofa, yung iba naman nakasalampak sa sahig.
Napagkatuwaan naming manood ng horror movie noong nag-5pm nang patay ang ilaw.
'Mama' yung pinanood namin. Sigaw nang sigaw si Shella, feeling ko nabasag na eardrums namin dahil sa tinis ng tinig niya.
"Hoy! Shella! Tama na bes!" Si July na tinakpan pa ang mga tenga.
Ang tinis eh. Nakakabasag ng mga bintana at baso sa tinis.
Natapos parin ang movie na sigaw nang sigaw si Shella. Di nagpaawat. Nakakatakot naman kasi ang movie eh, dala narin ng malakas na sound effects at bigla-biglaang pagpapakita ng mama sa tv.
Isang oras ata kaming nanonood ng movie. Binuksan na ang ilaw sa sala kung saan kami naroroon.
"Kain muna tayo guys, nagutom ako eh." Si Hanah while hinihimas ang tiyan.
Ang payat lang ni Hanah pero malakas kumain, nasaan ba ang mga kinain niya?
Nagsitanguan kaming lahat so nagyayaan naring kumain sa kusina at magluto ng kakainin.
"Busog na busog ako, grabe!" Sabi ni Andrew nang matapos na kaming kumain.
Bumalik na kami sa salas at nagkanya-kanyang puwesto ulit.
"Sa sarap ba namang magluto nina Marian at July eh." Sabi ko then ngumiti. Heaven kasi hahaha.
"Maghorror story telling tayo guys!" Sabi bigla ni Andrew.
"Ng nakapatay ang ilaw? Game!" Nakangising sabad ko.
They all approved with my suggestion kaya pinatay na ni Marian ang ilaw.
Wala kaming makita sa dilim ng buong salas. Sinara kasi ang bintana at yung pinto.
"Sinong mauuna?" Narinig kong tanong ni Andrew.
"Ako.." Sagot ni Shella.
At ang ending habang nag stostory telling siya eh sigaw siya nang sigaw sa bawat pause niya. Like seriously? Natatakot sa sariling kuwento?
"Ako naman." Si July.
Nakakatakot yung story niya, dala narin ng dilim. Kapit na kapit nga ako kay Mendie eh kasi siya yung katabi ko sa sofa kanina. And the fact na nasa likod ko lang ang pintoan baka mabukas bigla at may pumasok na kung ano.
Sa bawat kuwento ng bawat isa.. nadadagdaganang takot ko at tayong-tayo na ang nga balahibo ko sa batok.
"Guys stop na tayo." Sabi ko. Di ko na natake ang sobrang takot.
Binuksan ko ang ilaw to see nothing..
Napalingon-lingon ako sa paligid. Impossibleng iniwan nila ako kasi nakalikod ko lang yung pinto palabas at nasa right side ko lang ang pinto sa kusina at nasa right din yung hallway papunta sa mga kuwarto.
Nangilabot ako bigla. Naiiyak na ako.
Di magandang joke to.
"Guys! Wag kayong magbiro!" Sabi ko saka ko hinimas-himas yung braso ko.
Kaya naman, chineck ko ang labas.. walang tao at nakalock parin ang gate. Nagpunta ako sa kusina just to see na kakayapos lang nilang hugasan ang gabundok na hugasin.
"Ang sama niyo! Iniwan niyo ako bigla kanina." Reklamo ko.
"Lol.. kanina pa kami dito sa kusina no! Anong iniwan? Nawala ka kaya bigla sa kusina, kukuha ka lang ng mop. Nasaan na? Mag-iisang oras ka ring nawala ah" Si Hanah.
Ano? Sino yung kakuwentohan ko sa salas?
Napalingon ako sa sala bigla...
×××××××××××××
Papatayin mo pa ba ang ilaw sa bahay niyo?
BINABASA MO ANG
One Shots: Horror Stories
HorrorDo you like one shot horror stories? Then this is for you. This is the place where you can binge reading different stories in one! Or do you want to share your stories? Message the author by dropping comments bellow!