[Poem]
'Mahal kita'
Mga salitang binanggit mo ng may saya
'Seryoso ako'
Sabay pa ng mga ngiti sa labi mo.Ang sarap pakinggan ng mga ito lalo na at galing sayo.
Para akong nasa alapaap tuwing makikita ko ang ngiti mo.
Pero bakit ganito?
Tila ba may mali sayo at sa mga salitang ito.Dala ng kuryosidad, tinanong kita.
'Totoo lahat ng winika ko. Mahal kita, wala ng iba pa.'
Sabi mo sakin ng nakatingin sa mata.
Halos lahat ng pangamba'y nawala ng dahil sayong salita.Pero mahal, Akala ko ba'y totoo?
Akala ko ba ika'y seryoso?
Bakit nagkaganito?
O sadya lang mabilis magbago ang tibok ng puso mo?Mahal Ayoko na.
Ayoko ng umasa.
Umasa na baka meron pa.
Umasa na baka naibabalik pa.Ayoko na.
Ayoko ng masaktan.
Masaktan sa'yong mga salita.
Masaktan.. sa parehong dahilan.Ayoko na.
Ayoko na mabuhay ng kasama ka.
Mabuhay sa matatamis mong salita.
Salitang ni hindi mo kayang panindigan.
Mahal ayoko na.Hanggang dito na lang.
Bibitawan na.
Palalayain na.
Ayoko na.----