TAYO.
Nagsimula lahat ng to sa 'ikaw at ako'
Ikaw, na hindi ako kilala at ganun din ako sayo.
Hindi naman ako umasang magkakaroon ng TAYO.
Kaso sadya yatang pinagtatapo tayo.
Mabilis ang pangyayari, naging magkaibigan tayo.
Naging magkasama sa mga kalokohan.
Laging nagbibiruan.
Alam ko lahat tungkol sayo.
At alam kong alam mo din lahatng sikreto ko.
Pero teka, lahat nga ba?
Parang may kulang yata.
Ah, tama.
Hindi mo alam.
Hindi mo ramdam.
Hindi mo maramdaman na ikaw, ikaw ang syang tinitibok ng puso ko.
Akala ko.. Akala ko nagmanhid na yang pandama mo.
Akala ko hindi mo talaga ramdam ang pagmamahal ko.
Akala ko lang pala.
Umiwas ako.
Lumayo sayo.
Pero pahamak talaga tong si kupido.
Ikaw tong lumapit at sinabi sa akin ang tunay na nararamdaman mo.
Na hindi siya kundi ako.
Ako na matagal mo ng gusto.
Natakot ka lang na baka lumayo ako.
Na baka masira ang kung anong meron tayo.
Mahal, alam mo bang nagtiis ako?
Nagtiis ako na sa bawat haplos mo.
Sa bawat yapos na para bang nalalapnos ang mga balat ko.
Sa mga tawa mong tila musika sa pandinig.
Nagtiis ako.
Pinigilan ang nararamdaman ko.
Tapos malalaman kong mahal mo din ako?
Kung kailan wala na't nasanay na ako na magkaibigan lang TAYO?
Kasalanan ko bang nahulog ako at di mo kaagad sinalo?
Kasalanan ko bang mawala 'tong nasayang na pag-ibig ko?
Masisisi mo ba ako kung napagod na ako?Nag-simula lahat ng ito sa 'ikaw at ako'
Hindi naman ako umasang magkakaroon ng TAYO.
Kase umpisa pa lang, hindi naman tinadhana na maging TAYO.