Nakatingin sa kawalan.
Kasama ang kadiliman.
Rinig ang bawat patak ng ulan.
Mga kaluskos ng halaman.Di mawari kung bakit nagkaganito.
Ang bilis naman yata.
Kahapon lang mahal mo.
Ngayon hindi dahil may iba na.Di ko maiisip kung saan ako nagkulang.
O baka mas tama na SAAN AKO SUMOBRA.
Oo alam ko na.
Sumobra ako sa pag asang seryoso ka.Habang nakatitig sa ulan ,
Pagpatak ng luha'y di mapigilan.
Nagpapasalamat sa kadiliman.
Sa pagsama at pagdamay.Maswerte akong dumating ang aking kaibigan—Ang ulan.
Hindi mapapansin ang luhang patuloy na pumapatak sa mga mata.
—Sa kadiliman.
Dahil di mapapansin ang hinagpis sa aking mukha.