April 09, 2017.

1 0 0
                                    


The day before I turned fifteen.

Nagkagusto ako sa isang taong may gusto sa iba.

No. Let me rephrase that,

May gusto ako sa taong may gusto sa iba.

Masakit oo, pero hindi ko naman siya masisisi. Hindi naman niya sinabing gustuhin ko siya. Ako lang naman itong palaging ipinagpipilitan at ipinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. Kahit na alam kong may iba siyang gusto.

Ang sabi nila, baka naman nagwapuhan lang ako sa kanya. Pero hindi eh, edi sana nung unang araw palang na makita ko siya, June 2014, nagustuhan ko na agad siya. Hindi ako na-love at first sight sa kanya. Sa katunayan nga, Fourth grading period noong grade 9 ko lang na-appreciate yung ka-gwapuhan niya. Kahit na noong grade 7 pa kami mag-kaklase.

Close kami? Hindi kami super close pero, kasali siya sa circle of friends ko. Friendly kasi akong tao kahit na medyo may pagka-introvert ako. Minsan nga, makikita mo nalang ako na nakasama sa iba na hindi naman kasali sa tropa. Takot kasi ako mag-isa at ma-iwan, kaya kung kani-kanino ako nakikipagkaibigan.

Let me describe him, my Saint. Nagustuhan ko siya hindi lang dahil sa kanyang itsura. Kundi dahil nasa kanya na ang lahat ng gusto ko sa lalaki, except lang sa matangkad hihi, matangkad naman siya sa akin kaya oks na! So noon pa man ang gusto ko na talaga sa lalaki ay: malapit kay God, gwapo, syempre. magaling kumanta at sumayaw, marunong tumugtog  ng mga instruments, mabait, may sense of humor, at matangkad sa akin. :D mga beshy pashado sha!!! Malapit kay God, bes pastor ang amahin! CHECK!! Gwapo, check! Magaling kumanta at sumayaw, kumakanta naman siya at ang galing niya sumayaw bez, so check na check!! Marunong tumugtog ng MGA instruments, me iz zo yabang, check check check!!! Mabait, check!!! May sense of humor, checkK!! Naririnig ko na naman yung boses niya, ''Inulet.'' Matangkad, duh ang liit ko kaya soo check!!!

Kaso, ako ang hindi pasado sa kanya. Ang gusto niya sa babae, syempre yung maganda, maputi, at may brace! Never akong magiging pasado sa standards niya kasi unang una, aminin na natin na hindi ako maganda, maputi, at wala akong brace. Minsan nga'y naloloko ako ng mga kaklase ko na 'mag-brace' daw ako, para naman magustuhan niya na ako. Ang sinasagot ko nalang sa kanila, ''Hindi ko kailangan gawin 'yan para lang magustuhan niya.'' Pero sa totoo lang? Ilang beses ko nang maisip gawin 'yun.

Isinulat ko ito habang naka-upo mag-isa dito sa sala ng aming bahay, habang nag-iintay mag-alas tres. Manonood kasi kami ni ate ng Barcelona: A Love Untold.

Diary ng Hindi PiniliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon