Kung minamalas malas ka nga naman. Dito pa bumagyo sa destination ko. Teka, ito na ba yun? Super lakas ng ulan, wala na kong makita sa window.
"Leslie, gising na. Nandito na tayo." sabi nung nanay na katabi ko dito sa bus. Pinapagising niya yung natutulog niyang anak na kandong kandong niya ngayon para siguro makatipid sa pamasahe. Buong byahe akong tulog? Di ko namalayan na sila na yung katabi kong pasahero.
WELCOME TO ZAMBALES
Ito na nga yun.
Sa dinami daming probinsya dito sa Pilipinas, di ko rin alam kung bakit dito ko napiling magpunta. Pero naisip ko rin kasi, kung sa ibang malalayong probinsya ako pupunta, hassle pang matutunan kung ano man yung dialect nila para lang makipagusap. At least dito, kahit probinsya, medyo Tagalog pa rin yung salita. Yata? Di ko lang sure. May Ilocano din yata. Ewan. Nabasa ko lang naman yun. At tsaka, wala na rin akong budget para mag wander around. Yun yun eh.
Pag ka baba ko ng bus, ang dami nang sumalubong sakin at sa iba pang pababang pasahero.
"Miss! Miss! San kayo? Hatid ko na kayo! 360 lang!" Mahal ah!
"Ma'am! Dito nalang sa tricycle!" Sige, tapos pagdating sa pupuntahan ko, basang sisiw na 'ko. ._.
"Sir! Ma'am! Taxi kayo?" Di kuya, tao kami.
Sabay sabay na tanong ng mga nakakapoteng manong sa mga pasahero. Bilib din ako sakanila. Kahit bumabagyo na't lahat lahat, kayod pa rin. Nakakabobo lang talaga silang mag-alok.
Pumasok muna ako sa terminal para makisilong. Maghahanap pa 'ko ng mura murang masasakyan. Kaso, ang lakas pa rin ng ulaaaan pati hangin! I have to get out of here and find a place to stay for the meantime! Baka kumulog! Waaaah!
Ang laki laki nitong Iba, Zambales. Saan naman kaya ako pupunta? Wala naman akong kakilala dito. Di ko rin alam ang pasikot sikot dito. Haaay, ang bobo ko lang. Sa kakaiwas ko sa bagyo, dito ako napadpad eh dito nga daw sa Central Luzon yung babagyuhin diba! Di naman kasi ini-specify ng weatherman yung update niya kagabi. BV. Bahala na nga.
Nahanap muna ako ng CR nang makapagayos naman at makaihi na rin. After 15 mins. ng kakalibot dito sa terminal, nakita ko na rin yung CR. Ihing ihi na 'ko, shemay. Papasok na sana ako ng may biglang kumalabit sakin. Tingin naman ako sa may bandang kanan ko.
" 'Te, donasyon nga po!" sabi sakin nung babaeng mukang lalaki. Tomboy yata. Habang minumudmod sa mukha ko yung hawak niyang box na may nakalagay na DONATION BOX.
"Donation? Diba, kusang loob dapat ang pagbibigay kung donasyon?" tanong ko sakanya. Totoo naman diba? Tinawag pang donation kung ipipilit. Sana Bayad nalang yung tawag nila. -___- Tapos tinapik ko yung box palayo sa mukha ko. Halos maduling duling na ko sa lapit nung box sa mukha ko eh. Pano naman kasi diba, imudmod ba naman yung box sa mukha ko. Pwede namang maningil ng maayos. Mga tao talaga.
"Ah, eh. Kahit magkano lang 'te. Mga, bente, pwede na!" sagot niya sakin with pacute pang smile! Ew, di kita type ATE.
"Kahit magkano tapos prinesyohan mo rin ako! Ang labo mo ha. O, ayan, limang piso. Okay na yan. Iihi na ko ha?! Pwede na ba?" inis kong tanong sa kanya. Lecheng 'to. Gulo kausap eh.
Di na siya sumagot pagkakuha dun sa limang piso ko. Dali dali na rin akong pumasok sa CR. Ako lang yung nasa loob. Scary. After ko magCR, chineck ko muna yung wallet ko at binilang yung perang nadala ko, para naman mabudget ng bonggang bongga. 9, 720 pa. Galing kasi yan sa ipon, allowance at konting kita ko dun sa mga nabenta kong finish products which I sculpted. Pwede na 'to for ilang araw. Maghahanap muna ako ng matitirhan tapos, trabaho. Alam kong di magiging madali pero, kahit masama pa rin ang loob ko sa pamilya ko, lalo na kay Papa, mas gugustuhin ko naman 'to kesa tumira sa iisang bubong kasama ng mga taong ayaw naman sakin. Kaya ko to! :)
BINABASA MO ANG
Fix My Unfixable Heart (ON-HOLD)
Teen Fiction1 planet, 7 billion people. Meet Ivy Daphnee Dysangco - outcasted not by the society but by her own family. A girl who has never been in love and yet, her heart's already broken. Will there be someone who can fix her unfixable heart? Is it Allen Ci...