Faye's Pov
Yipiedoo! May pasok na! Mabuti naman di na ako mabu bored dito sa kwarto ko (kain, inom, tulog, kain, inom, tulog, kain, inom, tulog) yun lang ginawa ko buong week days. Pero ngayon may pasok na wohooo!
Bumangon na ako galing sa higaan ko nag prepare nalang ako ng sarili kong breakfast at agad naligo. Pagkatapos nun agad kong kinuha yung mga gamit ko at umalis na. Yung outfit ko? Nakatali yung buhok naka medyas ng upto knees above the knee kase yung uniform namin then black shoes na walang style at syempre dahil nasanay na'ko sa napakasaya kong buhay na maging nerd may mala Harry Potter glass ako and take note ang kapal ng salamin ko haha at yung bag ko naman back pack na BLACKPINK tapos sa baba ng salitang blackpink may nakasulat na Lalisa Manoban Woooo! Sayang saya kong ring nilalanghap ang sariwang hangin habang naglalakad mag isa pero malapit lang naman yung school ko sa bahay namin eh! Wahahahaha!
Nakarating na'ko ng school potek ang raming naglalandian oh? Lunes na lunes naglalandian sila hmm! Nakakadiri mga ginagawa nila ano ba kase pinunta nila dito? Hayst! Ge kaya ko to di nila masisira ang napaka ganda kong araw no?! Kasing ganda lang ng school ko. Napatingin ako sa relo ko 5:58 AM oh my 2 minutes nalang takbo ako ng takbo tapos nakarating na ako sa first subject ko, thank god wala pa yung teacher wahahaha. Dun ako naka upo sa pinaka likod tapos sa pinaka gilid malapit sa bintana. Nag palingon lingon ako tinignan ko classmates ko, may napansin akong bago. Babae siya maganda at sexy tapos shet ang laki ng ano! Tss nakakapangliit naman! HAHAHA. Pero iba siya mukhang siya lang yung mabait pero madaldal rin Well ano ba paki ko? Uso sakin yung 'I DON'T CARE NOH?' after a couple of minutes dumating na yung teacher namin pati pa ba minutes may couple hayst! Ang lalande! Hmmp!
**********
LUNCH BREAKDumiretso na ako sa canteen then bumili ng lunch at umalis na dun dumiretso ako sa library dun na'ko kumain. Nakaka hiya naman kase sa mga nagsusubuang in a relationship jan! Mabilaukan sana sila. Maubusan sana ng tubig dun hayst! Di ko na sila inisip panira talaga. Nagbabasa ako ng libro about Chemistry habang kumakain nang may umupo sa harap ko ganito yung pwesto
| shelves |
Ako
| Table |
SiyaGrabe to! Nananadya ata siya ah? Inangat ko yung ulo ko at ng makita ko kung sino nautal nalang ako bigla yung bagong classmate ko pala yung kanina. Pero still I don't damn care! Maganda nga siya mas maganda naman binabasa ko. Pero di talaga maipagkakaila na hamak na maganda talaga siya.
Phoebie's Pov
( It's pronounced as fibi)Wow! Classmate ko to ah? I like her. Hmmm kaibiganin ko nga. Di lang ako umimik at umupo na sa harap niya inangat niya lang yung ulo niya at tinaas ang isa niyang kilay as a sign of 'what do you need' Inabot ko agad ang kamay ko wooo gusto ko talaga siyang maging kaibigan kahit na mukhang masungit siya. "Hi! I'm Phoebie Valdez , the owner of this school is my uncle hihi" sabay pa cute na sabi ko inabot niya yung kamay ko " Dianna Faye Althea Coleen Villegas" sabi niya sabay smile ng cold. Woah! Sinong naka isip nun ang haba huh? HAHAHA ang saya naman ng pangalan niya. "Oh, then why are you eating your lunch here?" Tanong ko, pero di niya sinagot. Ayy? Nakaka hurt naman? Nag pout nalang ako, napansin niya naman "Hey I'm sorry I just don't like talking, I don't like to go over crowded places so I came here, thanks for talking to me anyway. Nice to meet you" walang kaemo emosyon niyang sabi sabay walk out. Pero atleast pinansin niya ko noh? Yipieee! Sinundan ko lang siya. Bigla siyang tumigil at nagsalita "You don't need to hide Phoebie" OMO anong sasabihin ko? Nakaka hiya naman umupo siya sa grass na naka cross legs at ginaya ko siya "Ehhh ahmmm... Ahhh.. So.. Fri-ednds?" Nauutal kong sabi sabay pa cute "Sure" tipid na sagot niya
Faye's Pov
Wahahahaha may kumausap sakeen! Alam kong ang snob ako pero paki ko ba? HAHAHA nagkwentuhan lang kami ni Phoebie actually siya lang naman yung nag kwento ang daldal grabe! Hanggang sa natapos nalang yung lunch break di parin tumitigil yung bunganga niya. Tapos sabay na kaming pumasok sa room. Potek para kaming beauty and the beast. Kawawa naman ako! Huhuhu ayy parang di ako sanay ah? Almost four years na'kong nerd! Pero naiilang rin ako pag may kasama tss. Ipagpapatuloy ko kaya pakikipag kaibigan sakanya? Hmmm? Any way pumasok nalang kami tapos thank god tumigil na di Phoebie sa kakakwento niya ng kung ano-ano nag lecture na yung teacher namin tsaka na kami nakinig.
YOU ARE READING
Be a Nerd.
De TodoI'm Dianna Faye Althea Coleen Villegas. Marami na akong na encounter na stories about a nerd then a playboy or a badboy fell inlove with her, then the boy became good and so on. So one day ginusto kong maging nerd. Hinihintay kong mangyari din sakin...