Chapter Fifteen: The Feelings

626 8 0
                                    

( Jacob's POV )

Muntik na akong pagalitan ng prof. dun ah . Buti at close ko siya.

"Ok at dahil inaantok si Mr. Kim may ipapanood ako sa inyong video presentation." sabi sa amin ni ma'am. At sinabi pa ang pangalan ko ah. Tapos na rin kasi siyang maglesson, yeah mabilis siya maglesson yung tipong pumikit ka lang marami na agad nakasulat sa whiteboard :D

Nung magstart na ang movie naghiyawan na yung lahat ng mga ka-classmate ko kasi pinatay na yung ilaw sa room. Alam mo naman kapag patay ang ilaw todo hiyawan na sila. Syempre todo tutok ako doon sa video na ipapanood sa amin ni Ma'am para iwas antok na rin ako. Then suddenly....

Narinig kong tumugtog yung kantang Heaven by Bryan Adams at nagimulang bumagsak na yung luha ko kahit naririnig ko palang yung kanta. Sadyang may naaalala lang ako sa tuwing naririnig ko yung kantang iyon. Ang buong akala ko ay bigla siyang papasok sa loob ng aming room pero hindi pala, isang video presentation lang pala yun.

Napansin rin ni Arianne na parang tutulo yung luha ko dahil doon sa kanta, kaya akala niya ay may problema ako. Pero narealized naman niya yun bandang huli, kasi andun siya nung nangyari yun.

..

Nung natapos na yung klase naman ay lumabas na kami. At

hanggang sa aking pag uwi ay dala dala ko pa rin ang masalimuot na ginawa sa akin ni Sebastian. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa taong pinagkatiwalaan mo at minahal mo ng higit pa sa sarili mo.

Bakit pa siya naghanap ng iba? anong wala sa akin na meron dun sa taong nakalampungan niya? Napakaraming mga tanong ang sumasagi sa aking isipan ng gabing iyon.

Habang inaaalala ko iyong mga masasalimuot na pangyayari na ginawa sa akin ni Sebastian ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.

"Jacob punta ka ng maaga sa room natin, may sasabihin ako salamat." txt niya sa akin.

Pagkatapos kong mabasa yung txt niya sakin, nagdadalawang isip ako kung dapat pa ba akong pumunta? para saan pa? o kung pupunta pa ako dahil importante ang sasabihin niya.

Kahit sa aking sarili hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko kay Sebastian. Kahit na para sa akin sobrang sakit ng nakita ko nung mga gabing iyon. Pero naisip ko kung ang Diyos nga na lumikha sa atin ay kayang magpatawad, tayo pa kaya na nilikha niya ay kaya ring magpatawad. Everybody deserves a second chance, yan ang katagang tumatak sa aking isipan ng gabing iyon.

Pero hindi makakaila na nung natanggap ko ang kanyang txt, nakaramdam ako ng lubusang kagalakan, parang nawala lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko. Ang nasabi ko nalang sa sarili ko ay Sa wakas at nagparamdam ka rin .

Nagpahinga nalang ako ng maaga para sa aming muling pagkikita ni Sebastian.

-----------

Kriiinggg Krriiiinngg ( alarm clock )

yawnn! maaga na pala. Tinignan ko yung cellphone ko kung may mga txt or calls ba na hindi ko nasagot.

Hmmm? 10 msgs galing kay Sebastian at 6missed calls din.

Muli na namang nagbalik tanaw ang aking isipan dahil nung kami pa at maayos pa ang aming relasyon ni Sebastian ay halos hindi na kami matulog dahil sa magkatxt pa kami or kahit sa paghilik ay pinapakinggan pa niya ako, dahil kapag antok na antok na ako ay kinakantahan niya ako hanggang sa makatulog ulit ako. Diba ang sweet! kaya hindi ko makalimutan yan eh, nagagawa ko kasi ang mga bagay na hindi ko nagagawa.

Nagayos na rin ako ng aking sarili at tumungo na sa university namin para kitain si Sebastian.

Magkahalong lungkot at kaba ang nararamdaman ko habang papalapit ako ng papalapit sa school namin. Kalahati ng aking katawan ay gustong pumunta pero ung isa naman ay gusto ng tumigil at wag ng magpatuloy pa.

"Diba siya yung bromance?" rinig kong sabi ng chismosang babae.

"oo nga, nagbreak na pala sila." sagot naman ng kasama niya.

"pero alam ko makikipagbati yung sebastian ba yun?" sa kanya.

Nung nakarating na ako sa aming room ay nandun siya at nag aantay sa aking pagdating. Makikita mo sa kaniyang mga mata ang kasabikan at pagsisisi sa kaniyang mga ginawa, kaya agad kong nilapitan siya para matapos na.

"Jacob. Sorry na please." pagmamakaawa niyang pambungad sa akin.

"Naalala mo pa ba tong lugar na toh? Dito tayo una nagkita, dun kita unang nakilala Jacob, dito mo unang nabihag yung puso kong nahihiya para sayo. Mukha akong tanga nun kasi hindi ko alam ang gagawin ko nung araw na yun. Tapos hanggang sa niligawan kita at maging akin ka, di ko nga alam kung anong pumasok sa akinh isipan kung bakit ko nagawang pagtaksilan ka, na ang tangi mo lng naman gawin ay ang mahalin ako ng todo at tapat. Tanga na kung tanga Jacob pero mahal talaga kasi kita eh, hindi ko alam kung ano ung gagawin ko nung gabing yun. " habol niyang sabi sa akin, habang unti unti ng pumapatak ang mga luha mula sa kaniyang mga mata na nangangahulugang nagsisisi

na talaga siya sa kaniyang nagawa.

Hindi ko siya pwedeng patawarin, nagpromise na ako sa sarili ko na hinding hindi ko siya mapapatawad kailanman. Pero bakit parang tinuturuan ako ng puso ko na patawarin na siya. Paano nalang kung trip lang niya ulit toh, at kapag nagtagal ay uulitin niya yung ginagawa niyang pakikipagtalik sa akin.

"Diba napag usapan na natin toh Sebastian na ayaw ko na talaga. Kung pagiging kaibigan ang hinihingi mo ,kaya ko yung ibigay sayo pero kung makikipagbalikan pa, hindi ko na kayang gawin ulit yun para sayo. " sagot ko naman sa kanya. At nakikita ko sakanyang mga mata ang pagsisisi at nagsimula ng bumagsak ang mga luha niya.

Hindi na siya ulit nagsalita at nag akmang lalabas na siya ng aming room pero habang papalayo siya ng papalayo parang nag uunahan ng magsibagsakan ang mga luha sa aking mga mata, kaya hinablot ko ang kanyang kamay at

.....

...

..

..

ipagpapatuloy.

***********************

thanks po sa nagbasa :) please vote po :) para mas ma inspired ako gumawa :) thanks u :* thanks sa mga nag add sa library nila :)

A Case Of Mistaken Relationship || COMPLETE ||boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon