Ang Pagpapakilala

14 1 0
                                    

Dark's,

Rinig na rinig sa aking silid ang sigaw ng aking mga magulang, habang ako dito ay nagmumukmok lang, di ko magawang umiyak kahit alam kong unti-unti na silang pinapatay. Hindi ko alam kung bakit, ganun na ba ako kasama? Sabi ng aking Ina, isa raw akong mabuting bata, magalang, may respeto, masipag, at kung ano pa. Pero di ko alam kung ba't nya yun nasabi samantalang labing-pitong taon na kong nakakulong sa kwartong ito. Oo, lumaki akong nakakulong, pero kahit ganun, palagi kaming magkasama ni Ama't Ina. Sinanay nila ako sa lahat ng aspeto, mapa-kapangyarihan ko man o kahit sa mga iba't ibang sandata, hindi sila nagkulang kahit nakakulong ako, sinabi rin nila sakin kung ano ang pagkatao ko, kung ano ako, at kung ano ang gampanin ko sa mundong ito.

Pero hindi ko lubos maisip kung bakit, di alam ng lahat ang tungkol sa'kin, oo di nila alam pero isang araw nahuli na lamang sila Ina na lumabas galing sa silid na ito, isa sa kanilang mga alagad ay nagtanong, kung ano nga ba daw ang ginagawa nila dito. Sinabi ng aking Ina na nagmumuni-muni lamang sila, pero di naniwala ang kanyang alagad, pumasok ito dito sa silid kung kaya't nakita ko sya, pero di nya ko nakita, masyadong malakas ang aking pandinig kaya bago pa man nya malaman ang tungkol sa akin, ay nagawa ko pang gamitin ang isa sa aking abilities, ang invisibility. Sealed rin ang kapangyarihan ko kung kaya't wala syang maramdaman ni isang pwersa o aura galing sa'kin. Pero mukhang mali ang naging desisyon ko, sapagkat naakusahang baliw ang aking mga magulang, ang alagad pala nilang iyon ay matagal ng nagsususpetsiya sa kanila. At palagi raw nitong naririnig sila Ama't Ina-ng tumatawa at tila may kausap sa silid na ito. Napagdesisyonan ng kanilang nasasakupan na paslangin ang kanilang Hari't Reyna- ang aking mga magulang, dahil hindi daw katanggap tanggap na sila'y may mga baliw na Hari at Reyna.

Kaya naman ngayon kahit gustohin ko mang umiyak dahil sa mga nangyayari ay hindi ko magawa, gusto kong lumabas sa silid na ito, at sabihing ako. Ako ang may kasalanan kung kaya't sila'y tumatawa o nagsasalita sa loob ng silid na ito, pero hindi pwede, hinding-hindi. Dahil may misyon pa akong kailangang gawin, at yun ay ang paslangin ang lahat ng Dark Elementals. Oo, papatayin ko silang lahat.

Hindi naman kasi talaga masama ang mga magulang ko eh, sa katunayan kahit nakatira kami at sila ang namumuno dito sa Dark Land, lahat ng tao dito ay mababait, masaya ang bawat pamilya, lahat nagkakaisa pero dahil sa may traydor sa aming Palasyo, lahat ng mamamayan ay nagbago. Pano ko nalaman? Dahil nagamit ko ang isa sa mga kapangyarihan ko.

Nalaman ko rin na Deciever at Hypnotizer ang may gawa nito. Tsk. Naiinis ako sa kanya, pero di ko magawang magalit, di ko alam kung bakit, manhid ba ang tawag dito? Ano ba yun?

Kailangan kong makaalis sa silid na'to tutal naman kaya kong gawin ang lahat, pero hindi ko alam kung san pupunta, at hanggang ngayon rin rinig ko pa ang mga sigaw ni Ina.

"M-mag-ba-ba-yad kayo!!! Pa-pata-yin nya ka-yong la-hat!!!"

Rinig kong sigaw ni Ina, pero ang di ko inaasahan ay ang marinig ang mga katagang di ko labis naisip na bibitawan nya.

"Papa-ta-yin nya ang la-hat ng Dark, sya ang Itim na Prin-se-sa ang pi-na-ka-maka-pang-yarihang ni-la-lang na ka-hit ang Puting Prin-si-pe ay di ka-yang wa-ka-san, at sya rin ang si-si-ra at papa-tay sa kadi-li-man!!!!"

Halos dumilim ang kalangitan dahil sa mga huling sinabi ni Ina, bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay nito ang pagdagundong ng langit, ang kidlat ay lumiliwanag sa dami, ganun katindi ang epekto ng katagang binitawan ng aking Ina, nagdala ito ng matinding kilabot sa mga mamamayan at ramdam ko iyon.

Tumulo ang isang patak ng luha sa aking kaliwang mata, kahit kailan ay di pa ako umiyak at di ko lubos maisip na ganito ako umiyak. Isang patak. Isang patak para sa libo-libong sakit na aking nadarama. Habang nakatanaw sa maliit na bintana ng aking silid, kitang kita ko kung pano nila tinapon ang bangkay ng aking mga magulang sa Dark Forest, ang pinaka-kinakatakutang gubat sa buong Dark Land maging sa Light Land, dito pinapatapon ang mga bangkay ng lahat na mga nilalang na namamatay.

Sinara ko na ang aking bintana at tiningnan ang repleksyon ko sa salaming nasa harapan ko, ang bilugang mga mata na kulay pilak at ang buhok na kulay asul, matangos na ilong at mapupulang labi, ang aking kutis na kasing puti ng nyebe na tila lumiliwanag sa madilim na gabi.

Suot ang aking puting roba ay pumasok ako sa isang silid dito pa rin sa loob ng kwarto ko, ang ilaw dito ay tama lang para makakita ako, kung sa mga mortal ang tawag nila dito ay dim light o dim.

Sa loob ng silid na iyon ay kinuha ko ang mga importanteng bagay na meron ako at pinasok sa isang lumang bag. Naglagay na rin ako ng kaunting blusa at palda, pati na rin ng dress kung tawagin, yun kasi ang aking mga karaniwang kasuotan.

Pagkatapos ay lumabas na rin ako sa silid na iyon, nagbihis ako ng isang itim na palda at puting blusa. Tiningnan ko ng kabuuan ang aking silid, napangiti na lamang ako ng mapait ng mapadako ang tingin ko sa salamin, kamukha ko ang aking mga magulang, natuto ako ng mabuting asal ng dahil sa kanila, binigay nila ang lahat ng pagmamahal ng isang magulang para sa anak-sa akin, at nagpapasalamat ako doon, huminga ako ng malalim at pumikit, sa lakas ng aking kapangyarihan ay ramdam ko kung pano nito gustong kumawala sa aking katawan, gusto ko mang gawin ay hindi maaari, hangga't naririto pa ako ay hindi pa pwede, ng magmulat ako ng mga mata ay nakita ko ulit ang aking mukha. Napakaperpekto nito, pero kahit ganun ay paulit-ulit na kong nasugatan dahil sa pagsasanay namin nila Ina, pero paulit-ulit man ay naibabalik pa rin ang perpekto kong wangis.

Naisipan ko ng buksan ang aking bintana, pero bago pa man ako tumalon sa bintanang ito ay sinuot ko na ang aking itim na maskara.

Ng masiguro ko ng wala na kong nakalimutan ay tumalon na ako pero di ko inaasahang ganito karami ang mga kawal. Tsk. Mukhang mapapaaway ako neto.

At ako, si Dark Aloha Cae. Ang pinakamakapangyarihang nilalang sa balat ng Light at Dark Land, na kahit ang Prinsipe ng Liwanag ay hindi kayang talunin ang tatapos sa kadiliman at sa aking nasasakupan, oo ako nga, ang kanilang Prinsesa ang tatapos sa kanila at nasisiguro kong magbabayad ang lahat. Pero hindi pa ngayon.
























-
Aloha!

The Dark PrincessWhere stories live. Discover now