Chapter 1: Tired of living

0 0 0
                                    

Iniisip ko palang na lilipat na naman kami ng bahay ni papa, nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng pera para pambayad sa bago naming uupahan. At sa totoo lang di ko pa alam kung saan.

Napabuntong hininga nalang ako sa pag-iisip ng mga gastusin.

Yung kuryente, magtatatlong buwan nang hindi nababayaran. Yung tubig naman  nung nakaraang buwan pa naputulan. Nagagalit na nga sa akin ang landlady ng apartment dahil pitong buwan na akong hindi nagbabayad.

"Icah! You're doing it wrong!" sigaw sakin ng Talent manager ng kaibigan ko.

Isa pa tong punyetang kalbong ito. Kung hindi lang ako binabayaran dito baka hinampas ko na to ng salamin.

Napansin ko na anlayo pala kasi ng salamin na dapat sa kay Trisha.

"Beb, usog mo konti. Nasi-i666 na naman si Boss." bulong sakin ni Trish habang nakangiti.

Nasa pictorial kasi kami ngayon. At assistant ako as mirror holding daw. Ewan ko sa trabahong to.

Pinasok lang ako ng bestfriend kong si Trisha dito dahil naki-usap ako na kailangan ko ng trabaho. Hindi naman na siya nagpaliguy-ligoy. Dapat isasali niya ako as model na katulad niya pero nung nagsuot na ako ng heels hindi ko naman makayanan ang maglakad ng maayos.

"Change outfit! Icah, assist mo si Trisha at wag mong haluan ng katangahan!" Sigaw na naman ni Sir Riz.

Hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya at pumasok na lang ako sa dressing room kasama si Trisha.

"Ginalit mo na naman yung baklang kalbo na yun. Ano na naman ba kasi ang iniisip mo? You're not in your senses. Hindi ka magtatagal sa trabahong to, sige ka." pabirong sabi ni Trisha habang sinizipper ko ang black na dress with laces sa kanya.

"Kasi naman, kailangan na talaga naming umalis ni papa sa bahay. Kainis kasi! Hindi ko pa nga nabibilhan ng gamot tapos problema na naman." sabi ko at pinagpagan ang likod niya.

"You know, I can help you. You can work at Japan with me if you like. Hindi ka naman kikita dito ng ganyan kalaking pero kung magsestay ka dito sa Pilipinas." she said smiling.

"I already told you, Trish. Hindi pwede dahil walang magbabantay kay papa." I don't know how to say this pero ayoko kasing iwan si papa dahil alam kong mapapabayaan niya lang ang sarili niya.

Matapos ang halos dalawang oras ng pictorial, umuwi na ako.

Agad na sumalubong naman sa akin ang lukot na mukha ng landlady ng apartment na tinutuluyan namen.

"Hoy Icah, magwawalong buwan ka nang hindi nagbabayad ng renta. Ano na bang balak mo? Magbabayad ka pa ba?" mahinang sabi niya pero halata sa boses nito ang inis.

"Manang Elen, isang linggo pa po. Bigyan niyo pa po ako ng isang linggo. Nakahanap naman na ako ng trabaho kaya makakabayad na ako. Promise!" Nagmamakaawang sabi ko.

"Ay aba, nung nakaraan pa yang isang linggo na yan ah? At yung trabaho mo ba, mabibigyan ka ba agad ng sahod diyan kung kakapasok mo palang?" halatang naiinis na si Manang Elen dahil nilalakihan na niya ako ng mata.

"Oo naman po! Dali na manang last chance di naman tayo nauubusan nun diba? Parang ng beauty mo." Pabirong sabi ko.

"Osiya sige. Pero huli na ito ah? Kailangan din ng pamilya ko ang pera, Icah. Atsaka nga pala, yung tatay mo, pigilan mo naman ang pag iyak tuwing gabi. Naaabala kasi yung mga kapitbahay." mahinang sabi niya.

"Opo, pasensya na po." sagot ko.

"Sige na Icah, ikaw nang bahala ha?" tumango nalang ako at umalis na din siya.

Pagkapasok ko palang ng pinto ay napansin ko agad si papa na nasa sofa at nakatulala.

Lumapit ako sa kanya at ngumiti naman siya.

"Nandiyan ka na pala. Nagluto ako ng gabihan. Tara at magsabay na tayo." sabi niya sa akin ng nakangiti.

I gave him a faint smile.

"Pa, kinausap ako ni Manang Elen. Nabubulabog daw ang kapit bahay sa ingay naten dito sa bahay tuwing gabi." I said trying not to offend him. But I think I did.

Tears began to flow in his eyes. At alam kong magsisimula na naman eto.

"Pasensya ka na anak. Hindi gusto ni papa na pahirapan ka. Sana lang mawala na ang sakit na to para tapos na ang hirap mo." Naluluhang sabi niya.

"Asus nagdrama na naman ang papa ko. Ano bang ulam?" pag iiba ko ng usapan. I sounded cheerful para di na siya iiyak ulit.

Sabay kaming kumain ni papa at pagkatapos nun ay ako na ang nagligpit. Hindi kasi pwede kay papa na napapagod dahil mahina na ang katawan niya. Pinainom ko lang siya ng gamot at saka siya pinatulog.

Alam kong nahihirapan din si papa sa gabi gabing pangungulila sa asawa. Yun ang dahilan ng pag iyak niya tuwing gabi. Kaya hinaluan ko ng sleeping pills ang tubig niya para madapuan agad siya ng antok.

After I did the dishwashing, pumasok na din ako sa kwarto para nakapagpahinga na.

Her Beautiful BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon